Chapter 15

734 58 0
                                    

Nancy's POV

Hello there! Siguro lahat kayo ang tingin sakin napakasama. Siguro naman kapag narinig niyo na ang side ko magbabago na kayo sakin. Kahit kayo lang.

Nakaplano na ang lahat. Simula sa pagpasok sa buhay ni Gio hanggang sa fix marriage. Pero hindi ko naman aakalaing aayon sa akin ang tadhana. Di ko naman akalain na magkaka Amnesia siya. I mean Tracy I didn't expect it all. Nagworry ako sa kanya. Kahit naman karibal ko siya nag aalala pa din ako. Kasi nung nawalay si France kay Tracy. Parang araw araw akong tinutusok ng maliliit na karayom sa puso ko sa tuwing makikita ko siyang nahihirapan. Minsan nga iniisip ko i-give up na siya pero dahil sa pagmamahal ko kay France ay ginamit ko ang lahat ng iyon. Nagbago ako, pakiramdam ko sa tuwing may sasabihin ako ang sama sama ko na. Pakiramdam ko lagi nalang akong may malaking kasalanan. Nung araw na nag away sina France at Gio. Isang linggo na kami nung break. Ipaparealized ko lang sana kay Gio na si Tracy ang totoong mahal niya at hindi ako pero nalaman ko nalang na si France at Tracy na pala.

Binibigyan ko lang ng katuparan yung hiling ni Tracy na sana mahalin din siya ni Gio.

Paano ko nalaman? Dahil sa pag stalk ko sa kanilang mga buhay.

Ganun ako kabaliw na baliw sa kanya. I mean kay France.

Yun nga palang pagpasok ko kay Gio?

Naging simple lang dahil sa mga kaibigan niya na nanloloko sa kanya at sa akin. Hanggang sa ayun nga niligawan niya ako at saka ko naman grinab yung opportunity. Nung una nakokonsensya talaga ako pero ng magawa ko nang lahat ay parang normal na lamang hanggang sa dumating yung puntong insecure na insecure na ko kay Tracy at di ko na halos kilala ang sarili ko. Pinipilit ko naman baguhin lahat ng pagkakamali ko pero bakit hindi ako magawang pagbigyan ni France at bakit di niya yun makita?

Wala naman akong ginawa na masama kay Tracy. Di ko siya pinatay pero bakit ganun na lamang ang galit sa akin ni France.

Yung tungkol naman sa pinsan kong si Gracilla? Pinagsabihan niya ako at dahil siya ang pinakaclose kong pinsan ay nakinig ako sa kanya. Minsan niya narin akong nasabihan ng masasakit dahil hindi daw talaga tama ang mga ginagawa ko hanggang sa dumating yung punto na nakita ko si Tracy na binubully. I thought na tulungan siya pero nag alangan ako na kung tutulungan ko siya magkakaroon ng ilang imahe sa utak niya at sasakit nanaman ang ulo niya. I care for her dahil siya ang babaeng mahal ng taong pinakamamahal ko. Pinahahalagahan ko rin siya. Kaya naman ng makasalubong ko ang pinsan kong si Gracilla agad ko siyang hinatak. Kahit na may naging sagutan kami noon. Nagmakaawa ako sa kanya but in the end nagpasalamat siya sakin dahil kung hindi ko daw pinakilala sa kanya si Tracy baka hindi na raw niya nakilala ang bestfriend niya. Mula noon nainggit nanaman ako sa kanya. Kaya naman nagsumbong ako kay Tito na tatay ni Gracilla na bad influence si Tracy. Pinalipat nila sa London si Gracilla. Nag away kami nun mahigit isang buwan. Pinakamahaba na naming away. Nagkabati kami nang aminin ko sa kanyang nagseselos ako.

Bakit ba lahat nalang nasa kanya na?

Ultimo mahal ko. Nasakanya ang puso.

Pero di ko din naman siya masisisi. Isa lang siyang simpleng babae na walang kamuang muang na pinagkaitan pa nang nakaraan.

"Tracy mahal pa din kita"

Lalo napalakas ang paghikbi at iyak ko sa alalahaning kahit na malapit na kaming ikasal si Tracy padin ang mahal niya. Oo nandito ako sa likod ng pintuan ng papuntang rooftop. Nang marinig ko ang mga salitang iyon ay tumakbo na ako. Sobra ng sakit.

Destiny:Tracy Walter(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon