9. Master Zombies

136 6 0
                                    

"Limang oras na mula nang magkagulo sa Neon City." Sabi ni Giselle habang nakatingin sa relo. "Apat na oras ang byahe kung nakamotor ka. At kung gagamit ng mabilis na pagtakbo ay mas mahaba pa."

"Ang hindi natin alam kung tumatakbo nga." Sabi ni Virgil.

"Walang isip ang isang zombie." Sabi naman ni Jessica. Tumingin sila dito. "Sa pagkakaalam ko ay hindi sila matalino kaya gagawin lang nila ang utos ng device pero hindi sila gagawa ng paraan para mapabilis ang trabaho!"

Biglang may ingay silang narinig. Isang malakas na parang isang pag-sabog.

"Ano 'yun?" Nilabas agad nila ang mga baril nila. Iilang pulis lang ang kasama nila.

"Titignan ko." Sabi ni Virgil. Nakaramdam ng kaba si Jessica kaya napayakap ito kay Giselle. "G, maiwan ka dito para protektahan si Jessica."

"Sige, mag-ingat ka. Baka siya na 'yan. Pero wala akong naririnig na putok."

May tumawag kay Giselle bago umalis si Virgil kaya inalam muna nito ang sasabihin ng tumawag.

"Boss, kanina may isang chopper na dumaan at nagulat kami dahil may bagay silang binagsak mula doon at dito mismo sa gusali ibinagsak ang malaking bagay na 'yun. Titignan lang namin." Sabi ng kausap. "Nasa bandang daanan sa rooftop."

"Sige, pupunta na si Gil doon para makasama niyo! Ilan kayo?"

"Lima lang kami." Binaba ni Giselle ang telepono.

"Ano daw?" Tanong ni Virgil.

"Samahan mo ang mga pulis na umakyat. May isang malaking bagay na bumagsak dito sa itaas. Mabuti't hindi dito mismo. Doon bumagsak sa hagdanan ng rooftop."

"Sige. Bantayan mong maigi si Jessica."

Lumabas ng kwarto si Virgil na nag-iisa. Hinintay niyang makarating ang limang pulis at tinumbok nila ang daanan papuntang rooftop. May lilikuan pa sila at biglang tumambad sa kanila ang animo'y kabaong na nakabukas pero makapal ito at halatang gawa sa bakal. "Ano 'yan?" Tanong ng isa. May narinig silang lumalakad. Nagkatinginan silang lahat. May isang daanan pa na lilikuan kung saan nila nakita ang malaking parihaba na gawa sa bakal. Dahan dahan silang sumilip at napansin nilang naglalakad papalayo ang isang matangkad na lalaki. Pinanlakihan sila ng mata. Tatawagin sana ito ng isa pero inawat ni Virgil.

"Wala munang magsasalita." Utos ni Virgil. "Baka zombie din 'yan dahil mamamatay ang pangkaraniwang tao kung ilalaglag dito sakay ng kabaong na 'yan!"

"Ano ang gagawin natin?"

"Sundan natin siya nang dahan dahan."

Hindi alam ni Virgil ang gagawin niya dahil hindi nila basta basta ito mahuhuli. Lumiko pa ito at mabilis nila itong sinundan dahan dahan. Napansin nila na luminga ito. Saka napagtanto ni Virgil na papunta ito sa laboratoryo.

"Hindi niya alam ang pintuan ng laboratoryo." Sabi ni Virgil at agad pinaalam kay Giselle ang nangyayari.

"Nasaan?" Tanong ni Giselle.

"Tignan niyo ang salamin, baka basagin niya at pasukin kayo diyan?" Paalala ni Virgil.

Hinila ni Giselle si Jessica at inilayo. "Anong oras pa ito matatapos?" Tanong ni Giselle kay Jessica na ang tinutukoy ay antivirus.

"Tapos na." Sabi ng lalaking scientist. Binasa nito ang mga sinulat ni Jessica. "Kailangan na itong malamigan ng 10 degree celcius sa loob ng dalawang oras."

"Ano na, Giselle?! Malapit na siya diyan!" Pabulong pero inis na tanong ni Virgil.

"Tapos na ang antivirus." Sagot ni Giselle.

"Kailangan itong dalhin sa freezer, naka-adjust na 'yun." Sabi ni Giselle kaya agad dinala ng mga pulis ang malaking lalagyan na pinaglalagyan ng kulay berdeng antivirus.

Nilagay nila ito sa de-gulong para hindi na buhatin. "Magsilabas kayo dito pagtapos. Humiwalay kayo sa'min." Utos ni Giselle. Matapos mailagay ang antivirus sa freezer ay may narinig silang nabasag na salamin kaya agad silang lumabas ng kwarto. "Huwag niyo siyang babarilin ah. Mahabang kwento, sundin niyo na lang ako dahil mas mapanganib kapag binaril siya." Utos ni Giselle at humiwalay sila. Kasama niya si Jessica na naglalakad palalayo sa kwarto. Nasalubong niya sila Virgil.

"G, mabuti nakalabas kayo?" Tanong nito.

"Nasa freezer na ang antivirus. Kailangan ito ng dalawang oras kaya magpapahabol muna tayo sa kaniya."

Nakita nilang lumabas ito ng kwarto at naglakad papunta sa kanila. Nasa kabila ang ibang pulis na nakatingin lang din. Sumenyas si Giselle na sumunod ang mga ito. "Let's go." Hinila ni Giselle si Jessica. Sinundan siya ni Virgil at ng lima pang pulis.

"Babarilin ba natin siya?" Tanong ni Virgil.

"Kailangan niyang hindi mabaril para kapag natarakan siya ng antivirus ay mabuhay pa siya. Huwag kayong tatakbo dahil malamang tatakbo din siya. Bagalan niyo lang ang paglalakad."

Lumingon sila sa likod. Nakita nilang sinusundan sila nito. Lumiko sila. "Ano ang gagawin natin, G? Ganito lang? Sa loob ng dalawang oras ba natin gagawin ito?"

Nakarinig sila ng putok na nanggagaling sa ibaba. "Ano 'yun?!" Tanong ni Giselle na nagtataka.

"Hindi kaya andiyan na ang isa?" Tanong ni Virgil.

Sinenyasan ni Giselle ang ibang pulis na tignan ang nangyayari sa ibaba. Bumalik ang ibang pulis.

Isang halimaw ang binabaril ng mga pulis dahil palalapit ito sa kanila. Malaki ang katawan na halos masira na ang damit at ang isang kamay nito ay malaki. Habang binabaril nila ito ay naglalakad ito papalapit sa kanila kaya nag-atrasan sila.

"Ayaw siyang tablan?" Nahintakutan ang isang pulis. Naghiwahiwalay sila habang lumalapit sa kanila ang lalaki. Binabaril nila ito.

Tumawag ang isa kay Giselle. "Boss Giselle." Bungad nito.

"Bakit, sino ang nandiyan?" Tanong ni Giselle na patuloy lang sa paglalakad.

"May isang malaking lalaki dito. Malakas na zombie."

Nanlaki ang mata ni Giselle. "Ano ang itsura? Binabaril niyo?"

"Oo dahil papatayin niya kami. May patalim ang kamay niya."

Nakalapit sa pinto ang zombie at sumigaw ng malakas. "Wraaaaaaaaaaaaah!" Patuloy parin nila itong binabaril pero walang humarang sa daanan. Sinipa nito ang pinto kayaagad itong bumukas. Naiwan ang mga pulis sa labas. Sumunod ang ibang pulis.

"Sige, iwasan niyo siya. Magpapadala ako ng chopper dahil ang bata ang target niya."

"Hahayaan lang ba namin siyang pumasok?"

"Gawin niyo na lang ang magagawa niyo dahil nahinog na ang halimaw sa loob ng katawan niya. Pigilan niyo siya hanggang kaya niyo."

Binaril na naman nila ang zombie sa loob pero lumingon ito sa kanila kaya nahintakutan silang lahat.

Virus: Must Kill JessicaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon