Fourteen

18 0 0
                                    

"Pia naman eh! 'Wag ka na mag tampo please!" nagmamakaawa ako kay Pia habang naglalakad kami papuntang cafeteria. Kanina pa niya ako hindi pinapansin. Hula ko din kasi dahil hindi ako nagkwento sa kanya tungkol sa amin ni Ethan. Huhu.

"Lilibre kita ng cheese sticks, kausapin mo lang ako!" Bigla kong sinabi at napatigil siya sa paglalakad. Napangiti ako kasi alam ko pa din kung ano yung way na makuha atensyon niya.

Natatawa din siya at napa-irap na lang kasi alam niyang nakuha ko yung gusto niya para pansinin niya ako. Loko talaga to eh.

"Promise, P. Lilibre kita kahit dalawang lalagyanan pa ng cheese sticks!" sabi ko ulit sa kanya. "Fine, bilhan mo muna ako tapos kakausapin na kita ulit." May pag seryosong effect pa si Ate Girl at umalis na ako para bumili ng cheese sticks niya. "Hoy! Dalawang plastic yan ha!" sigaw niya sa akin. Tumango ako at bumili na.

Nung naka bili na ako, pumunta na ako sa table na nakuha ni Pia para sa aming dalawa at umupo na din ako sa upuan sa tabi niya. "Ito na. Kakausapin mo na ba ako?" tanong ko sa kanya. "Okay, spill." She nodded in approval habang nilalamon yung cheese sticks na binili ko.

Hindi pa ako tapos mag kwento pero naubos na niya lahat ng binili ko. Grabe talaga yun! "So ayun na yun? Nilayuan ka niya kasi gusto ka niya? Aba teh! Haba pala ng buhok mo! Halika dito gugupitan ko!" sabi niya habang hinihila ng pabiro yung buhok ko.

Nagtatawanan lang kami ni Pia nang makita ko si Ethan na kakapasok pa lang sa cafeteria. Kasama niya yung friends niya at muhkang naghahanap sila ng mauupuan. Naka tingin lang ako sa kanya and as if on cue, napa tingin din siya sa akin at ngumiti. Hay grabe.

Nagpaalam muna siya sa mga kaibigan niya at naglakad papunta sa table namin ni Pia. Hindi ko alam pero kanina pa siya naka ngiti sa akin. "Oh ayan na pala bebe boy mo, una na ako ha? May klase pa me! Bye! Namiss kita, Mau!" niyakap ako ni Pia at nagpaalam na sa akin at kay Ethan. Sinabihan pa ni Pia na ingatan daw ako ni Ethan. Baliw yun eh.

Umupo si Ethan sa tabi ko at pinatong niya yung arm niya doon sa upuan ko. "Uy." tawag niya sa akin. Bakit naka ngiti pa din to? "Yes, why?' tanong ko sa kanya. Nakaka hawa yung ngiti niya ang cute cute niya! "Tara labas tayo. Namiss kita eh." grabe naman ang landi pala nito eh. Nagi-init na yung muhka ko kaya napa tango na lang ako sa kanya.

Hinila niya ako palabas ng cafeteria at pumunta kami sa parking lot. Pinaandar na niya yung sasakyan niya at umalis na kami sa campus. "Ethan, saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanya. "Hindi ko sure pero gusto ko bumili ng food eh." sabi niya sa akin at nagulat ako nung hinawakan niya kamay ko kaya natahimik na ako.

—————————————

Pumasok kami sa isang convenient store at nag tingin tingin ng mga pwedeng bilhin na snacks. Naghahanap ako ng mga cup noodles at si Ethan naman ang naghahanap ng mga drinks at chocolates. Buti nalang talaga, 9:30AM lang ang schedule ko ngayon at nagkataon na Friday na, kaya wala na akong gagawin buong araw. Actually, kaming dalawa pala since blockmates kami.

Ang yaman naman ata masyado ni Ethan para bumili ng napadaming pagkain na to, kaya I decided na mag contribute din. Just when I'm about to put out my wallet, pinigilan niya ako. Ngumiti at sabi "It's all on me, Mau." Yieee kakilig naman.

After namin mag drop-by sa convenience store, pumunta kami sa bahay nila. Bago kami pumasok sa bahay, "E-Ethan.." sabi ko sa kanya. "Yes po?" tanong niya sa akin habang kinukuha yung mga paper bags of food sa trunk. "Bakit tayo nandito?" tanong ko sa kanya. Nakaka kaba hindi pa ako handa na makilala ng mga magulang niya or family members.

Also on that note, I don't know much of his personal background. He never really talked to me about it. Baka ganoon ka-private yung life niya.

Sinara na niya yung trunk at tumingin sa akin. Ngumiti siya at sabi "Magch-chill muna tayo. Tara!" sabi niya sa akin at tinulungan ko siya sa mga hawak niyang paper bags at binuksan na niya yung pinto.

Grabe ang ganda pala ng bahay nila Ethan. Ang laki parang mansion tapos two-car garage pa. Bigatin pala to kaya may sarili ding sasakyan. "Tara doon tayo sa family room. Nandoon yung TV." sabi niya sa akin at hinablot yung mga hawak ko at siya na ang nag dala.

I plopped down on the couch and looked around. Ang ganda naman nitong kwarto na to. Puro TV tapos mga kung ano-anong gaming consoles, you name it. After Ethan finished setting up every thing on the coffee table, he stood beside me and said "Babe, taas mo muna paa mo, ayusin ko lang tong nasa ilalim ng couch." Nanlaki mata ko sa sinabi niya. Babe daw. Oh my gosh.

Hindi ata nag process agad sa utak ko yun at kinalabit ako ni Ethan at tinaasan ng kilay. Doon ko lang narealize hindi pa pala ako kumikilos. Natawa naman siya kaya siya na mismo nagtaas ng legs ko para i-set up yung nasa ilalim ng couch. Turns out, sleeper sofa pala ito. Yung tipong pwede mong gawin na bed din.

After everything, he also plopped down beside me and opened a bag of chips. He dimmed the lights and turned on the TV. Tahimik lang kaming nanood pero nagulat ako nung may nagbukas ng pinto tapos napatayo kami sa gulat at sabi, "Ethan?!"

I am YOURS & You are MINE.Where stories live. Discover now