I can hear the footsteps and its running towards the dining area. I was so stunned to see a little boy wearing his school uniform. Ang cute! Para siyang mini version ni Ate Emma and Ethan! Except ang chubby ng cheeks niya and ang fluffy niya! Napa ngiti sila Ate Emma and Ethan nung lumapit sa kanila yung bata.
"Hi, how's school?" masayang bati ni Ate Emma at binuhat yung bata. Lumapit sila sa akin at sabi ni Ate Emma, "Kiddo, introduce yourself to Ate Maureen. Come on, now." At pinisil niya yung cheeks nung hawak niya. "Hi po, I'm Sebastian but you can call me Basti!" sabi niya sa akin. "Ang cute cute mo naman! Hi I'm Ate Maureen! Nice to meet you, Basti!" sabi ko at hinawakan yung maliit na kamay ni Basti. Ang cute cute niya!
Napansin ko na naka tingin lang si Ethan sa amin at naka ngiti siya. Ang cute niya din. After namin mag kulitan ni Basti, sumama na ako kay Ethan pabalik sa family room nila. Hindi na naka transform yung sleeper couch nila kaya nakaupo na lang kami sa mismong couch. Naka akbay siya sa akin at ako naman nakasandal sa kanya. Sana ganto na lang lagi. Sobrang comfortable niya kasama.
"So tatlo pala kayong magkakapatid no?" tanong ko kay Ethan at napatingin siya sa akin. "Yes." sabi niya. "Binalak mo ba talaga na ipakilala ako sa kanila ngayon?" hindi kasi ako mapakali, kanina ko pa naiisip din to. "Hmm, not really. Just so happened that Ate was home early and I didn't know what time Basti comes home." He said. So hindi pala talaga planado. Paano naman kung accidentally parents niya ma-meet ko?
"What about your parents? When do they come home?" I asked. He chuckled and said "Maya-maya pa. Don't fret. Oh, do you want to go home na?" He asked me. As much as I want to spend more time with him, nakaka hiya din baka abala na ako dito sa bahay nila. Lalo na't maaga pala nakauwi Ate niya saka si Basti din nakauwi na. Parents nalang nila ang hinihintay nila.
"Sure. I have stuff to do." I said as I stood up but I felt him grab my hand. Napa tingin ako sa kanya at naka tingin siya sa akin. "Stay?" He asked. Chills went up my spine and I didn't know how to react. Napa ngiti na lang ako at sabi ko, "Maybe next time." Nag pout yung lips niya pero binitawan na niya yung kamay ko.
Sinamahan ako ni Ethan sa labas kasi ihahatid niya daw ako sa parking area para kunin yung car ko. Nagpagabi pa ako ng slight, nalimutan ko yung sasakyan ko nasa campus pa pala. Bukas pa naman yung campus kasi quarter to 7PM pa lang naman. Paalis na kami sa bahay nila nung biglang lumabas si Basti sa bahay nila. "Kuya Ethan, can I come with you?" He said. "Nagpaalam ka ba kay Ate?" nanigurado si Ethan. Sabagay, baka nga tumakas lang to si Basti. "Yes po! She said yes naman as long as you bring her ice cream!" masayang sabi ni Basti at umakyat siya sa loob ng sasakyan ni Ethan.
Pagdating namin sa campus, nagpababa na lang ako sa harap ng parking building para hindi na ma-abala yung magkapatid. Well, being the clingy "boyfriend" he is, bumaba siya sa car at sinamahan ako sa car niya. Baliw yun, iniwan niya yung baby brother niya sa sasakyan.
Inakbayan niya ako hanggang sa nakapunta na kami sa car ko. "Sige na, mag ingat kayong dalawa ha?" sabi ko sa kanya at niyakap niya ako. Hinalikan niya yung noo ko at sabi, "You too. Drive safe." Tapos ngumiti ako sa kanya. Yieee. Nung paalis na ako ng parking, umalis na din sila Ethan.
Nakadating ako sa bahay ng mga 7:30PM dahil sa traffic. Ka-stress din eh. Buti na lang bumili na ako ng dinner nung nagdrive-thru ako. Kinain ko yung binili ko na burger & fries sa bahay habang nanonood ng TV. Katabi ko si Laurice na gumagawa ng mga bracelet.
"Ate." tinawag ako ni Laurice at napatingin ako sa kanya. "Yes, why?" sabi ko habang subo yung burger ko. "Is Kuya Ethan your boyfriend now?" tanong niya at nasamid ako sa kinakain ko. Nagulat siya dahil nasamid ako tapos ako nagulat ako dahil sa tanong niya. Iba din to eh. Bata bata pa, daming alam eh.
Pero bago ko masagot, napaisip ako. Ano na nga ba kami ni Ethan? Wow. So nakilala ko na mga kapatid niya. It's also been 3 weeks since the "confession". Medyo maaga pa nga eh. Mag iisang buwan pa lang. Pero pwede naman yun diba? Hala hindi ko din alam.
Ang weird pala pag hindi mo alam kung ano kayo nung tao 'no? Ang sweet niyo and all tapos mapapa-isip ka na lang, "Ano bang meron sa atin?". Kisses on the forehead, sweet words, hugs that make you melt, what does it all lead to?
"I think so." yun lang yung sagot na nasabi ko kay Laurice. Ngayon ko lang narealize din na tapos ko na pala yung kinakain ko tapos pinalalaruan ko na lang yung straw ng iniinom ko. "Hmm, okay." Simple lang din sagot ni Laurice at tinuloy na niya yung pag gawa niya ng bracelet. I finished cleaning up after eating tapos tinapos ko na din yung night routine ko. Nakahiga na ako sa kama then chineck ko yung phone ko. Nagtext pala si Ethan and hindi ako nakapag reply so I called him.
M: Hi.
E: Hey, where are you?
M: Home na, bakit?
E: Buti naman. May Saturday class ba tayo tomorrow?
M: Wala naman.
E: Sige, wear something pretty, okay? I'll pick you up at 11
M: Ha bakit a-
E: Goodnight Maureen!
*end call*
Aba grabe binabaan ako ng tawag nito. Anyway, too tired to even think about it kaya tinabi ko na yung phone ko at natulog na din.
YOU ARE READING
I am YOURS & You are MINE.
General Fiction"Maureen, choose one. You can't always have both. Unfair yun sa kanila." sabi ni Pia sa akin. Hindi pa ako sumasagot kasi nahihilo na ako. Gusto ko na lang mawala tong problema ko. Lulunukin ko na lahat ng problema hanggang sa masaya na ulit ako. Pe...