Seventeen

22 0 0
                                    


I'm all dressed up and ready to go. Infairness, ang aga ko pa nga nagising ngayon. Naka bangon at ligo na ako at 7AM at naka kain na ako ng breakfast ng mga 9am kasi todo prepare ako sa kung ano man gusto gawin ni Ethan ngayon.

Nilalaro ko lang yung chihuahua naming si Dotty tapos narinig kong may nag doorbell. Si Ethan na yata yun kaya pinalakad ko na mag isa sa Dotty at pumunta na ako sa pinto para buksan.

Pabukas ko ng pinto, naka tingin lang si Ethan sa sahig pero napatingin din siya sa akin.

"Wow." sabi ni Ethan habang nanlalaki mata niya. May kakaiba ba sa akin?! Naka dress lang naman ako. "Anong wow ka dyan? May mali ba or something?" tanong ko sa kanya. Pag talaga si Ethan ang kausap ko hindi gumagana mga senses ko eh. "You look good today." sabay halik sa noo ko. Huhu.

"U-u-umm.. thank you. P-pasok ka sa l-loob." sabi ko sa kanya at nagmadaling tumakbo papunta sa couch kasi nandoon yung purse ko. Pasimple kong pinagmamasdan si Ethan habang naka tayo lang siya sa loob ng bahay namin. Naka punta naman na siya dito pero bakit parang ngayon lang niya nakita yung mga bagay bagay dito sa loob?

"You good?" tanong niya sa akin at nagulat ako ng very slight. Tumango ako at ni-ngitian niya ako. Naka sakay na kami sa sasakyan niya. Wow, iba dala niyang sasakyan ngayon ah. Ford Focus na sedan. Sa kanya ba 'to?!

"Oh bakit tahimik ka dyan?" nagulat na naman ako sa tanong niya. Bakit ba bigla bigla na lang to nagsasalita eh alam naman niyang napatahimik kong tao. "Wala naman. Sa'yo ba 'tong Ford?" nagtanong ako pabalik. Tumango lang siya eh gusto ko din malaman kung saan ba ako dadalhin nito. "Eh saan tayo pupunta?" sunod na tanong ko sa kanya. Ngumiti lang siya at hinawakan kamay ko. "Secret, baby." wow may pag secret ang kuya mo.

"Sure ka ba safe yan ha? Pinagkakatiwalaan kita." Biro kong sinabi sa kanya. Natawa siya at sabi "Alam mo, loka loka ka rin 'no? Syempre naman safe to! Kay Dad yung pupuntahan natin eh." sabi niya sa akin.

—————————————

Nakalipas mga siguro an hour and a half siguro dahil sa traffic pero napadpad na kami dito sa isang garden or whatever this is called. Basta puro puno at halaman. Anong trip nito? Umupo na ako ng husto at nakita si Ethan umiinom ng kape. Napa tingin siya sa akin, siguro napansin na kakagising ko lang. Inabutan niya ako ng kape at ininom ko 'to.

"So nasaan na tayo? Tagal ko yata nakatulog eh." tanong ko sa kanya at sabay higop sa kape ko. "Take a guess." sabi niya at ngumiti. Ako pa papahulaan nito eh! "Zoo?" sabi ko at napa buntong hiniga siya. "Sige nga, sabihin mo sa akin paano naging zoo to eh wala nga halos animals dito tapos wala ding mga cages!" sabi niya sa akin tapos saktong may dumaan na aso. Napatawa ako at sabi "Oh ayan! May animal na!" At natawa din siya sa kalokohan naming dalawa.

A few minutes passed and now we're parked in front of a restaurant, I think. Designed siya like a cabin pero I think this is a restaurant. Ang ganda ng paligid parang paradise ang itsura. Hindi ako makapaniwala kasi 1) maganda nga talaga yung scenery dito parang paradise nga na garden and 2) pagmamay-ari nila Ethan 'to so nakaka WOW talaga naman nga 'diba?

Pagbaba ko sa sasakyan ni Ethan, inakbayan niya agad ako at pumasok na kami sa loob ng cabin/restaurant. Pag pasok namin, napa nganga ako sa ganda ng interior nung place! Sobrang classy at para bang mga upper class lang ang may kayang kumain dito. Napaka well-off nga talaga ng pamilya nila Ethan pero hindi ko naman din ma-deny na upper class din pala kami dahil nga sa parents namin.

Anyway, ayun iniwan ako saglit ni Ethan sa receiving area nung restaurant at may kinausap siya na staff sa place na 'to. Tinitignan ko ng husto yung paligid at ang ganda talaga. Ang ganda din ng vibes and atmosphere na mararamdaman mo pag pasok mo pa lang.

I lost my train of thought nung kinalabit ako ni Ethan. "Let's go?" He asked and motioned me to stand up. Nagtataka ako bakit parang nilagpasan na namin lahat ng mga tables pero hindi pa din kami pinapa-upo nung waitress. Mas lalo naman akong nagtaka nung lumabas na kami doon sa restaurant. Dire-diretso lang sa pathwalk na dinadaanan namin.

From afar, may nakikita akong gazebo na puti tapos may table and chair din siya. Doon kami kakain?! Kinalabit ko si Ethan and said "Huy." napalingon siya sa akin, "Yes?" tanong niya. "Saan ba tayo pupunta ha?" tanong ko sa kanya. "Doon sa gazebo na white. Bakit?" Napa ngiti siya sa tanong ko. "Ay ganun ba? Sige." masaya kong sinabi kasi nae-excite ako ang galing sa labas kami kakain as in literal na labas talaga para akong bata.

Pagdating namin sa gazebo, may sinabi lang yung waitress tapos umalis na. Tumingin sa akin si Ethan, "Upo na tayo." sabi niya. Buti na lang walang lamok at tirik pa ang araw pero mahangin kasi puro trees and plants everywhere. "Bakit tayo nandito?" tanong ko sa kanya. "Para cute. Dito tayo sa labas." sabi niya at natawa kami parehas. Napaka corny at clingy niya talaga nang-gigil ako kaya kinurot ko cheeks niya at napasimangot siya ng pabiro.

"Pero 'di nga seryoso, bakit tayo nandito? Ang dami namang upuan sa loob ah." sabi ko sa kanya. Hinawakan lang niya yung muhka ko at dahan-dahan niyang hinimas. "Alam mo, ang kulit mo. Para cute nga eh!" sabi niya at tumawa nanaman. Ako pa talaga makulit ha? "Hindi pero kasi wala lang, basta malalaman mo mamaya. Promise." sabi niya sa akin and he caressed my face again. Kakilig hoy.

After a few minutes, dumating na yung food na inorder ni Ethan para sa amin. To be honest, hindi naman ako nag order kaya medyo nakakapag taka na gusto ko 'tong nasa harap ko ngayon. Ang sarap grabe. Last time na natikman ko 'tong pasta na 'to siguro last year pa nung binisita ako ni Dad dito.

"So, do you like the food I ordered for you?" tanong sa akin ni Ethan habang kumakain siya. "Yes, it tastes really good. Napa-isip lang din ako bigla, marunong ka ba mag luto?" tanong ko sa kanya. "Hindi masyado. Siguro yung simple lang like omelette." sabi niya at sabay tawa sa sarili niya. "How 'bout you?" tanong ni Ethan sa akin. "Umm, Filipino dishes. Like sinigang and something like that." sabi ko. Ngumiti lang siya at sabi, "Cook for me someday?" At tumango lang ako.

Pagkatapos namin kumain, kinuha na ng waiters yung mga plates sa harap namin at ni-refill yung glasses namin with wine. Napansin ko din na nagkaroon ng mahinang instrumental background music. Hinawakan niya kamay ko at sabi, "May sasabihin ako." At biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

I am YOURS & You are MINE.Where stories live. Discover now