Nung nahuli ko siyang naka tingin, hindi niya nagawang umalis ng tingin. Ramdam ko yung init ng mga tingin niya sa akin. Kaya ako yung unang umaalis sa eye contact namin. Kakaiba yung pakiramdam. Hindi ko alam bakit nagagawa yun ni Ethan sa akin. Naalala ko tuloy yung kwento ni Pia tungkol sa crush niyang naka tinginan niya ng 17 times at natawa ako sa isip ko.
Natapos na yung klase namin at nilapitan ko si Ethan nung nagsisi-alisan na mga kaklase namin. Nanginginig ako sa kaba dahil nga sa mga tingin niya kanina. "Hi." sabi ko at tinapik ko yung balikat niya. Tumingin lang siya sa akin at tinaasan ako ng kilay na para bang naiinis kasi nandito ako. "O-okay ka lang, Ethan?" kabadong tanong ko sa kanya. Tumango lang siya at isinara na niya yung backpack niya.
Pinapanood ko lang siya hanggang sa sinuot na niya yun at sabi, "May kailangan ka ba? Kasi kung wala, mauuna na ako." napaka cold naman niya! Ano ba kasalanan ko? O kasalanan ko nga ba? Tinignan niya lang ako ng mga ilang segundo at naglakad na siya paalis. I froze there in my spot, not knowing what to do next. Hahabulin ko ba siya or mag-isa nalang akong aalis dito?
Mabilis ko na ding naisip na hindi niya ako gusto kausap kaya hindi ko na siya sinundan. Hindi ko talaga siya maintindihan. Minsan napaka daldal niya at ngumi-ngiti naman pero may side pa din talaga siyang masungit at iniiwasan ako ng patago. Ethan, anong problema mo?
Naglalakad ako papuntang DQ kasi gusto ko ng ice cream. Ethan turned my mood upside down and I think ice cream nalang muna ang makakapag comfort sa akin. Speaking of the devil, nakita ko nanaman siya sa usual spot niya, na muhkang may kausap sa phone. Hays. Hindi na din kita dapat pinapansin. Nag-ring yung phone ko, si Pia pala tumatawag.
Pia: Beh, hi! Saan ka?
Maureen: Papuntang DQ, why?
Pia: Tara Metro!
Maureen: Bakit? Hindi pa naman Happy Thursday ah?
Pia: Wala lang, mararamdaman ko na kasi yung impyerno next week kaya gusto ko lumabas!
Maureen: Hmm, sige. Samahan kita. Saan ka na ba? Pia: Malapit na, girl! Bye!
*end call*
Pagkatapos ng call ni Pia, nag order ako ng ice cream tapos hinintay ko siya makarating dito sa DQ. Nung nakita ko na siya naglalakad sa labas, lumabas na ako dala-dala ko yung natitirang ice cream at inabot ko kay Pia. "Ay wow, may pag ice cream si ate! Bawas pa tapos binigay sakin. Tsk." sabi niya sa akin habang kinakain na niya yung binigay ko sa kanya. Daming reklamo eh, kakainin din naman.
———————————————————-
Nakapag park na ako sa Metro. Bumaba na kami ni Pia mula sa sasakyan ko tapos kumapit siya sa akin. "Tara na! I'm very very excited na, Mau!" sabay hila sa akin. Napalingon ako doon sa pwesto kung saan ko unang nakita si Josef. Nakakamiss din pala siya.
Pumasok na kami sa Metro at humanap na ng upuan. Nagugutom na ako gusto ko na mag early dinner. 6PM naman na din, pwede na siguro. Nag order ako ng burger saka ng fries para sa amin ni Pia tapos nag order din siya ng apat na bote ng Smirnoff para hindi daw magkaroon ng hang over. Isang bote lang iinumin ko. Ayoko mahilo baka hindi kami maka uwi ng buhay ni Pia pag madami akong ininom.
Dumating na din yung food, finally! Kumain na kami agad ni Pia. "Pia." tawag ko sa kanya. "Yesh poh?" sabi niya habang punong puno yung bibig niya ng fries. "Ano ba yan, kadiri! Ubusin mo nga muna yan bago ka magsalita!" sabi ko sa kanya at natawa siya edi nabulunan si tanga. Instead na tubig yung ininom, Smirnoff agad. Talaga tong babaeng to.
Pia cleared her throat. Buti naman. Para siyang tanga kanina. "Oh bakit?" tanong niya sa akin at hindi muna ako nag salita ng mga ilang segundo. "May problema ka no?" dagdag niyang sinabi. "Actually, hindi ko siguro dapat to pino-problema pero ayun eh. Iniisip ko pa din." inamin ko sa kanya. "Well, spill." sabi niya.
"Ganto kasi, hindi ko alam bakit biglang naging cold si Ethan sa akin. I mean seriously hindi ko talaga gets bakit siya ganun. Wala naman akong ginagawang masama. Alam mo naman na hindi ako yung type na biglang magsasabi ng mga kung ano-anong ma-isip ko. May filter naman bibig ko diba? Pero bakit napaka cold niya sa akin like as if I did something wrong?" inamin ko na sa kanya yung nararamdaman ko sa ngayon.
"Hindi ko pa kilala gaano si Ethan, pero siguro busy with something IMPORTANT na medyo frustrating on his part na nai-lalabas niya yung frustrations sayo. Theory lang yun, bessy ha." sabi niya at parehas kaming uminom sa mga bote namin. Nakalimutan ko na yung lasa ng Smirnoff kaya medyo napa-ngiwi ako nung dumaan to sa lalamunan ko.
Nagkwentuhan lang kami hanggang sa umabot na kami ng 8PM dito sa Metro. Kaso ako nandito pa din, 10PM na. Limang bote na nainom ko, hindi napigilan sarili ko. Nagustuhan ko yung lasa nung Smirnoff din saka gusto ko makalimutan muna kahit saglit, yung mga problema na hindi dapat pinoproblema. Nararamdaman ko na yung katawan ko umiinit tapos yung lalamunan ko parang nasusunog na. And at the same time, I find it hard to look straight and I'm so dizzy.
Umalis na si Pia ng 8PM kasi pala daw niya natapos yung contribution niya sa thesis nila kaya na-Uber na siya at ako naman nagpaiwan. Sinabi ko din naman kasi na kaya ko na mag isa umuwi, nasabik lang sa alak. Iniisip ko na madali lang makauwi dahil may sasakyan naman ako. Pero hindi ko inisip na malalasing pala ako ngayong gabi.
Sobrang nahihilo na ako at hindi makapag isip ng maayos kaya kinuha ko yung phone ko at nag contact na ng Uber. Mga ilang minuto may lumapit sa akin na matangkad pero hindi ko gaano makita yung muhka niya dahil alam kong mapapa-pikit na ako ilang segundo na lang. Basta narinig ko sabi niya "Tara na, marami ka nang nainom." at nagdilim na paningin ko.
YOU ARE READING
I am YOURS & You are MINE.
General Fiction"Maureen, choose one. You can't always have both. Unfair yun sa kanila." sabi ni Pia sa akin. Hindi pa ako sumasagot kasi nahihilo na ako. Gusto ko na lang mawala tong problema ko. Lulunukin ko na lahat ng problema hanggang sa masaya na ulit ako. Pe...