Five

56 3 0
                                    


"Good morning, Maureen." bati niya sa akin at nakarating na din ako sa dulo ng stairs. "G-good morning din. Anong ginagawa mo dito?" sobrang confused ako kasi hindi ko talaga alam bakit siya nandito ng ganitong kaaga tapos hindi ko din alam saan niya napulot address ko!

"Wala, gusto ko lang sana sabay tayo pumasok sa school." napatayo siya at nakalagay nanaman yung right hand niya sa batok niya at naka ngiti. Nagpapa-cute pa to? Saka anong sabay eh hindi naman kami close pa! "W-well, kumain ka na ba?" tanong ko sa kanya at naglakad papunta sa dining area. Sumunod siya sa akin at sabi "Hindi. Bumili na ako ng breakfast nating dalawa." nung sinabi niya yon parang may dumaan na kidlat sa katawan ko. Chills kung tawagin pag nasa movies. Hindi ko siya nilingon at umupo na ako sa dining table.

Nakatayo lang siya medyo malayo sa table at nakalagay lang yung mga kamay niya sa pockets niya. To be honest, ang gwapo niya ngayon. Fit ulit yung pants niya tapos naka uniform siya na white button down shirt na short sleeves na medyo loose na ng unti sa kanya. Tapos yung buhok niya, nakahawi pa din sa side. Kaso ngayon, naka black earrings na siya. Ang gwapo niya tignan. "Maureen, baka matunaw ako ha." natawa siya sa sinabi niya at parang uminit nanaman yung muhka ko. "H-halika u-upo ka na dito. K-kain na tayo." kinakabahan talaga ako. Nakakahiya yun! Nahuli niya akong naka tingin, titig rather.

Umupo na siya at nagsimula na kunin yung mga take out na pagkain doon sa paper bag na nakapatong sa table. Binigay niya sa akin yung box ko saka fork and knife. Binuksan ko yung akin at nakita ko pancakes yung inorder niya. Tinignan ko din yung kanya at parehas pala kaming pancakes ang kakainin. Inabutan niya ako ng syrup at tinanggihan ko. "Bakit ayaw mo?" tanong niya sa akin. "Kumakain naman ako niyan pero iba mas type ko." naka ngisi kong sabi at pumunta ako sa ref at kinuha yung chocolate syrup. Muhka naman siyang impressed at napa-ngiti na lang din sa akin. "Gusto mo?" alok ko sa kanya ng choco syrup. "No thanks." sabi niya.

Tahimik lang kaming kumakain ng breakfast. Hindi naman din kasi ako mahilig mag salita pati siya, tahimik lang din yon. Pagkatapos namin kumain, nagpaalam ako saglit sa kanya at umakyat para mag ready for school. Nag suklay ako ng husto at sobrang prepared. Sinigurado ko na maayos ako tignan para hindi naman nakakahiya kay Ethan.

Pagbaba ko nakita ko siyang naka tayo lang doon at tinitignan yung family pictures na naka display. "Tara na." tipid kong sabi. Tumango siya at sinamahan na ako palabas ng bahay. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng Everest niya at pumasok na ako sa loob. Nagsuot na ako ng seatbelt tapos pumasok na din siya sa kotse at pinaandar na yung sasakyan.

———————————————

Nang makarating kami sa parking building ng campus, namiss ko na yung Ecosport ko na naiwan sa bahay. Pero okay lang din siguro yun, for a change din na nakisabay ako sa ibang sasakyan. Pinatay na ni Ethan yung makina nung nakapag park na siya. Tinanggal ko na yung seatbelt ko at bumaba na kami sa sasakyan niya.

Kakaiba yung feeling na kasama ko si Ethan ngayong umaga. Hindi ko alam kung anong kaluluwa ang sumapi sa kanya para samahan ako muli breakfast at siguro hanggang uwian na din. Suot suot niya yung backpack niya sa isang balikat lang tapos yung isa hawak laptop bag niya. Pinagmamasdan ko lang siya ng tahimik habang naglalakad kami sa unang classroom namin.

Umupo ulit kami sa pinaka dulong parte ng classroom. Nakapag tataka din na hindi kami pinagtitinginan ng mga kaklase namin. Well siguro ganon na nga kapag college, wala nang pakialaman. Hindi din naman sa nagpapapansin ako pero diba ganon pag high school, lahat big deal?

Makalipas ang tatlong oras na klase, umay na umay na ako sa pagmumuhka ng prof namin. Kaya sobrang nagpapasalamat ako nung tapos na yung klase. Sunod naman ay dalawang oras na vacant. Namimiss ko na si Pia. Tinext ko siya habang palabas na kami ni Ethan ng classroom. Tinanong ko kung nasaan siya at sabi niya vacant niya din at tumatabay lang siya sa isa sa mga bench malapit sa DQ store ng campus.

"Ethan, pupunta ako kay Pia. Sama ka?" tanong ko sa kanya. Agad siyang napatingin at hindi agad nagsalita. "Kung hindi ako istorbo, sige." mahina niyang sabi. Hindi na siya muhkang masiyahin. Muhka nanaman siyang suplado, katulad nung unang paguusap namin nung natapunan niya ako ng shake. "Hindi ka istorbo, 'wag ka mag alala. Baka hindi ka din naman madaldal nun." in-assure ko sa kanya na hindi siya istorbo sa amin ni Pia.

Naglalakad na kami papunta sa bench kung saan nakaupo si Pia at muhkang nagulat siya na kasama ko si Ethan. 'Wag ka mag alala, Pia. Pati ako hindi ko alam bakit hanggang ngayon kasama ko pa din to. "Hi guys!" masayang bati ni Pia at tumayo siya para yakapin ako at kumaway kay Ethan. Tumango at ngumiti lang si Ethan at inilapag yung mga gamit niya sa bench. "Maureen, pasok muna ako sa DQ saglit ha?" sabi niya sa akin at tumango lang ako.

"Gusto ko lang muna malaman bakit kasama mo si Sungit ngayon, mamshie." sabi sa akin ni Pia pagkatapos ako yakapin. "Hindi ko din alam eh pero kaninang umaga pa kami magkasama niyan, dinalhan ako ng breakfast." nagulat si Pia sa sinabi ko. Bakit parang napaka OA nitong babaeng to? "Ay haba ng hair beh! Wala pa tayong one month dito, may suitor ka na agad!" gulat na gulat pa din siya at natawa lang ako sa sinabi niya. "Baliw ka ba? Hindi siya suitor, siguro nagmamagandang loob lang sa akin. Besides, hindi ko nga alam paano niya nakuha address ko eh." nagtataka kong sinabi kay Pia. "Well duh of course, dahil sa akin no!" pinagmalaki pa niya talaga na siya nag bigay ah!

"Aba gaga ka din pala eh! Bakit mo binigay?!" okay ngayon ako din nagulat na. Bwiset to ah. "Kasi nag tatanong siya. Muhkang trustworthy naman si kuya kahit masungit." sabi niya sa akin.

Naputol ang pag uusap namin nang makita ko lumabas si Ethan ng DQ at may hawak na tatlong Blizzard na Kitkat. Inabot niya yung dalawa sa amin ni Pia. "Wow thank you, Ethan!" masayang sabi ni Pia. Jusko, mahilig kasi sa ice cream saka sa libre to kaya tuwang-tuwa si bruha. "Thanks, Ethan." sabi ko sa kanya at ngumisi lang siya sa amin.

Kinuha niya yung mga gamit niya at pumwesto sa katabing bench namin. "Ayaw mo dito?" tanong ko sa kanya. Napa tingin siya at sabi niya "Hindi naman. Dito lang ako pu-pwesto para hindi kayo masikipan." sabi niya sa akin. Bakit kaya muhka nanaman siyang masungit? Hindi na siya muhkang masiyahin hindi katulad nung kanina nung dumaan siya sa bahay namin.

"Bes, may bago akong crush! Sobrang papabol material niya! Katabi ko pa sa classroom!!" natawa lang ako sa kanya kasi sobrang hanga siya doon sa crush niya. Walang tigil yung kwento, kesyo nagkatinginan daw sila ng 17 times. "Eh ano namang pangalan niya?" tanong ko habang kumakain ako ng ice cream. "Ayun nga eh! Hindi ko nakuha yung name niya!" natawa ako sa sinabi niya at binatukan. "Aray bwiset ka! Hindi ko naman talaga alam!" dagdag niya pang sinabi. "Tanga ka kasi! Tinignan mo na nga ng 17 times tapos hindi mo pa din alam pangalan?" tawang tawa na talaga ako sa kanya.

Habang nagk-kwento pa siya tungkol sa crush niya, napatingin ako sa malayo and I saw a familiar figure. Ayun nanaman hawak niya, yung DSLR niyang lagi naka sabit sa leeg niya at ngayon may kasama na siyang lalaki. Muhkang kaibigan niya.

"Pia, si Josef yun diba?" bulong ko kay Pia at nag wala naman agad si Pia kasi yung kasama daw ni Josef is yung crush niya. Talaga tong babaeng to. "Tawagin mo si Josef, bes! Tanungin mo name nung friend niya!" napa ngiwi naman ako sa gustong gawin ni Pia. Napatingin sa akin si Josef pero madali ding umalis yung tingin niya at tumalikod siya, sakto nung may naramdaman akong naka tayo sa tabi ko.

I am YOURS & You are MINE.Where stories live. Discover now