One

125 4 0
                                    


 "Oh ano, ready ka na ba sa first day?" tanong sa akin ni Mommy habang inihahanda nya yung grilled cheese na breakfast ko. Ito na, first day na ng college. Tapos na ang high school. Kinakabahan talaga ako kasi isang malaking university pa naman tong pinasukan ko tapos freshie pa ako dito. Nakaka kaba pa din kahit naipasa ko na yung entrance exam.

Nagpaalam na ako kay Mommy at pumunta sa labas ng gate at kinuha ko yung susi ng Ecosport sa bag ko. Naka labas na ako ng gate ng subdivision ng maalala ko dadaan pala ako sa 7/11 para sunduin si Pia. Pagka park ko sa harapan nung convenience store, masayang pumasok sa loob ng kotse si Pia. "Good morning bestie!" bati nito sa 'kin at sabay beso sa pisngi ko. "Bakit ang saya mo naman ata?" tanong ko habang nag simulang paandarin ang kotse. "Aba shempre beh, pasado tayo sa isa sa mga pinaka legit na uni dito sa Manila! Di ka ba sasaya noon?" masayang tanong niya sa akin. Hindi ko nalang sinagot ang tanong niya kasi biglang tumugtog yung radio, binuksan niya pala. Jusko, walang paalam?

 Mga ilang minuto nakalipas, nakarating na din kami sa uni. Damn, ang laki pala nitong campus! Hindi ko inexpect! Bakit ba kasi hindi ko ito inilibot nung nag exam ako? Napatingin ako kay Pia habang naglalakad kami palabas sa parking area na building na din sa campus, muhkang gulat na gulat din siya. "Grabe bes, bakit ngayon ko lang na-appreciate tong lugar na 'to?!" tanong siya akin at halatang mangha talaga siya sa lugar. Napaka lawak kasi at puro puno pa sa paligid. Napaka laki nung football field tapos ang daming surrounding buildings.

"Beh, nauuhaw ako." Reklamo ni Pia. "Aba, inom ka. Problema pa ba yon?" naka simangot kong sabi. Nakaka-inis naman kasi ang dami na naming nalagpasan na water fountain tapos kakagaling lang niya ng 7/11 noon ah! Pumunta kami sa isang stall sa canteen na nagbebenta ng mga fruit shakes. Kinakain ko na pala yung sinabi ko kanina, nauuhaw na din pala ako.

Pumila kami sa likod nung nasa harapan naming lalaki. Nagk-kwentuhan lang kami ni Pia nang magulat kami sumisigaw yung babaeng kasama nung lalaki na nasa harapan namin. "Sino na naman tong kausap mo ha?!" sigaw nung babae. "Kaklase ko yan noon, bakit ba big deal sayo yan eh matagal na natin tong napagusapan?" sagot naman nung lalaki. Mahinhin lang boses niya dahil halata naman na ayaw niya yung atensyon na nakukuha nila dahil sa pagsigaw nung babaeng kasama niya. "Tigil-tigilan mo nga ako!" sabi nung babae sabay tulak sa dibdib nung lalaki at nag lakad siya palabas ng canteen. Nagulat ako dahil na-off balance si kuyang nasa harap namin at nabuhusan ako nung fruit shake na hawak niya. "Hala, sorry po, miss!" gulat na gulat na sinabi ni Kuya. 

Grabe first day pa lang nabuhusan ako agad ng shake?! Nakaka irita, sobra! Sobrang abalang abala ako sa nangyari sa damit ko na hindi ko napansin nawala na yung si kuyang naka tapon ng shake sa akin. "Hala ate girl, may extra ka bang damit sa car mo? Lagot ka kay Tita, na-mantsahan yung OOTD mo ngayon!" sabi ni Pia habang tumutulong sa akin punasan yung nasa damit ko. Napatingin ako sa paligid ko at napansin na madami nang nagbubulungan. Nakakahiya naman masyado yung nangyari sa akin, edi parang instant fame na agad?

Na-realize namin na male-late na pala kami kakalakad at sa kakahanap ng building namin kaya nagsimula na kaming mag madali. Pinauna ko na si Pia pumasok sa first class niya kasi ako bumalik pa ako sa Ecosport para lang kumuha ng extra na damit. Grabe talaga. Hindi ko matanggap na natapunan ng shake yung suot ko. Buti nakapag palit ako within 20 minutes at nagmadali pumunta sa unang klase ko.

Pag dating ko doon sa classroom, tinignan ako ng prof namin at pinaupo lang ako doon sa bakanteng upuan sa pinaka likod ng classroom. Amoy mangga kaya ako ngayon? Nakakahiya sa makakatabi ko. Tahimik lang akong umupo sa upuan ko at nilabas agad yung notebook para makapag notes. First day pa lang, lesson na agad?! Kakaiba talaga college, dama ko na. 30 minutes since nakarating ako sa classroom, napatingin ako sa mga nasa paligid ko. Lahat sila muhkang na-bore na din. Walang awat sa pagsasalita tong si Ma'am eh.

Nagulat ako ng very slight nung nakita ko yung maliit na piraso ng papel sa table ko. "Sorry ha".

I am YOURS & You are MINE.Where stories live. Discover now