"Hi. Ikaw si Neumann diba?" tanong niya akin. "Oo pero Maureen na lang sana sinabi mo." grabe eh, apelyido ko talaga? "Ay sorry naman. Hindi naman kasi talaga ako nagpakilala sayo. I'm Ethan. Sorry kasi natapunan kita ng shake kahapon tapos hindi pa ako nakapag sorry. Then nasungitan pa kita. Sorry talaga." sabi niya habang naka hawak sa batok niya at naka tingin siya sa sahig.
Habang nagsasalita siya, saka ko napansin yung itsura niya. Medyo matangkad siya sa akin tapos napaka ayos ng buhok niya. Hindi naka taas, naka baba to pero parang sinuklay ng pagilid. Basta ang ganda tignan para siyang sundalo. Kaso fit yung pants niya eh dapat naka slacks kami kasi hindi naman washday ngayon. "Hayaan mo na. Nangyari na eh." parang ang sungit ko pakinggan pero ayoko sabihin na okay lang no! Hindi naman talaga okay sakin mabuhusan nung shake.
Magsasalita pa sana siya ng biglang may kumalabit sa kanya. Hindi ko nakita pero nung pagtalikod ni Ethan, si Pia pala. Liit talaga eh. "Ahem. Siya nga pala yung nabuhusan mo ng shake. Hindi ka ba manlang magsasabi ng sorry?" masungit na tanong ni Pia. "Huy ano ba, Pia! Nag sorry na siya. Mapapahiya ka lang eh. Halika ka na nga!" sabay hatak ko sa kanya at nag paalam na kay Ethan.
Nang makasakay na kami sa Ecosport, sabi ni Pia "Ano ba yan! Susuntukin ko na sana eh!" iritang irita na siya. "OA mo, P. Late ka naman sa eksena eh. Nag sorry na siya kasi big deal naman masyado sayo yung shake." sabi ko habang pinapaandar yung engine ng Ecosport. Big deal din naman sa akin pero nabawasan na nung nag sorry si . "Pasalamat siya gwapo siya kundi, nasapak ko talaga yon!" bigla ako natawa sa sinabi niya.
Nung nakauwi na ako, nakita ko si Mommy na nanonood ng TV. "Hi mommy. Kakauwi ko lang." sabi ko at nag beso sa kanya. "Malapit na umuwi si Charles. Anong regalo mo?" tanong sa akin ni Mommy. Hala, nalimutan kong pauwi na si Kuya! Wala pa akong regalo para sa kanya eh magb-birthday na siya a few days frome
now. "Kasama niya ba si Laurice?" tanong ko kay Mommy.
Tumango siya at masaya akong pumunta sa kwarto. Namimiss ko na yung bunso naming si Laurice. Ako lang naiwan dito kasi ayoko mag aral sa ibang bansa. Kawawa naman si Pia pag iniwan ko dito sa Pinas.
Agad akong humilata sa kama at nag bukas ng Facebook. Nakita kong nag send ng friend request si Josef. Josef Andrew Torres sent you a friend request. Wow, paano naman niya nahanap Facebook ko? Tinignan ko yung mutual friends namin at puro kaibigan niya yung mga higher level na taga school ko dati. Hindi ko naman siya nakikita samin noon ah? Sa dulo, inaccept ko din yung request. Nags-scroll lang ako sa timeline at biglang inantok na din. Binitawan ko na yung phone ko at nagtaklob na sa kumot.
------------------------------
Jusko, Monday nanaman pala. Wala din ako halos nagawa sa labas ng bahay nung weekend. Puro homework na agad ginagawa ko. Nag madali na akong kumilos dahil late na ako nagising. Dali dali akong sumakay sa Ecosport at dumiretso na sa school. Hindi na kami parehas ng schedule ni Pia kaya minsan nalang ata kami magkikita sa loob ng campus. Napaka laki pa naman. Mabilis din ako nakarating sa loob ng classroom sa first class namin. Buti nalang at naunahan ko ang prof sa pag punta sa room kasi pag pasok ko maingay pa.
Umupo ako sa isang bakanteng upuan sa dulo at nilabas ko yung notebook and ballpen ko. Handa na ako mag start yung klase nang mapansin ko na tumabi sa akin si Ethan. "Hi Neumann. Aga mo ah?" tanong niya sa akin habang inaayos niya bag niya. "Nagjo-joke ka ba or ano? Saka Maureen nalang please. Nakaka intimidate yung Neumann eh." mahina kong sabi sa kanya. "Bakit ka naman naiintimidate sa sarili mong pangalan?" hindi pa din siya naka tingin sa akin kasi nag aayos pa din siya. Sasagot na sana ako nang biglang pumasok na si Sir Yamada at sinimulan na niya yung klase.
Pagkatapos ng klase, sinamahan ako ni Ethan palabas ng classroom. Tahimik lang siya at muhkang iniisip kung saan ako pupunta. "So kakain ka ba or tatambay lang kung saan-saan?" tanong niya sa akin. "Siguro both." hindi ko talaga alam isasagot ko kasi hindi ako masyadong nagugutom pa. "Tara canteen." matipid niyang reply.
Bumili lang kami ng ice cream kasi parehas kaming hindi pa gaanong nagugutom. Pero hanggang ngayon hindi ko pa din alam bakit sinasamahan ako ni Ethan eh kanina lang nadaanan na namin yung barkada niya.
"May dapat ka bang kasama ngayong vacant?" tanong niya sa akin habang kumakain siya ng ice cream. Napaisip din ako doon sa tanong niya pero parang wala naman ata dapat sasama sa akin kasi hindi naman kami close ni Josef tapos si Pia may klase pa. "Umm, wala naman. Ikaw ba? Hindi mo ba sasamahan yung kasama mo lagi na babae?" pagkatapos ko mag tanong bigla siyang napatigil kumain nung ice cream. Mali ata yung tanong ko. Nakakahiya naman.
"Uhh, hindi eh." mahinang sabi niya sa akin. Simula noon, natahimik na ako. Too personal ata yung tinanong ko dapat nag isip muna ako bago ko sinabi yun. Mga isang oras lang naman yung vacant kaya okay na din. Tumambay lang kami sa mall tapos nag arcade. Nakalimutan na niya ata yung tinanong ko kanina kasi relaxed na siya tignan ngayon.
Pumunta na kami sa next class since nalaman ko din na magka parehas kami ng schedule ni Ethan. Edi sabay na kami bumalik din sa school. Magkatabi kami ulit ngayon sa classroom tapos sa dulo na kami nakaupo. Tahimik lang akong nagn-notes sa klase ng mapalingon ako ng dahan dahan kay Ethan. Muhkang busy siya sa pagte-text. Sino kaya tinetext niya? Ay ewan, bakit ko ba iniisip yan.
———————————————————-
Natapos na yung araw ng walang nangyari na kakaiba kundi sa pagsama lang ni Ethan sakin ngayon. Nakakapag taka pa din kasi may kutob akong girlfriend niya yung babae eh. "So, Maureen. Uuwi ka na?" tanong sa akin ni Ethan habang nagt-type pa din siya sa phone niya. "Yes kasi hindi ko na mahihintay si Pia. Nauna na siya kanina umuwi." sabi ko at binubuksan ko na yung pinto ng Ecosport. Tumango lang si Ethan at kumaway nang makasakay na ako sa kotse. Nung naisara ko na yung pinto, naglakad na siya paalis.
Pagdating ko sa bahay, damang dama ko yung pagod. Monday pa lang pero ang dami na agad groupworks at homework. Sinimulan ko lahat yun hanggang sa matapos ako ng mga 12AM. Bago ako matulog, binuksan ko muna Facebook ko at nag tingin tingin lang ng mga posts. Nagulat ako nang bigla may nag chat sa akin. Josef: Tulog na, ate. Oo nga pala, friends na kami nito sa Facebook. Nakakapag taka lang din kung bakit gising pa siya.
Maureen: Eh bakit ikaw, gising pa?
Josef: Nage-edit pa ako ng photos na is-submit sa campus paper. Ikaw?
Maureen: Ohh. Tinapos lang yung homework ko.
Josef: Okay. Sleep ka na?
Maureen: Yes, why?
Josef: Wala wala. Goodnight Maureen :)
Maureen: *seen 12:23AM*
Hindi ko na nireplyan kasi sobrang inaantok na ako. Kahit naman siguro replyan ko pa ng goodnight eh, i-seen lang din ako niyan.
—————————————————
Ang sarap sarap ng tulog ko nang makarinig ako ng sunod sunod na malakas na katok sa pinto ko. Pucha, umagang umaga eh. Tinignan ko yung alarm clock ko na katabi ko, 6:00 pa lang! Hindi pa oras para gumising ako! Ang aga pa! Mabagal ako nakarating sa pinto at pagbukas ko si Ate Mae pala, household helper namin. "Ma'am may bisita po kayo. Papapasukin ko po ba?" bigla akong napa simangot at nagtaka kung sino naman bisita ko eh imposibleng si Pia kasi late yan bumangon, mas late pa sa akin.
"Sige sige papasukin mo na. Istorbo siya." tumango si Ate Mae at naglakad ako papunta sa CR. Naghilamos muna ako at nag ayos ng itsura. Pagkatapos noon, bumaba na ako. Kalagitnaan pa lang nung stairs yung nalalakad ko nang mapatingin ako doon sa lalaking naka upo sa sofa namin. Napatingin din siya sa akin at sabi " Good morning, Maureen." bati niya sa akin.
YOU ARE READING
I am YOURS & You are MINE.
Fiksi Umum"Maureen, choose one. You can't always have both. Unfair yun sa kanila." sabi ni Pia sa akin. Hindi pa ako sumasagot kasi nahihilo na ako. Gusto ko na lang mawala tong problema ko. Lulunukin ko na lahat ng problema hanggang sa masaya na ulit ako. Pe...