Nagsimula lang ako naglakad papunta kay Pia na muhkang nagtataka bakit may kausap ako na lalaki, lalo na siguro kasi nasa bar pa kami. "Umm, excuse me. Sino yung kausap mo, bes? Saglit lang ako nawala, may boylet ka na agad ha!" sabi na nga ba tatanungin ako kung sino yung kumausap sa akin eh.
"Josef daw name niya eh. Hindi ko naman din siya kilala, nagpakilala lang sa akin kasi pinakita niya yung shots niya sa camera nung iniwan mo ako sa parking lot." sabi ko sa kanya tapos ininom ko yung shot na nasa harapan ko. Di pa na-satisfy yung curiousity ni Pia kaya wala akong choice kundi i-kwento yung ibang details. Napaka chismosa talaga nito, buhusan ko to ng alak eh.
Ayaw daw magka hangover ni Pia kaya mga isang oras lang kami sa bar then umuwi na din. Hinatid ko siya sa condo niya kasi pa-special siya eh. Joke lang. Syempre gabi na eh tatanga tanga pa naman yon, so inihatid ko na. "Goodnight, Mau. See you tomorla!" naka ngiting paalam nito sakin.
Mga ilang minuto na nakalipas at buti na lang hindi traffic, naka uwi din ako agad sa bahay. Hindi ko alam bakit bigla ako na-excite para sa booths bukas. Nag shower muna ako bago maligo then natulog na din shortly after.
————————————————-
Nagkita kami ni Pia ulit sa 7/11 ng mga 8AM, malapit sa univ then dumiretso na kami sa school. Finally, naka set up na yung booths and ready na para bisitahin ng mga students. Magkakatapat yung set up nung booths tapos kasama ko si Pia sa paglilibot. Isa isa naming tinignan. May mga para sa mahilig sa Arts, Music, Dance, tapos meron din org na subject-related like Math org, Science, ganon. Ang daming pag pipilian. Kahit ako mismo hindi makapag decide kung anong org ang sasalihan ko pero buti na lang 2 choices ang requirement per student.
Si Pia naka pag sign-up na sa Math org saka doon sa Dance. Talino kasi niya sa Math tapos magaling pa sumayaw. Kaya nung high school kami, medyo torn siya between Architecture saka Performing Arts kaso na-persuade siya mag Architecture kasi gusto ng dad niya. Mga 20 minutes na nakalipas, pabalik-balik na kami sa mga booths pero hindi pa din ako nakaka pili. Ako na lang mag isang naglalakad kasi kinuha ng dance org si Pia, pinagf-freestyle. Sabi niya wag ko daw siya panoorin kasi mahihiya siya. Arte eh.
Tahimik lang akong pumipili ng mga org na sasalihan nang mapansin ko sa malayo yung nagp-picture ng mga nangyayari ngayon dito sa mga booths. Nung ibinababa na niya yung camera mula sa muhka niya, ngayon ko lang na-realize na si Josef pala yon. Ngumiti siya at pinicturan ako. Ramdam ko yung muhka ko biglang uminit. Baka siguro sa araw yon. "Hi Maureen! Taga dito ka din pala no?" hindi ko namalayan nasa harapan ko na pala si Josef. "H-hi Josef. Oo, taga dito din ako." nahihiya kong sinabi kasi baka napapansin niya yung pagi-init ng muhka ko. Ngayon ko lang na-aapreciate yung pala-ngiti niyang personality. Bagay na bagay sa kanya, lalo na't nakikita ko na yung muhka niya ng ayos kasi nasa labas kami at medyo tirik na yung araw.
"May org ka na?" tanong ni Josef. Humindi ako at sinabi niyang sasamahan niya daw ako pumili ng org ko. Mas lalo tuloy ako hindi makakapag concentrate niyan sa pag pili kasi mac-conscious ako kasi kasama ko si Josef ngayon. Naglalakad na ulit ako sa hilera ng mga booths habang kasama si Josef. Para bang narinig niya yung tumatakbo sa utak ko at sabi niyang "Wag ka ma-conscious sa akin. ha? Magp-picture lang ako dito at sasamahan lang kitang mamili ng org. Hindi ko huhusgahan sa pipiliin mo." naka ngiti nanaman siya. Pwede bang tigilan niya yan kasi kanina pa talaga nasusunog muhka ko sana hindi niya mapansin.
Madali na din akong nakapili ng org. Sumali na ako sa Creatives org saka sa Debate Council. Hindi ko alam pero sabi ng mga high school friends ko magaling daw ako pag debate. Kaya sige I figured I should give it a try. Tapos nag Creatives ako kasi mahilig ako mag edit ng photos and videos. "Josef, may org ka na?" tanong ko kay Josef habang kumukuha siya ng mga pictures. Ibinababa niya yung camera niya at sabi "Oo, hindi lang ako nagsasalita pero parehas tayong nasa Creatives. Kaso yung isa kong org is yung sa Math". Kaya pala kilala na siya nung mga tao sa Creatives booth nung nags-sign up ako. Kala ko sadyang sikat lang siya sa school eh.
Bumalik na si Pia at muhkang nagtataka nanaman ulit bakit kasama ko si Josef. Nagulat ako nung kinalabit niya ako. "Pakilala mo naman ako sa boylet mo." pabulong niyang sinabi at muhkang hindi naman narinig ni Josef kasi busy siya mag picture picture. "Umm, Josef. Si Sophia nga pala, or you may call her Pia." pagpapakilala ko kay Pia kay Josef. Agad agad ini-abot ni Josef yung kamay niya para makipag handshake at sabi "Hi Pia! I'm Josef." at dahan-dahang nakipag handshake si Pia. "So sige, nice hanging out with you, Maureen. Punta muna ako sa Creatives kasi kailangan nila ako. See you guys around!" naka ngiting nag paalam si Josef at naglakad na palayo.
Tumingin ako kay Pia at muhkang impressed siya sa happy personality ni Josef. "Bakit napaka smiley ni Josef? Hindi ba siya nangangawit sa kaka-ngiti?" tanong ni Pia sakin. Tumawa lang ako at umalis na kami sa hilera ng mga org booths para pumunta sa mga klase namin.
Iniwan ako saglit ni Pia dito sa entrance ng parking building dahil may naiwan daw siya sa classroom nila. "Tatanga tanga ka nanaman, P." sabi ko sa kanya at napasimangot siya sa akin. "Sorry na no! Babalikan ko lang saglit lang please wag mo ako iwan ha!" at nagmadali siyang tumakbo paalis dito. As if iiwan ko yan dito sa uni. Baka bukas nakahilata na siya sa kalsada.
Nagtitingin lang ako ng texts sa phone ng may biglang kumalabit sa akin at nung pag tingin ko sa kanya. Siya nanaman pala.
YOU ARE READING
I am YOURS & You are MINE.
General Fiction"Maureen, choose one. You can't always have both. Unfair yun sa kanila." sabi ni Pia sa akin. Hindi pa ako sumasagot kasi nahihilo na ako. Gusto ko na lang mawala tong problema ko. Lulunukin ko na lahat ng problema hanggang sa masaya na ulit ako. Pe...