Twelve

21 1 0
                                    

Habang nagp-prepare ako for school, iniisip ko na kung paano ang scenario mamaya if ever makita ko siya mag isa. I'm so nervous. Una, hindi ko pa alam sasabihin ko sa kanya pero magtatanong lang naman ako diba? May mga tanong talaga minsan na kahit alam natin yung maaring maging sagot, hindi pa din natin tinatanong kasi natatakot tayo. And in my case, yun ang sitwasyon ko ngayon.

Ethan, bakit ka ganyan?

Eww, ang pangit naman parang ang desperate tignan. Wala na ba ako maisip na ibang masabi? I'm sure pag nandoon na ako sa harap niya, makakalimutan ko lahat ng mga pinractice ko dito sa harap ng salamin ngayon.

May nagawa ba akong mali?

Eww ulit, ang straightforward ata masyado. Hay nako. Bahala na kung ano na lumabas sa isip ko sa mga oras na mahaharap ko siya. Gustong gusto ko siya i-confront sa mga gusto ko sabihin pero hindi ko talaga maisip paano ko gagawin yun. Sobrang sinusubukan ko mag build up ng confidence para masabi ko sa kanya yung mga gusto ko talaga iparating to the point na madami akong kinain ngayong breakfast kasi baka mamaya hihilo hilo ako.

Pero ang tanong, mahaharap ko nga ba siya?

———————————

I was walking down the stairs so I could get to the canteen on time. Madami nga akong kinain nung breakfast pero kakaiba yung gutom ko ngayon ah. Habang naglalakad ako, nakita ko na agad si Ethan na nakaupo mag isa sa isa sa mga benches ng campus. Ayun, nagbabasa ng libro at muhka pang seryoso.

I guess ito na talaga yung oras para gawin kong kausapin si Ethan at ngayo'y mag isa lang siya.

Kinakabahan ako lumapit. Bawat hakbang ko papunta sa kanya, mas lalong lumalakas yung kabog ng dibdib ko.

Hindi ko kayang kumalma kasi hindi ko na nga alam sasabihin ko, hindi ko pa alam bakit ko naisipan na ngayon siya lapitan.

Pero for some reason na kahit ayaw ko nang lumapit, yung mga paa ko talagang doon ako pinapa punta ko saan siya naka pwesto.

Naramdaman niya ata na nasa harapan na niya ako kasi binaba na niya yung libro niya at naka tingin sa akin.

"Ethan." tawag ko sa kanya. "Pwede ba tayo mag usap?"

Hindi na siya makatingin sa akin. Alam na niya siguro yung pinunta ko dito. Pwedeng pwede naman siya umalis kung gusto niya like, wala naman kami sa room or anything, 'diba? He seems to want me to stay because he asked me to sit down beside him.

He faced me and said, "Look, I'm sorry, Maureen. I know I've been so damn unfair to you. I've been treating you like sh*t and I don't know what to do. I'm so confused." And he let out a deep breath of frustration.

"Alam mo, Ethan? Pwedeng pwede mo naman talaga sabihin yung rason bakit ka ganyan eh. Hindi mo naman ako kailangan iwanan sa ere, nagiisip kung saan at paano ako nagkamali para iwasan mo ako ng ganito. Kasi masakit. Masakit dahil naging close tayo't lahat tapos bigla kang mangiiwan." Hindi ko pinlano yung sinabi ko pero ito agad yung lumabas sa puso't isipan ko at natahimik siya.

Hindi magawa ni Ethan na tumingin sa mga mata ko na para bang naghahanap siya ng ibang titignan. Is he that guilty?

"Maureen, the truth is: Ayaw ko ma-attach sayo. I can't. I'm almost there and I can't afford to get attached to someone new anymore. I'm not saying you're not worthy but this heart," sabi niya habang tinuturo yung dibdib niya, "This heart can't afford another heartbreak because the last time it did, I was so torn." Napa-awang ang bibig ko sa lalim ng sinabi ni Ethan sa akin. Anong heartbreak eh diba mag kaibigan lang naman kami?

But there is a question I can't resist not asking, "E-ethan, may feelings ka ba sa akin?" kabadong kabado ako tanungin. Sobrang straight-forward pero I just want to know kasi iba na din yung kabog ng dibdib ko ngayon.

"If I told you I do have feelings for you, would you run away?" He asked me and my knees felt weak. My heart is starting to feel like its going to break out of my chest. Tanong pa lang yan pero inassume ko na, na meron siyang nararamdaman para sa akin.

"No, I wouldn't." mahina kong sinabi. Sumasabog na talaga yung utak ko. Kakaiba pala yung feeling. Totoo din pala yung sinasabi nilang 'butterflies in your stomach' kapag kinikilig. Grabe naman yung epekto mo sa akin, Ethan.

"Pwedeng pwede na ba ako ma-attach sayo, Maureen?" kabadong tanong sa akin ni Ethan. "Oo naman, pero sa isang kondisyon." sabi ko sa kanya at muhkang nagulat siya.

"Ano po yun?" sabi niya sa akin. Took every ounce of courage inside of me and said, "'Wag mo na ako iwasan ulit, please."

Tumahimik si Ethan. Mali ata sinabi ko ah. But no, he smiled at me and nodded in approval. He stood up and motioned me to stand up as well.

I stood up and the loud thud of my heart inside my chest got even louder when Ethan took my hand and intertwined my fingers with his. For some reason, everything felt right at that moment.

-------------------------

Hi guys!! Please feel free to leave feedback sa comments section or here: chloearquelada.sarahah.com kasi sobrang naappreciate ko siya. Like for example nung nalimutan ko na naka private pala yung Chapter 3 (pero okay na siya thank you sa nagsabi HAHA)

Ayon lang, please also share this story kasi talagang pinaglalaanan ko ng time para mag post ng new chapters hihihi thank you!!

I am YOURS & You are MINE.Where stories live. Discover now