CHAPTER TWO

49.8K 1K 11
                                    

Armel's POV

Muntik ko na yatang maibuga ang beer na nainom ko sa narinig na sinabi ng daddy. Tiningnan ko siyang mabuti kung seryoso talaga siya at talagang wala siyang kangiti-ngiti. Talagang hinihintay niya ang sagot ko.

"Dad, ano ba ang sinasabi 'nyo?" Pinilit ko na lang matawa sa tanong niya para mawala ang serious atmosphere na parang lumukob sa amin. Ngayon ko lang narinig si daddy na nagsalita ng ganito. Sa madalas naming pag-uusap, laging tungkol sa negosyo ang pinag-uusapan namin. Laging paalala kung paano ko pa palalaguin ang negosyo ko at kung paano pa iyon mapapalawak. We never talked about our lives. I love my dad but the distance between us was very, very far.

Hindi ngumiti sa akin si daddy. Dumampot siya ng baso ng wine sa dumaang waiter at diretsong ininom iyon.

"I am getting old, Armel. Gusto ko naman na bago ako mawalan ng hininga ay makita kitang may-asawa na mag-aalaga at magmamahal sa iyo at gusto kong makita na magkaroon naman ako ng apo."

Doon na ako tuluyang nasamid. Ang sakit. Lumabas pa sa ilong ko ang beer na iniinom ko. Sunod-sunod ang ubo ko at ng mahimasmasan ako ay nakita kong napapailing at napapangiti si daddy. Tingin ko ay nagiging sentimental na siya. Hindi pa naman gaanong katandaaan si daddy. Tonight, was his 65th birthday at kahit na sinong makakita sa kanya ay naniniwalang sixty-five lang siya. My dad still looks like he was still on his prime. Matikas pa rin siyang pumorma at alam kong kahit may edad na, marami pa ring mga babaeng lumalapit sa kanya. Karamihan nga ay mga bata pa at mas bata pa sa akin. Siyempre nga naman. If they get my dad, good catch na nga naman ito. Sa lipunan na ginagalawan namin, a rich widower ang target ng mga babaeng ayaw ng magpakahirap at gusto na lang makapangasawa ng mayaman.

Pero alam kong iisang babae lang ang minahal ni daddy and that was my mom na matagal ng wala. I was five years old when my mom died. Heart complication and ikinamatay nito. Masyadong dinamdam ni mommy ang pangyayaring hindi na siya magkakaroon pa ng anak bukod sa akin. My mother has a problem with her reproductive system ever since. She got a problem getting pregnant. She had two miscarriages before me and after she gave birth to me, she underwent hysterectomy due to complications. Hindi na siya maaari pang magkaanak. Masyadong dinamdam ni mommy iyon na naging dahilan ng depression nito and later on, she got a problem with her heart.

I know marami pang gustong sabihin sa akin si daddy kaya naipagpasalamat kong may mga dumating siyang bisita na kailangan niyang i-entertain kaya iniwan na niya ako. Para akong nakahinga ng maluwag ng iwan ako ni dad.

Marriage? Kids? Please. Wala pa sa isip ko iyon. Tumango ako sa mga babaeng ngumingiti sa akin. This was what I want. Flirting with different women every night. I can have kids if I want to, but commitment and marriage was way out of my mind.

Lumapit ako sa grupo ng mga babaeng nagngitian sa akin. I knew them. Madalas ko ding makita ang mga mukha nila sa mga gatherings na ganito. Sa iba't-ibang events. They were models and high paid walkers. May mga handler sila para makapasok sa ganitong mga event at makasilo ng mga mayayamang guests.

"Looking good, pretty ladies." Bati ko sa kanila at dumampot uli ako ng beer para sumabay sa kanila.

"Hi, Mr. Fernandez. Mas lalo ka yatang gumuguwapo," malanding bati sa akin ng isa sa mga ito. I knew her. Parang na-meet ko na siya sa isang launching ng telepono ng isang sikat na Telecom Company na na-invite ako.

Ngumiti lang ako at uminom sa hawak kong beer. I might consider getting their services tonight para hindi naman ako ma-bore.

--------------------------------------------------////

Maid for you (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon