Thirteen

24 1 0
                                    


Sobrang eventful ng araw na to para sa akin. I mean come on, napa-confess ko tuloy si Ethan. Hindi ko naman ineexpect din na may nararamdaman pala siya para sa akin. At ako naman, alam ko na kung bakit sobrang affected ako nung mga panahon na iniiwasan niya ako.

Ngayon, naglalakad kami ni Ethan around campus. First time ko pa lang makaranas ng may nakahawak ng kamay ko na lalaki. I'd secretly glance at our hands intertwined while we're walking and nakaka kilig pero kailangan lowkey lang ako. Hindi ko alam na clingy pala to si Ethan. Ganito kaya siya sa mga ex niya?

Tahimik lang kami parehas hanggang sa makarating kami sa sasakyan ni Ethan. Sinabi niya lalabas kami dahil baka ma-issue kami pag nakita pa kaming magka holding hands around campus. College na kami pero diba, not worth risking na mahuli pa kami lalo na't mga freshmen din kami.

Ang weird pero legit na first time ko lang magkaroon ng ganito. Hindi ko masabi kung ano, hindi ko din ma-explain kasi, ano nga ba kami? I want to know pero ine-enjoy ko muna yung moments namin ngayon. Siguro next time na lang i-define kung ano nga ba meron sa aming dalawa, basta ang mahalaga, gusto ko siya at gusto niya din ako. That's all the matters to me right now. Besides, wala namang dapat i-rush diba?

Nasa Greenbelt lang kami, nagiikot-ikot habang magka hawak ulit ang mga kamay namin. Ang sarap sa feeling. Medyo naaawa na nga ako sa puso ko kasi kanina ko pa nararamdaman yung malakas na tibok niya pero okay na din, ngayon lang ata gumana to eh.

"So ano gusto mo i-tawag ko sayo?" tanong ni Ethan sa akin habang nagtitingin tingin siya sa mga stores na nasa loob ng mall. "What do you mean?" tanong ko sa kanya pabalik. Aba hindi ko alam eh!

Napatingin siya sa akin at napa ngiti. Napa higpit din ng unti yung hawak niya sa kamay ko. Tumigil kami sa paglakad at nilapit niya yung muhka niya sa may tenga ko, "Alam mo, ang cute mo." bulong niya sa akin. Ayan nanaman siya, nagpapakilig nanaman! Feel ko namumula na yung buong muhka ko.

"Sabihin mo na lang kasi kung anong ibig sabihin ng tanong mo." mahina kong sinabi at pilit na tinatago yung muhka kong siguradong namumula na ngayon at nagsimula na kami maglakad ulit. Nahihiya na yung mga kamatis sa akin. "I mean, what do I call you? Baby, babe, sweetiepie?" tanong ni Ethan sa akin at mas lalo na ata nag init ang muhka ko.

"Kung ano-ano na lumalabas sa bibig mo eh. Pwede namang Maureen na lang mismo tawag mo sa akin." sabi ko sa kanya at natawa nanaman siya. "Eh gusto ko may endearment para cute diba?" sabi niya naman sa akin. Tigil tigilan niya ako baka sapakin ko to ng wala sa oras.

Finally, napagdesisyunan na namin kumain ng dinner kasi kahit na busog na busog na ako sa pagpapakilig ni Ethan, nagugutom din ako no! First date namin daw to pero hindi official. So ano to, joke lang? May sira na talaga sa utak yun.

Nung natapos kami kumain, binilhan niya kaming dalawa ng coffee at nag chill kami sa grass. Malapit na bumaba yung araw ang ganda tignan, sunset na. Parehas lang kaming nakaupo sa damo at nagk-kwentuhan ng mga bagay bagay na nangyari nung hindi kami nakapag usap. Ang weird siguro sabihin pero namiss ko siya. Namiss ko yung mga breakfast namin together every morning. Frequent visitor na yun sa bahay dati eh. Siguro mauulit nanaman yun kasi okay na kami tapos parang sort of boyfriend ko na siya ngayon.

Ako yung nasa sitwasyon na to ngayon pero ako din yung kinikilig saming dalawa. Para akong nanonood ng mga romance movies except ako yung bida so damang dama ko talaga yung mga nangyayari.

Yung pakiramdam na nakikipag kwentuhan lang ako sa kanya tapos ang saya saya namin. Parang tumigil na yung oras eh at siya lang yung nakikita ko.

——————————————

Hinatid ako ni Ethan sa bahay. Buti na lang at nag commute ako papuntang school kanina at least wala akong dalang sasakyan ngayon. Talagang tinadhana siguro kami no? Eww landi.

Hinalikan niya ako sa noo. Good night kiss daw. Landi niya din eh no? Tapos nagpaalam na ako sa kanya at pumasok na sa bahay namin. Pagkabukas ko ng pinto nakita ko si Kuya, naka ngisi sa akin. Muhkang nanonood to sa amin ni Ethan ah.

"Oh anong ningi-ngisi ngisi mo dyan?" tanong ko sa kanya. Hindi na siya naka ngisi ngayon at naka ngiti na para bang may masamang balak. "Ikaw ha!" Nag salita siya ng tagalog ah wow. Rinig na rinig ko pa din yung German accent niya kahit nagtatagalog siya. Sinimangutan ko siya at nagsimulang maglakad palayo sa kanya.

Hinila niya ako at kiniliti sa tagiliran ko. "You ha! You already have a boyfriend and you're not telling me!!" tawang tawa si Kuya sa akin habang kinikiliti kasi kanina pa ako tili ng tili. Weakness ko talaga pag kinikiliti ako and I'm surprised that Kuya still knows that.

Nung natapos na niya ako i-torture, umakyat na ako at pumasok na sa kwarto. Higa ako agad sa kama sa sobrang pagod. Nakakapagod din pala kiligin no? Sakit tuloy ng dibdib ko ngayon. Pero bumangon naman ako. Nag bihis na din ako ng pang tulog tapos night rituals.

Napatingin ako sa phone ko nung biglang tumunog dahil may text.

My best friend: Hindi ka na nagkkwento sa akin ha. 

I am YOURS & You are MINE.Where stories live. Discover now