"Uy pre, gising na. Masakit ba ulo mo?" I slowly opened my eyes and saw Pia sitting on the edge of the bed, trying to wake me up. Ang sakit ng ulo ko grabe! I have a bad hang over. Tinry ko umupo ng maayos sa kama eh kaso kakagising ko lang so medyo bangag pa. "Good morning! I got you coffee sa 7/11 saka may mga painkillers na din ako for you." sabi ni Pia habang naka ngiti siya sa akin.
I smiled back. "Uy thank you ha." I said and she helped me get up. This headache will be the death of me. Buti na lang Saturday ngayon pwede pa ako matulog at wala akong klase. "Kumain ka na ba, P?" tanong ko kay Pia. "Ahh hindi pa. Sabay sana tayo no!" sabi niya. "Hindi ka ba manlang natamaan ng alak kagabi?" sobrang resistant naman nito sa beer, walang bakas ng hangover sa kanya. She laughed and shook her head, disagreeing to what I said.
Sabay na kami kumain ng breakfast. Tahimik lang ako habang si Pia, nanonood ng TV habang kumakain kami. "So, naalala mo pa ba mga sinasabi mo kagabi?" Pia asked while chewing the food in her mouth. I struggled to think. Habang sinusubukan ko mag isip, mas lalong sumasakit ulo ko eh. Ang naalala ko lang naman is yung kay Ethan. Yun lang ba?
"Umm, yung tungkol sa amin ni Ethan..." sabi ko habang iniisip ko pa yung mga iba kong sinabi kagabi. "Anything else?" tanong ni Pia na para bang nagbibigay ng hint. And then naisip ko bigla yung speech ko about kay Josef. I remember it so vividly na napa-face palm na lang ako. Napansin ni Pia at natawa siya sa akin. "Thought so." sabi niya at patuloy nang kumain. Gaga talaga yun.
———————————
Tinulungan ko mag ligpit si Pia ng mga pinagkainan namin ng breakfast tapos inayos din namin yung living room dahil puro bote ng beer from last night. I feel somehow okay na din. Yung headache ko hindi na ganun katindi compared sa naranasan ko nung pag gising ko. "Pia! Nasaan yung trash bags mo?" tanong ko kay Pia para maipon na lahat ng mga bote dito. Ang dami pala talaga namin nainom.
"Nasa ilalim ng kitchen sink, naka singit lang dun!" sigaw niya from the bathroom. So pumunta na ako sa kitchen para kumuha ng trash bag. I opened the cabinet and started to find the trash bags. It's so easy to find things around Pia's condo, sobrang organized kaya nitong taong 'to!
Nung nakuha ko na yung trash bags, narinig ko yung phone ko nagr-ring. So binitawan ko muna yung trash bags then pumunta sa room para kunin yung phone ko.
Ethan James Inarez is calling...
What the heck. Nag iba agad yung mood ko. Para bang may sumapi sa akin. I don't know why he's even calling right now. Bored? Nonetheless, sinagot ko pa din.
Maureen: Yes anong kailangan?
Ethan: I miss you.
Whoa. Nagulat naman ako dun. Nanlaki mata ko tapos kinabahan ako bigla.
Maureen: Me too.
Wala akong maisip na matinong reply. I mean sure, I miss him too but I don't feel like talking to him right now.
Ethan: Let's meet up?
Maureen: Pag isipan ko. I'm not feeling well and I'm also not in the mood.
Ethan: Why? Do you want me to come over?
Oh tapos ngayon mag a-alala ka? Suntukan na lang, Ethan. Gigil mo ako eh.
Maureen: No need. I'm at Pia's condo. Stayed for the night
Ethan: Bakit? Nalo-lonely ka na ba sa bahay niyo? Pwede naman kasi ako pumunta eh.
Tanga ka ba, Ethan? Pagkatapos mo ako taasan ng boses, magpapa cute ka ngayon? Bwiset na ako ha.
Maureen: Wala. I just missed her. Now if you'll excuse me, magb-bonding pa kami.
Ethan: You sure you're okay? You seem cold to me.
Maureen: I'm just really not in the mood. Goodbye.
Hindi ko na hinintay yung sasabihin niya at tinapos ko na yung call. Ang kapal lang ng muhka niya mag alala and all that BS ngayon. Kung wala akong hangover ngayon, sinugod ka na yan sa bahay nila at sinabunutan. Nakaka bwiset. Wala na bad mood na ako.
I put down my phone and charged it. I have to get back to what I was doing. As I turned around, I saw Pia standing in the doorway, as if she was listening to the phone call. "Trouble in paradise pa 'din?" tanong niya. "Nakaka irita siya. Yun lang masasabi ko." I said and went to the living room to collect the bottles.
Binuksan ko na yung trashbag at nilagay na lahat ng bote dun. "Basagin ko sa muhka mo 'tong ng mga bote eh nang matauhan ka na. Bwiset ka." mahina kong sinabi habang naglilipit. "Oh kalma lang tayo, Ate. Bote yan hindi yan si Ethan." paalala ni Pia at natawa siya sa akin.
After we finished cleaning everything up, I really feel like drinking more pero ano ba yan baka may sira na ako utak. Umagang umaga, alak agad eh. "So anong plano mo ngayon, P?" tanong ko sa kanya habang nakahilata at naka nanonood kami ng TV sa kwarto niya. "Umm, may pasok pa ako mamayang hapon eh." She said. Tumayo siya at na-realize nga talaga na kailangan na niya pa pumunta sa school. "Hala uy wait lang, magready na pala ako!" sabi niya at na rush na siya mag ayos.
How about me, though? What will I do today? Siguro sa bahay na lang ako, papalipasin ko muna 'tong hangover ko tapos gagawa ng projects. Hay nako po!
————————————
So I dropped Pia off to school as a gesture of saying thank you for crashing into her condo unit and for taking care of my drunk & hungover ass. Pagdating ko sa bahay, diretso agad ako sa kama ko at humiga. Siguro naka tulog ako for a good one hour nang biglang may kumatok sa pinto ko. "Come in, Ate Mae." Sure naman ako si Ate Mae yun kasi siya lang kasama ko dito.
"Ma'am Maureen, may bisita po kayo. Si Sir Ethan po." sabi niya sa akin. Nakaka inis naman, gusto niya ba masapak ko siya? "Sige thanks po, Ate. Papasukin niyo na lang, bababa na ako." Tumango siya at sinarado yung pinto. Ang epal naman nitong lalaking 'to! Sabi ko ngang wala ako sa mood eh.
Nakalabas na ako sa kwarto ko and went downstairs to meet Ethan. He was smiling at me and I don't know why. Lakas ng tama nito eh. "What brings you here?" I asked him. "Syempre, namiss kita eh. Aren't you happy to see me?" tanong ni Ethan sa akin at lumapit ng unti.
"I told you I'm not in the mood right now." I tried to convince him but he was persistent. "Look, I'm sorry kung nasaktan man kita physically & emotionally. I want to make amends with you. Forgive me please?" sabay labas ng flowers na tinatago niya pala sa likod niya. Kaya pala.
Kinilig ako, sa totoo lang. Parang nawala yung galit na nararamdaman ko sa kanya for a while. So I took the flowers and put it away then I hugged him. "Nakaka inis ka." sabi ko sa kanya at natawa siya. I released myself from the hug and umupo kami sa couch. "So, I know this is so abrupt and sudden pero invited tayo sa isang party." sabi ni Ethan sa akin.
"Really? That's great! Kaninong party ba yan?" I asked him. Wow, party! Minsan lang ako maka subok ng formal party dito sa Pinas eh. Puro lahat sa Germany na. So I'm really interested in this one. "Umm, kay Elaine. Birthday niya eh." sabi ni Ethan at hindi siya makatingin sa akin. What the heck?
YOU ARE READING
I am YOURS & You are MINE.
General Fiction"Maureen, choose one. You can't always have both. Unfair yun sa kanila." sabi ni Pia sa akin. Hindi pa ako sumasagot kasi nahihilo na ako. Gusto ko na lang mawala tong problema ko. Lulunukin ko na lahat ng problema hanggang sa masaya na ulit ako. Pe...