Twenty

18 0 0
                                    

I sat there, frozen. I don't know why I suddenly got nervous, but given the fact na ang hilig magtampo ni Ethan pag may kasama akong guys, makes me want to bury myself alive.

Me: Umm, yes. Si Josef kasama ko kanina. Magkasama lang kami kasi gusto ko mag coffee. Nabasa kami parehas ng ulan. May problema ba tayo?

Ethan: Wala naman. Gusto ko lang malaman. Sorry po.

Me: Okay lang, basta 'wag mong pag-initan ha? Wala lang yun.

Ethan: Fine, I'm going to let it slip. Have a good night, okay?

Me: I will. Take care pauwi. Goodnight!

Then I ended the call. Inaantok na din ako. Too tired to talk, especially argue. Well hindi pa naman kami nag aaway about other boys pero baka lang dumating na sa point na mangyari yun. Saka ayun din ang medyo turn-off ko kay Ethan. I get that we've been dating for like, a month now and getting to know each other pero ayun, ayaw ko kasi lagi pinagdududahan yung ginagawa ko. Jusko. Malaki na ako, alam ko na yung tama sa mali.

Anyway, nag overthink ako masyado. And tada, I feel my eyes closing as I drift off to sleep.

———————————

2 months later...

Pagka gising ko, naririnig ko naguusap si Kuya at si Mommy sa baba. Oo nga pala, ngayon na sila aalis. Ayaw ko pa naman dumating yung araw na 'to kasi mamimiss ko sila. Pero it's time for them to go. Saka aalis na din si Mommy eh, sasama sa kanila pabalik. Iiwan nila ako dito sa Pinas para tapusin yung studies ko, which is after 3 years pa.

Sabi naman ni Mommy, bibisitahin pa din nila ako pero iba pa din pag kasama mo yung family mo sa iisang roof 'di ba? Nalungkot tuloy ako. Wala na akong magagawa, tapos na yung 3 months vacation ng mga kapatid ko.

I went out of my room and went to Laurice's room. "Oh hi, Ate! Help me pack please I don't know what to bring! I got my clothes mixed up." sabi sa akin ni Laurice and I gladly helped her. "You know, I'm going to miss you. I have none to talk to when you guys leave." malungkot kong sinabi kay Laurice. Tumigil siya sa ginagawa niya at niyakap niya ako. "Don't worry, Ate. We'll still visit you naman and I think Dad's going to drop by every once in a while during his business trips." sabi ni Laurice.

"Hay nako, I don't want to think about that just yet. Let's just pack your things na lang, okay?" nginitian ko siya at pinatuloy na namin yung pag aayos ng gamit niya.

After quite some time, ready na umalis sila Mommy. Nakapag ayos na din ng sarili. Ilang minutes na lang, dadating na din si Ethan. Tutulong daw siya kela Mommy papunta sa airport at siya nag volunteer mag drive ng Ecosport ko.

Kinakausap lang ako ni Mommy about sa mga bilin niya about the house and stuff, nang marinig ko binuksan ni Kuya yung pinto at pumasok si Ethan. "Hey bro! Thanks for coming!" Bati ni Kuya kay Ethan at nag bro hug sila.

"Oh, Ethan! You're here na pala. Thank you ha! Pwede na tayo umalis, tutal na-load na naman yung mga luggage sa sasakyan ko saka yung kay Maureen." bati ni Mommy kay Ethan. Kinuha ko na yung susi at nagulat ako nung pag talikod ko si Ethan nasa harap ko na. "Uy, hi. Ready to go?" tanong niya sa akin at sabay halik sa pisngi ko. I smiled and said "Ikaw ha, pasimple ka pag wala sila Mommy." Biro ko sa kanya at natawa siya. Lumabas na ako at sinarado na ni Ate Mae yung pintuan.

Ako lang pala sasakay sa Ecosport ko. Actually, kaming dalawa lang pala ni Ethan. Hindi manlang ako sabayan ng mga kapatid ko. Nagk-kwentuhan lang kami ni Ethan about school on the way sa airport and I think it's relaxing. Masaya din pala pag may nakaka relate sa mga hirap mo sa school.

Nag stop muna kami sa Starbucks, libre daw ni Kuya so si Kuya din nag order ng drinks tapos sinamahan lang ni Laurice. Nung nakarating na sila, nagkwento si Kuya sa mga experiences niya sa Germany. "Sometimes my friends & I would skip class and hang out in the park and play ball." tawang tawa si Kuya kasi naiinis si Mommy sa mga kalokohan niya. "Does dad know?" tanong ko kay Kuya, syempre gulat na gulat ako no!

"Nope." Tapos mas lalong natawa si Kuya. Loko loko talaga eh. Pagkatapos namin tumambay sa Starbucks, dumiretso na kami sa airport. Tagal ko nang hindi nakakapunta dito ah. "Kuya, take care okay?" sobrang naiiyak na ako kasi aalis na sila wala nanaman akong pamilya dito sa Pilipinas. Niyakap ko si Kuya Charles na ayaw aminin na nalulungkot siya.

"Yes yes I'm going to be fine. You take care of yourself too." sabi ni Kuya at nilapitan ko naman si Laurice. "Hey Laurice, don't forget Ate's only one message away ha? I'm always here for you." sabi ko at niyakap ko si Laurice na kanina pa umiiyak. Sunod naman ay nagpaalam ako kay Mommy niyakap ko siya. "Mag-ingat ka dito ha? Hindi ko pa sure ang plano ng Daddy mo para sa Christmas pero sisiguraduhin namin na kumpleto tayo doon. 'Wag ka na umiyak ha?" sabi ni Mommy at pinupunas niya yung mga luha na nasa muhka ko.

Nakita ko na nag paalam na mga kapatid ko kay Ethan at nakipag beso naman si Mommy sa kanya. Naluha ako lalo nung unti unti na silang umalis at lumalayo sa amin ni Ethan. Mamimiss ko talaga sila ng husto. Ethan hugged me and said, "Tara, hatid na kita." At hinawakan kamay ko at umalis na kami sa airport.

"So, kaya mo ba mag-isa mamaya sa bahay niyo? I mean there's no ghosts or anything but can you sleep alone?" tanong sa akin ni Ethan habang nagd-drive siya. "Oo naman. Malungkot lang kasi first night without them pero okay naman ako." sabi ko sa kanya. Natahimik kami saglit at nag salita ako,"Ethan, pwede kahit samahan mo na lang ako kumain ng dinner sa bahay?" tumingin siya at sabi, "Oo naman. Let's buy food first." sabi niya at hinawakan kamay ko.

—————————-

It's been 2 weeks since nung umalis sila Mommy dito sa Pinas and I miss them all so much. Sobrang hirap pala tumira dito sa bahay. Para bang mas lumaki na yung bahay para sa akin. Hindi naman ako completely alone kasi nandito naman si Ate Mae tapos chihuahua kong si Dotty nandito din.

Tinatamad na ako pumasok sa school. Hindi ko na din nakikita si Pia at hindi na kami nakakapag Happy Thursday. May bago na din kasi siyang friends eh pero okay lang naman. Ako puro si Ethan lang kasama ko kasi blockmates din kami. Ayaw naman ako nun sumama sa iba tulad nila Richard at mas lalo nang si Josef.

Nagrereview lang ako para sa quiz namin mamaya pero hindi ako makapag concentrate kasi si Ethan walang ginawa buong araw kundi mag text sa phone niya. Pag titignan ko naman, nilalayo niya agad. Nakakapag tampo pero ayoko ipahalata. Hindi ko din masilip kasi napaka low ng brightness. Nakakainis na din at the same time kasi shortly after naka alis sila Mommy, si Ethan walang ginawa kundi mag type sa phone niya. 

Nag aaway na din kami sa mga pinaka maliliit na bagay. Nung minsan, nag decline lang ako sa offer niya na sunduin niya ako sa bahay, nagalit agad. Sinasabi sa akin na baka meron na daw akong iba and stuff. Tapos nung minsan napostpone yung Happy Thursday namin ni Pia kasi magd-date daw kami ni Ethan at naka schedule na pero nung day na yun, hate to admit it, pero sobrang boring kasi wala siyang ginawa kundi mag text. Nakakairita na.

"Ethan, hindi ka ba mag rereview? Kanina ka pa phone ng phone diyan." sabi ko sa kanya. "'Di na. Madali lang yan. Saka ano naman kung phone ako ng phone at least nga 'di kita iniistorbo diyan." sabi niya at nag walk out. Wow. Grabe ha. Masyadong defensive naman yata.

------------------------------

HI AGAIN HUMANS AHAHA i have decided na mag write mostly in English kasi ang hirap pala pag puro Tagalog sorry guys hindi ako masyadong magaling mag Tagalog kaya sorry kung wrong grammar or wrong spelling HAHAHA  ayun lang.

Thanks for reading my story and for getting this far! Don't worry, I'm still updating as much as I can kahit exam week but thank you still! Feel free to comment, share, or vote for this story! I appreciate it! Thanks!

-Chloe

I am YOURS & You are MINE.Where stories live. Discover now