Chapter 14

686 57 1
                                    

France's POV

You're all right. Ikakasal na nga ako sa taong kahit kailan ay hindi ko naman minahal. It was Nancy Sy.

Nakakalungkot mang isipin ang mga pangyayare apat na taon na ang nakalipas ngunit wala akong magagawa.

"Tigilan niyo na ang anak ko" yun lang ang sinabi ni Tito Ricky at saka naman parang napako ang mga paa ko. Oo naging takot ako.

Samantalang si Gio ay laging patagong binibisita si Tracy kapag tulog ito at naiiwang mag isa nila Tito Ricky at Tita Trixie. Nalaman yun ni Tito Ricky kaya naman kinabukasan nun ay dinala na ni Tito Ricky si Tracy sa Greece. Pilit kong hinanap si Tracy dito sa Greece at di nga ako nabigo. Lagi lang akong nakatingin mula sa malayo dahil na rin nakaarrange marriage na ako kay Nancy. Lagi ko siyang kasama kaya naman alam niya na si Tracy ang lagi kong tinititigan mula sa malayo. Pinagbawalan niya ako dahil kung hindi ay may masama raw siyang gagawin kay Tracy.

Isa lang ang kaibigan na lagi kong nakikita na kasama ni Tracy, ang pinsan ni Nancy na si Gracilla Sy. Ang pinaka close na pinsan ni Nancy. Kaya nag aalangan ako na baka gamitin ni Nancy si Gracilla. Kaya mula noon ay hindi ko na muli nakita si Tracy dahil narin sa bantay sarado ako kay Nancy.

"Hey babe?" sabi ni Nancy na nasa harapan ko na pala.

Nasa office kasi ako at katatawag lang ni Gio sakin dahil kinongrats niya ako. Nagthank you na lang ako at saka siya niloko.

"Hey babe? What your thinking ba? I'm here for almost a half hour but you still thinking anything" sabi ni Nancy.

"Wala! Lumabas ka na nga naiirita ako sa pamumukha mo at sa napakaarte mong--" di ko na naituloy ang sasabihin ng bigla na lamang siyang umiiyak ng pagkalakas lakas.

Kahit kailan napakaarte niya talaga. Tsk.

"Ganyan ka ba talaga? Ano ba kasing meron si Tracy at siya padin ang mahal mo? Why you don't love me back? Dahil ba mabait siya? Kaya kong maging mabait. Ano dahil matulungin siya? Mas magiging matulungin ako. Dahil ba maganda siya? Hintayin mo at gagayahin ko ang itsura para naman mahalin mo na rin ako." sabi niya at bigla nalang yumakap sakin.

Haist napakadrama talaga ng babaeng 'to.

"I love her because of her personality kaya naman tigilan mo na ang kahihigit sa kanya kasi hindi mo kakayanin" sabi ko at tinanggal ang pagkakayakap niya at saka naglakad akong palabas.

Pumunta ako ng rooftop at dun ay niluwagan ko ang tie ko at saka binukas ang dalawang unang butones at saka ko nilaklak ang dala kong beer.

Haist napakahirap naman na sundin sina Mama. Sobrang nakakasakal. Kung hindi lamang kami iniwanan ni Papa. Tsk. Kung hindi lamang siya sumama sa babae niya hindi sana ako naghihirap na pakisamahan si Nancy.

"Mahal padin kita Tracy"

Destiny:Tracy Walter(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon