Napalingon ako sa likod ko nang makita si Ethan, naka tayo sa likod ko. Naka tingin din siya sa malayo at kung hindi ako nagkakamali, he's looking at Josef's retreating back. Bakit kaya?
Pag tingin ko ulit kay Ethan, tumingin na din siya sa akin. "Kakain muna ako ng lunch. Kita nalang tayo sa classroom." sabi niya sa akin. Hindi pa nga ako nagsasalita, naglakad na siya agad palayo. Anong problema niya?
Natahimik din si Pia sa reaction ni Ethan. Nagkatinginan lang kami ni Pia, none of us had the words to say. "Umm, wala akong masasabi." mahinang sinabi ni Pia sa akin. "Me too." maikli kong reply. Nag patuloy nalang kami sa pag kain ng ice cream tapos tahimik lang kami. Nung napatingin ako sa orasan, naisip ko na kailangan na pala pumunta sa next class. Siguro nandoon na si Ethan pag dating ko. Mabilis lang naman yun kumain.
Nag paalam na ako kay Pia tapos dumiretso na ako sa next class ko. Pag pasok ko sa classroom, wala pa si Ethan pero umupo na ako usual spot namin, doon sa likod. Nagh-highlight lang ako ng notes, nang maramdaman ko na may tumabi sa akin. Pag lingon ko, hindi si Ethan yung katabi ko. Kundi isang chinitong lalaki na maputi. Parang Koreano pero para ding Chinese. Napansin niya ata na napalingon ako sa kanya kaya ningitian niya ako at nginitian ko din siya pabalik.
Kinausap niya ako at sabi niya, "Hi, I haven't seen you in this class yet. Are you new?" naka ngisi siya. "Not really, I've been in this class a lot of times already." sabi ko. "I'm Richard Sy. Nice to meet you, seatmate!" masayang pagpapakilala niya sa akin. Ang ganda ng pangalan niya. "Hi, Richard. I'm Maureen Neumann." sabi ko at nginitian ko siya.
"Ohh you're Maureen! Josef always talks about you to me!" natawa siya sa sinasabi niya tapos ako napa ngiti na lang. Hindi ko alam na madaldal pala si Josef. "Hala, baka kung ano-ano na sinasabi nun tungkol sa akin." ito nanaman, umiinit nanaman yung muhka ko. Bakit kaya?
"Hahaha, he only says that you're pretty and he think you're cool!" naka ngiti pa din siya sa akin. Bagay sila ni Josef talaga magkaibigan. Parang wala silang problema sa mundo. Napa ngiti na lang ulit ako sa kanya at hindi na kami nag usap kasi nagsimula na yung klase.
A few minutes after the class started, dumating na si Ethan. Hindi siya pinansin ng prof namin at hindi nilingon ni Ethan yung prof. Umupo siya sa gitnang parte ng klase. Bakit kaya hindi siya tumabi sa akin? Ni hindi niya din ako hinanap kung saan ako nakaupo. Siguro alam naman niyang nasa dulo lang ako.
Nung natapos na yung klase, sinuot na ni Richard yung bag niya. "I'll go ahead, Maureen. I'll see you around!" nag paalam na sa akin si Richard at umalis na siya. Ako naman nag aayos pa ng gamit. Tinignan ko yung classroom, ako nalang pala naiwan saka si Ethan. Muhkang busy siya. Kanina pa siya naka tingin sa laptop niya na parang may tinatapos na document.
Kinuha ko na yung bag ko tapos nilapitan ko si Ethan. Tumabi ako sa kanya pero hindi niya pa din ako nililingon. Napaka suplado talaga nito pag gusto niya eh. "Hi." bati ko sa kanya. Tumango lang siya at nag type ulit. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin pero muhkang bastos naman kung iiwan ko lang si Ethan dito mag isa.
Sinara na niya yung laptop niya at inayos yung gamit niya. "Tara na." maikli niyang sinabi at naglakad na siya palabas sa classroom. Nagmadali akong tumayo at kinuha ko na gamit ko. Binilisan ko mag lakad kasi ang bilis niya din maglakad, eh. Pero naabutan ko naman nung nasa labas na kami. Tahimik lang akong sumusunod sa kanya papuntang parking building. Nung nasa entrance na kami nung building, "Hahatid kita ha." mahina niyang sinabi. Tumingin lang ako sa kanya at sinundan lang siya.
Nung makasakay na kami sa sasakyan niya, niya yung radio pero mahina lang yung volume. Hindi ko alam bakit parang ang hirap ata huminga sa sitwasyon ko. Ni isa samin hindi nagsasalita o kumikibo maliban kay Ethan kasi nagd-drive siya. Naka tingin lang ako sa bintana habang iniisip kung magsasalita ba ako or ano.
Pag dating sa tapat ng bahay namin, tumigil na yung sasakyan niya. Tumingin lang siya sa akin na para bang hinihintay niya yung next move ko. "Thank you for today, Ethan." mahina kong sinabi pero hindi ako tumitingin sa kanya. Nararamdaman ko yung init ng tingin niya sa akin kaya hindi ko siya magawang tignan din. Bumaba na ako sa sasakyan niya at nung isasara ko na yung pinto, narinig ko boses niya, "Maureen". Napalingon ako at tumingin lang siya sa akin. "Sorry kanina." dagdag niyang sinabi.
YOU ARE READING
I am YOURS & You are MINE.
General Fiction"Maureen, choose one. You can't always have both. Unfair yun sa kanila." sabi ni Pia sa akin. Hindi pa ako sumasagot kasi nahihilo na ako. Gusto ko na lang mawala tong problema ko. Lulunukin ko na lahat ng problema hanggang sa masaya na ulit ako. Pe...