After what I've seen awhile ago at the coffee shop, I decided it was time to go. Kahit hindi pa ako tapos sa ginagawa ko, gusto ko na lang umalis dun sa pwesto ko. Hindi ko na kaya tignan si Ethan na may kasamang iba. Hindi ko alam bakit ganon yung naiisip at nararamdaman ko pero hindi eh. Hindi ko kaya.
Lalo na nung parehas pa silang umupo sa isang table. I didn't want to get seen by him. I didn't want to see him having this effect on me. Ang saya saya niya tignan kasama yung babae. Yung itsura niya na nakikita ko ngayon ay yung muhkang nakikita ko kapag kaming dalawa lang ako mag kasama. Malungkot isipin din pala na hindi lang sa akin pinapakita yung ganung side niya.
Nakaalis na ako ng hindi ako nakikita ni Ethan, or at least that's what I think. Siguro naman talaga hindi niya ako nakita. I went straight to the classroom para ituloy yung ginagawa ko. Kaso ang problema, hindi ako makapag concentrate. Every time na susubukan kong mag isip, yung masayahing muhka ni Ethan ang lumalabas sa isip ko. Sana din pala may block na button sa mga utak natin. Para kahit saglit, mawala yung ayaw nating isipin.
Sobrang nawala ako sa sarili na pag tingin ko sa classroom, puno na pala ng mga estudyante. Wala akong katabi. Ay mali, wala pala akong Ethan na katabi. Ugh ayoko na. Nag decide ako na makinig na lang sa lesson na tinuturo kasi saglit na lang at magrereport na ako. Hinihintay ko yung cue ko nang mapalingon ako sa usual spot ni Ethan sa classroom kapag hindi kami magkatabi. Nakita ko siya na nakaupo doon.
"Ms. Neumann, please prepare your report about the topic to be discussed." at yun na yung cue ko from the prof na magrereport na ako. Kinuha ko na yung laptop ko at yung cord na kailangan ikabit sa projector. Sine-set up ko lang yung laptop ko at nagpasimpleng tingin ako kay Ethan. Napansin ko na nag te-text siya sa ilalim ng desk. Hay nako, bothered nanaman ako. So nag focus nalang ako sa pag s-set up.
At least this time, naki-cooperate ang concentration ko sa nirereport ko. Maayos kong nadeliver yung topic pero pasimple ko pa din pinagmamasdan si Ethan at hindi siya nakikinig. Bahala siya, basta ako acads before lovelife. Sagabal lang yan kasi naniniwala akong love can wait. Kaya nga hindi siya niru-rush diba? Siguro kakainin ko lang tong sinabi ko kapag nagka boyfriend na ako.
——————————————
Mabilis akong naglalakad sa hallway para maka uwi ng maaga. Busy ako sa pagt-text kay Pia nang makaramdam ako ng may bumangga sa akin. Tumalsik yung phone ko, pati ako. Napatingin ako agad sa sahig para hanapin yung phone ko. Mabilis kong nakuha at chineck to. Medyo nag crack yung screen kaya nakaka frustrate pero mas nakaka frustrate nung nakita ko si Ethan na naka tingin sa akin ng seryoso.
Nakatingin lang siya sa akin. Walang bakas ng emosyon.
Edi ako nakatingin lang din sa kanya. Staring at him even when he walked away. He left me sitting here on the floor, with my things scattered. Katulad na lang nung nakita ko siya kasama yung ex niya, iniwan niya lang ako dito na sobrang confused at kasama yung mga ala-ala na iniwan niya.
But I'm resilient even if I haven't experienced this before. I stood up and picked up all of my things on the floor. Nung aabutin ko na yung pencil case ko may bigla humawak din. Nataranta ako kasi baka nanakawin yung pencil case ko kaya napatingin ako sa magtatangkang kunin to. It was him.
It was him that I haven't seen in a while. His worrying eyes were looking straight right at me, sending me chills down my spine. Kakaiba naman epekto nito sa akin.
"Let me help you, Maureen." sabi ni Josef sa akin at hindi siya naka ngiti dahil bakas na bakas sa muhka niya na nagaalala siya sa nangyari sa akin. Muhka na siguro akong tanga dito ang dami kong iniisip ni hindi manlang ako nagsasalita.
Tinutulungan niya ako habang ako naman inaayos ko yung mga gamit ko. Bakit nga ba hindi ko pa to nilagay sa bag ko kanina? WTF.
So ayon natapos na kami at hindi pa din naka ngiti si Josef. Sobrang weird kasi ngayon ko lang siya nakita na ganto.
"T-thank you po." hiyang hiya ko sinabi sa kanya at nagmadaling umalis. Hindi ko naramdaman o narinig na humabol si Josef pero nahihiya ako kasi ang pangit tignan na natatanga ako kay Ethan to the point na hindi ako naka bangon agad.
Hindi ko matanggap yung pagt-trato niya sa akin. Kahit manlang isang salita, sana may explanation bakit bigla bigla nalang niyang naisipan na iwasan ako. Kasi kahit paano, naging mag kaibigan naman kami at naging close pero bakit naman ganyan? Ni hindi ko alam kung saan ako nagkamali o saan ako nagkulang. Pero sana, maisip niyang mag paliwanag.
YOU ARE READING
I am YOURS & You are MINE.
General Fiction"Maureen, choose one. You can't always have both. Unfair yun sa kanila." sabi ni Pia sa akin. Hindi pa ako sumasagot kasi nahihilo na ako. Gusto ko na lang mawala tong problema ko. Lulunukin ko na lahat ng problema hanggang sa masaya na ulit ako. Pe...