"Every tear is a waterfall"
-anonymous
Tracy's POV
Sinong sasamahan ko yung taong nandyan kanina para damayan ako o sa taong naging dahilan ng problema ko?
'Tracy bilisan mo magdesisyon, malapit na si Gio.'
I choose Gio. I choose him because I love him at ang makasama siya ay napakahalaga sa ngayon. Lalo na at mayroon na akong kaagaw sa oras niya.
"France, maybe next time mo na lang ako ihatid. Thank you uli" Nakita ko naman ang panglulumo ni France pero agad din itong ngumiti.
"Ah wala yun. Basta pag kailangan mo ko, nandito lang ako" Sabi niya.
Ako naman tinakbo ko na si Gio. Nang bigla nalang lumabas si Nancy sa room na katabi namin ay napahinto ako at kusang umatras at bumalik kay France na nakatalikod na ng mga panahon na yun.
"Tracy?" Nagulat yata siya sa ginawa ko. Bigla nalang kasi akong yumakap sa kanya patalikod.
Di ko na naiwasan, umiyak na ako ng umiyak. I feel my third heartbreak. Grabe ka Gio pangatlo na 'to. Dati naman di mo ko pinapaasa ah.
"Hey my princess what's your problem? Why are you crying?" tanong nito at halata ang pag aalala
"France can you take me away from here. I want to go far from this situation. I'll explain it later. I need some company, right now!" Garalgal man ang boses ay nagawa ko parin itong sabihin kay France.
"Shh... Stop Crying, my princess. Here, wear my shades" Sabi niya na sinunod ko naman.
Nakasakay na kami sa kotse niya nang magtanong siya.
"Ngayon pwede mo na bang sabihin sakin?" Sabi niya sakin
"France, can you please at least take me away from this school kahit saan wag lang sa bahay namin. Kahit saan basta malayong malayo" sama sama na yata ang luha, sipon at laway ko pero wala akong pakielam.
Ansakit umasa Gio. Ansakit sakit na.
"Okay, my princess"
Sana hindi nalang ako nagkamali ng pagpili ng taong mamahalin. Sana si France na lang ang pinili ko at hindi si Gio. Sana lang talaga. Edi kung sana si France ang pinili kong samahan, hindi sana ako nasasaktan ng ganito. Sana hindi nalang ako umasa, syempre mas uunahin niya yung girlfriend niya. Sino lang ba ako? I am nothing compare to Nancy.
I hate him so much. He always break my heart but France is always there for me. Sana magbago ang ihip ng mundo. Sana lahat ng sana ko matupad na sana isang araw marealize niya kung gaano ko siya kagusto or more than that.
"Nandito na tayo!" Sabi niya at bumaba. Gaano katagal na ba akong nagmumuni muni dito at di ko man lamang napansin.
Mabilis akong pinagbuksan ng pinto ni France at namangha ako sa nakikita ko.
"France? Nasaan tayo?" Tanong ko.
"Resort namin 'to. Nagustuhan mo ba?"
Sinipat ko ang paligid. Napakaganda ng kulay asul na tubig na kapag tinignan mo sa malayo ay naging berde na ang malinis at malinaw na tubig. May iilang taong naliligo at may iilang gumagawa ng kastilyo gamit ang mapuputing buhangin. Napakaganda ng kabuuan nito at ilang kubo rin ang nasa paligid.
"Alam mo madalas akong nandito. Lalo na kapag naiiwan akong mag isa nila Mom at Dad. Lagi silang busy sa work. Oo, naiintindihan ko naman sila para sakin din naman lahat ng ginagawa nila. Ang kaso lang di ko maintindihan kung bakit pati linggo kailangan nilang magtrabaho."
Kung dinala niya siguro ako dito sa ibang pagkakataon ay iisipin kong nasa paraiso ako pero sa lagay ko ngayong hindi ko alam kung anong pakiramdam na ba. Halo halo na ata ang sakit, galit, at pagkaselos.
"Di mo naman kailangan umiyak ulit." Inabutan niya ako ng panyo sa panglimang pagkakataon simula pa kaninang nasa kotse kami.
Saan ba nito nakuha ang mga panyo nito at napakadami niya atang dala dala.
"Alam mo bang kapag nakikita kitang umiiyak nang dahil kay Gio, nasasaktan ako"
It means alam niyang... alam niyang may gusto ako kay Gio?
"You know?" Nanlaki pa ang mata ko at nagtataka kong tanong sa kanya
"Oo naman"
Ganun na ba ako sobrang ka obvious that even his best buddy napansin na may gusto ako sa kanya. Siya nalang ata itong manhid at nagawa pa akong saktan. Hindi niya ba alam na may gusto ako sa kanya! Gaano ba siya kashunga at hindi niya ako mapansin. Ako na halos kasama niya sa ups and downs niya. Ako na nakakita ng lahat lahat ng achievememts at struggles niya. He didn't appreciate me. His eyes always see those people na hindi siya nakita sa ups and downs niya.
"Hindi ko naman sinabing umiyak ka nanaman e" Huli na ng marealize ko na pinupunasan na ni France ang mga luha na tumulo sa mga mata ko. Tsk ang hina hina ko talaga. Lagi nalang akong umiiyak.
"Ay wag mo na akong pansinin. Paano mo nga pala nalaman?"
Pilit kong pinunasan ang mga luhang tuloy tuloy na kumakawala sa mga mata ko.
Tumingin lang ito sa dagat at saka nagsalita.
"Remember nang bigla kang madapa sa harapan ko kasi natalisod ka dun sa maliit na bato at naapakan mo yung suot mong gown. I think 7 years old ka nun and I'm 9 years old. May Birthday party kina Melanie, yung kalapit na bahay niyo. Dun sana ako pupunta kaso naawa ako sayo. Ang cute mo ngang umiyak nun e. Namumula yung ilong mo. Nung sinabi ko lalong lumakas yung iyak mo kaya naman nung makakita ako ng bilihan ng ice cream sa may park binili kita at tumahan ka. Ikwenento mo sakin at nabanggit mong di ka pinapansin ng bestfriend mong si Gio kasi busy siya kay Melanie sabi mo pa na ayun ang una mong heartbreak"
Ay oo naalala ko na.
"You mean ikaw yung englisherong pakielamerong mistesong lokoloko" Sabi ko
"Grabe ganun ba yung description mo sakin dati o hanggang ngayon?" Sabi ni France. Swear hindi ko talaga siya matandaan.
Para lang kasi mapatawa ako nun itinapon niya yung ice cream niya dun sa teenager na ang arte maglakad tapos nadulas kaya tumakbo kami. Habang tawa padin ng tawa.
"Don't worry mestisong hilaw, hindi na ganun yung description ko sayo." I said and then he smile.
"Kaya ka nanaman ba naiyak ay dahil nanaman kay Gioniel?" He asked.
"Oo, di ko maiwasan. Sa tuwing may gagawin ako siya nalang lagi ang naaalala ko"
"Tracy, pwede ba ako nalang? Ako mamahalinn kita! Ako aalagaan ka! Ako iingatan ka! Ako papahalagahan ka. Ako tutuparin ko yung pangako ko. Ako ang maghihintay at hindi ikaw."
"Just give me a chance to prove it, my princess."
-End of Chapter-
(AN: oh yeahhhh. Sige France sakin ka nalang HAHAHAHAH So anong masasabi niyo sa chapter na itech? Hahahah baklang bakla e.
-Araruuu)
![](https://img.wattpad.com/cover/13244622-288-k243348.jpg)
BINABASA MO ANG
Destiny:Tracy Walter(COMPLETED)
Romans#28 seohyun #1 Greece Minsan ang mga bagay bagay ay talagang tinadhana ng mangyare. Kung magkakalayo man ang mga bagay na ito ay gagawa ang tadhana ng paraan upang muling pagtagpuin ang mga landas nila. Pero paano kung sa pagkikita nila ay hindi na...