Armel's POV
Almost two weeks akong nawala at gusto ko lang makalimutan ang kahihiyang nangyari sa akin. Walang nakakaalam na nagbabad ako sa Boracay para lang hindi maalala ang babaeng iyon. Hanggang ngayon kasi, sa tuwing naaalala ko ang nangyari, hindi ko maiwasang hindi magalit. That was the first time may taong nanloko sa akin. At isa pang katulong? Dalawang lingo na rin akong hindi tumutungtong sa hotel ni daddy. Ayoko na muna talagang pumunta doon kasi naalala ko lang si Rosey at ang mga kabalbalang ginawa niya.
I made sure that the incident will stay within us. Pati si Estelle ay talagang kinausap ni daddy na madedemanda siya kapag inilabas ang nangyaring insidente. Kasiraan naman kasi iyon ng hotel kapag nalaman ng mga guest. Binayaran siya ni daddy ng danyos at kahit ayoko, napilitan akong i-date siya para lang matahimik ang bibig niya. But I made sure that it was just a friendly date at walang ibang nangyari sa amin.
Wala lang akong choice na hindi pumunta ngayon sa hotel. Ako kasi ang sinabihan ni daddy na makipag-meeting sa tatay ni Estelle tungkol sa building na ipinapatayo namin. Nakita ko nga kanina ang kaibigan ni Rosey, 'yung si Yasmin at hiyang-hiyang tumalikod sa akin. Dapat lang na mahiya siya. Siya pala talaga ang may ideya na gawin ni Rosey iyon tapos si Rosey pa ang nawalan ng trabaho.
'Di ba ikaw ang nag-fire out sa kanya dahil napahiya ka? Tila tudyo ng isip ko.
Inis akong napatingin sa folder na nasa harap ko. Pahila kong kinuha at muling binasa. Bago pa ako umalis ay naipakita na ito ni daddy sa akin pero hindi ko inintindi. Wala namang kuwenta ang mga nakalagay dito.
"What is this?" taka kong tanong kay dad ng ibagsak niya sa harap ko ang folder. Nagri-ready na akong umalis ng araw na iyon. Tumingin ako kay dad at nakita ko ang nakasimangot niyang mukha.
"Why don't you read it para mabawasan ang pagmumukmok mo diyan. You are wasting your time sulking here," ramdam na ramdam ko ang inis pati sa boses niya.
Padabog kong kinuha ang folder at binuksan. Tiningnan ko nang masama si daddy. Nang-iinis ba siya? Bakit puro pictures ni Rosey ang nandito?
"I had her investigated. Yes. Most of what she told you were all lies. She is a hardworking woman helping her sick mom and raising an eight year old kid. Hindi niya anak ang bata. Anak ng kapatid niyang namatay. Sa kanya na lumaki ang bata kaya siya na ang nanay na itinuring nito. Basahin mo ng malaman mo lahat," itinuro pa ni daddy ang folder.
Hindi ako umimik. Nanatili lang akong nakatingin sa picture ni Rosey. She was still beautiful kahit simpleng t-shirt at shorts lang ang suot niya sa picture. Pero, teka. Napakunot ang noo ko dahil may isang litrato doon na parang kuha sa tapat ng bahay na may kausap na lalaki si Rosey at mukhang seryoso ang usapan nilang dalawa.
"Who is this guy?" parang wala sa loob na tanong ko. Dumukwang naman si daddy at tiningnan ang tinitingnan ko.
"Ah. According to my investigator, his name is Patrick. An old boyfriend who works as a Manager in a bank," sagot ng daddy niya. "He was a nice guy."
Tinapunan ko ng tingin si daddy pero hindi ako kumibo. Hindi ko maintindihan ang kung inis na nabubuhay sa dibdib sa pagkakatingin ko sa litrato. Bakit sila nag-uusap? Bakit nakikipag-usap sa lalaking ito si Rosey?
Napahinga ng malalim si dad.
"Armel, I think Sallie is a good person. She just lied to you because I think because she doesn't have a choice. She needed her job," sabi ni dad.
BINABASA MO ANG
Maid for you (COMPLETE)
RomanceDahil sa pag-ako ng responsibilidad, naging single mother si Sallie sa murang edad. Ang mundo niya ay umiikot lang sa kanyang anak - anakan at kung paano pa magiging maayos ang kanyang trabaho. Pero sa isang hindi inaasahang pagkakataon, nagtagpo...