The next day, nagising ako nung naramdaman ko yung init ng araw sa labas sa muhka ko. Pagka bukas ko ng mata ko, hindi ko na-recognize kung nasaan ako. Naupo ako agad kasi kakaiba yung kwarto. Wala ako sa kwarto ko! Tinignan ko yung damit ko at yun pa rin yung suot ko. Sana walang nangyari sa akin.
Pagka labas ko ng kwarto, narealize ko na nasa condo unit pala ako, pero kanino to? Naamoy ko agad yung parang niluluto na bacon. May sumilip doon sa doorway ng kitchen. Nagulat ako kasi si Ethan pala yun. Nagulat din siya kasi nasa harapan ko siya. Paano ako napunta dito?!
"Ethan!?" hindi ko napigilang tanungin at medyo napalakas pa nga boses ko. "I see, gising ka na pala. Tara kain tayo." sabi niya habang hawak hawak yung dalawang plato na may bacon, eggs, saka pancakes.
Nakatayo pa din ako nung nakaupo na si Ethan at inaayos yung mga utensils. Hindi ko talaga maintindihan bakit nandito ako. "Upo ka na, Maureen." mahinang sinabi niya sa akin. Dahan dahan akong umupo.
"Ethan, hindi ko maintidihan bakit nandito ako." hindi ako comfortable sa sitwasyon ko kasi hindi naman talaga ako nalalasing ng husto to end up in someone else's place. That's way out of line! "Dinala kita dito kasi baka mapagalitan ka kapag umuwi ka ng lasing sa bahay niyo." sabi niya sa akin habang kumakain siya.
Tinikman ko na din yung niluto niyang mga pagkain. Pero nakaramdam ako ng sakit sa ulo. Muhkang napansin ni Ethan kaya inusog niya papunta sa akin yung gamot saka tubig. At kumain siya ulit. Ang seryoso niya pa din niya kahit kaming dalawa na lang pero dati hindi naman siya ganito kapag nagb-breakfast kami.
Nung natapos na ako kumain, kinuha ko na lahat ng gamit ko at sinigurado na wala akong naiwan. Nilapitan ko si Ethan para mag thank you saka mag paalam para umalis na ako kasi may klase pa ako mamayang tanghali, buti na lang wala akong klase ng umaga. Lagot ako.
"Aalis ka na?" tanong niya sa akin. "Oo eh. Thank you sa lahat, Ethan." sabi ko at umalis na. Wala na siyang sinabi kaya patuloy tuloy lang ako ng lakad palabas ng unit niya. Sumakay na ako sa elevator at nung sasara na, biglang pumasok hinarang ni Ethan yung elevator doors. Syempre nagulat ako! Baka maipit yun!
"H-hala anong ginagawa mo?" pag alalalang tinanong ko sa kanya. "Hatid na kita, nakokonsensya ako eh." sabi niya sa akin at natahimik lang ako. Ayaw ko na magalit pa siya sa akin ng husto kaya nananahimik na lang ako. Pero pwede naman ako mag Uber or Grab. Saka yung sasakyan ko kukunin ko pa sa Metro.
Nung nakasakay na kami sa sasakyan niya, sabi ko "Punta tayong Metro". Napatingin siya sa akin na para bang kasalanan yung sinabi ko. "Ang aga pa para uminom saka may klase pa." sabi niya sa akin. "Hindi naman ako iinom, kukunin ko lang yung sasakyan ko kasi naiwan ko doon." at ipinakita ko sa kanya yung susi ng sasakyan ko. Tumango siya at kumalma na ang muhka niya.
Pagka hatid niya sa akin sa Metro, nagpasalamat ako ulit at ngumisi lang siya. Pero yung ngisi niya parang napilitan lang. Hindi ko na talaga siya maintindihan. Nung naka sakay na ako sa sasakyan ko, umuwi na ako agad.
Tahimik akong pumasok sa bahay pero may narinig akong nagsalita. "Where have you been?" mababang boses ang nagsalita. Muhkang si Kuya Charles. "From Pia's." I lied. Sinabi ko kay Kuya Charles na nag sleepover kami pero hindi siya muhkang 100% convinced pero medyo naniwala naman siya at pinabayaan na niya ako.
Naligo ako at nagpalit ng damit kasi kagabi ko pa to suot at gusto ko mawala tong hang over ko may pasok pa ako in a few hours. Pumunta na din ako agad sa school pagkatapos mag ready kasi baka naman ma-late pa ako pag tumambay ako sa bahay.
Pag punta ko sa school, pumila ako sa isang coffee shop. I need something that'll help me get rid of my hangover sobrang nakaka irita wrong timing ang pag inom! Ngayon pa lang dapat ang Happy Thursday eh.
Nung nakuha ko na yung coffee ko, umupo lang ako sa isang table at tinry ko tapusin yung presentation ko para mamaya. Ginagawa ko lang yung presentation ko at sobrang busy ko dun as in tutok talaga ako pero hindi ko alam bigla akong napatingin sa pumasok sa coffee shop at nakita si Ethan, he's also ordering coffee. Nang tinawag na siya nung barista, dalawang kape ang inabot sa kanya. Wow dalawa? Puyat ba siya?
Kinuha na niya yung dalawang coffee cups na inorder niya at may lumapit sa kanya na babae. Teka, ito yung babaeng kasama niya nung natapunan niya ako ng shake, ah?! Pasimple ko silang pinagmamasdan at napansin ko na ang saya saya ng muhka ni Ethan habang inaabot niya yung coffee cup dun sa babae. Wala namang ganap pero parang nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko. Bakit?
YOU ARE READING
I am YOURS & You are MINE.
General Fiction"Maureen, choose one. You can't always have both. Unfair yun sa kanila." sabi ni Pia sa akin. Hindi pa ako sumasagot kasi nahihilo na ako. Gusto ko na lang mawala tong problema ko. Lulunukin ko na lahat ng problema hanggang sa masaya na ulit ako. Pe...