Nineteen

21 0 0
                                    

Naka tingin lang siya sa malayo. Napatingin ako sa taas ng ulo ko at may payong na pala. Hawak hawak ni Josef. Hindi niya ako nililingon kahit sulyap kaya napatingin na lang din ako sa sahig. Hinawakan niya yung balikat ko ng mahinhin at hinila ako palapit sa kanya. Nagulat ako sa ginawa niya. "Tara, hatid na kita sa sasakyan mo." mahina niyang sinabi at inalalayan na niya ako maglakad sa basang kalsada.

Basang basa na sapatos ko nung nakadating na kami sa sasakyan ko. "Buksan mo na yung pinto para makapasok ka na sa loob." seryosong sabi ni Josef. "Paano ka? Pumasok ka na sa passenger seat" sabi ko naman. "Okay lang ako. Magc-commute na ako." sabi niya habang ako naka upo na sa loob ng sasakyan pero hindi ko pa sinasara yung pinto. Nagsimula na siyang maglakad palayo at hinila ko yung braso niya. "I insist, Josef." sabi ko at naka tingin lang siya sa akin.

Hindi na siya pumalag at tumango na lang. Hinintay ko siya makapasok sa loob ng sasakyan at binuksan ko na yung engine. "Paano tong payong ko? Mababasa yung interior mo." sabi niya. "Okay lang yan, matutuyo din naman. Pakisara na din yung pinto." sabi ko sa kanya.

Nung naka alis na kami sa campus, ang tahimik namin. Pero ang comforting din nung silence. Minsan maa-appreciate mo talaga yung silence kapag sobrang gulo na ng isip mo. Yung silence na hindi awkward. Kaya nilakasan ko nalang yung music sa radio.

"Gusto mo mag coffee muna, Josef?" I asked him. Muhka din siyang nanlalamig kaya mahina lang yung aircon. "Sure. I don't mind." mahina niyang sinabi. This is so unusual. Hindi naman ako na-awkwardan sa kanya pero siya parang gusto na buksan yung pinto at tumalon na sa labas ng sasakyan ko.

After a few minutes, nakapag park na ako sa harap ng Starbucks at bumaba na kami ni Josef. Dali dali kaming pumasok kasi pag nagbagal pa, mababasa kami lalo. Pag pasok namin, nakatayo lang kami sa harap ng pinto at naghahanap ng table. Nakatayo siya sa tabi ko at naalala ko na naman yung first time na nagkita kami. Nung nagkita kami sa Metro.

Nang makaabot na kami sa loob ng bar, napalingon ako sa kanya at ngayon ko lang siya nakita ng husto gawa nung dim lights sa loob ng bar.

Nakatingin lang siya ng direcho sa loob ng bar ng para bang naghahanap ng upuan. Naka sabit lang yung lace ng camera sa leeg niya tapos napansin ko din na napaka amo ng muhka niya. Muhka siyang mabait kahit pag hindi naka ngiti.

Infairness, cute siya. Medyo matangkad ng unti sa akin.

But this time, wala siyang DSLR but he still looks cute standing there. And as if on cue, napalingon siya sa akin. Namula nanaman siya. "U-umm, anong g-gusto mo ako na mag order." He said as he looked away. "White chocolate mocha lang na espresso. Hot tapos grande. Thank you!" sabi ko at naghanap na ng upuan.

Naka hanap ako ng table na pang dalawahan lang sa second floor. Pagka upo ko, nag ring yung phone ko. May text pala from Ethan.

Ethan: You okay?

Me: Yes yes. Ikaw?

Ethan: I'm fine. Sorry baby :(

Me: Okay lang yun, gets ko naman din na busy ka :)

Ethan: You go take care, okay?

Me: I will. You too!

Pagkatapos ko mag text kay Ethan, binalik ko na sa bag ko yung phone ko. Sakto dumating na din si Josef, hawak hawak yung tray na may drinks namin. Pagbaba nung tray, may kasamang dalawang chocolate bagels. Wow, sakto! Gutom na ako!

"So nag order na din ako ng bagels para sa atin kasi baka nagutom ka kanina." sabi niya sa akin habang inaabot yung plate na may bagel. "How did you know?" natawa kong sinabi. Napa ngiti siya at sabi "I just do".

Mga isang oras kaming tumambay sa Starbucks then nag decide na kami umuwi. Ayaw ni Josef magpahatid sa bahay nila kaya doon nalang daw sa gate ng subdivision, which is actually where I live as well. "Hala taga dito ka din pala?" I asked him. "Oo, bakit? Dito ka din?" sabi niya sa akin at tumango ako. "Well instead of dropping you off here, bakit 'di na lang sa house mo?" tanong ko sa kanya. Nag offer na din ako ihatid siya doon pero ayaw niya. Does he want to walk all the way to their house while its raining?

"Nakakahiya sayo, Mau. Saka baka magalit pa si Ethan sa akin." sabi niya. Oo nga pala, baka makita ni Ethan. Ang bilis din niya magtampo eh may makasama lang akong lalaki kahit na literal na kaklase lang namin ni Ethan. "Hindi yan, ako na bahala sayo. Kawawa ka naman pag tinangay ka ng hangin." nagbiro ako at natawa siya ng slight. Buti naman may natitira pang sense of humor sa taong 'to!

"Sige na nga, I'll agree to whatever makes you happy." sabi ni Josef at parang natahimik ako. Double meaning ba yun or nago-overthink lang ako? I pushed the thought aside and drove inside the subdivision. Hindi na ako hinarang ng guard sa gate kasi may sticker naman ako plus kilala na resident ang may-ari ng sasakyan na 'to, which is me.

He told me the direction to his house and what another coincidence, yung bahay nila Josef is only 2 blocks away from me. Nadadaanan ko din pala to kapag nagj-jog ako. Pagdating namin sa tapat ng bahay nila Josef, doon ko lang nalaman na well-off din pala ang pamilya niya. Ang laki ba naman ng bahay!

Nagpark na ako at tumingin kay Josef. Nakatingin lang siya baba at sabi "Thanks, Maureen. You didn't have to." sabi niya. Bakit parang ang lungkot nanaman niya? Ayaw ba niya umuwi? Muhka pa namang babagyo dito. "No problem. Thanks din sa bagel!" sabi ko at ngumisi lang siya then lumabas na.

After dropping off Josef at his house, which I now know where it is located, I finally got home. Kapagod at napaka stressful ng araw na 'to. Sana masuspend na bukas. Wala na akong gustong gawin kundi humilata sa kama ko buong araw.

Napa-upo ako nung nakita kong tumatawag si Ethan sa phone ko. Edi sinagot ko agad.

Me: Uy hello! Nakauwi ka na?

Ethan: Malapit na. Ikaw?

Me: Yup. Nasa kwarto na nga ako ngayon eh. Bakit napatawag ka?

Ethan: May gusto lang ako itanong.

Me: Sure, ano yun?

...

Ethan: Si Josef ba yung kasama mo kanina? Bakit kayo magkasama?

---------------------

Share & vote for this story if you liked it! Thank you din sa pag babasa ng story na 'to!

Feel free to leave comments and suggestions, thanks again!

-Chloe

I am YOURS & You are MINE.Where stories live. Discover now