CHAPTER THIRTY-TWO

12.8K 443 12
                                    

Armel's POV 

            Where the hell she is?

            Nag-uumpisa nang maubos ang pasensiya ko dahil kanina ko pa hindi makita si Sallie. Ang usapan naming dalawa ay magkikita dito sa lobby ng hotel at sabay kaming pupunta sa dinner. Pero mahigit thirty minutes na ako dito ay wala pa rin siya. Hindi naman niya sinasagot ang tawag ko. Muli kong idinayal ang number niya pero ganoon pa rin. Ring lang ng ring.

            "Ikaw na naman. What are you doing here?"

            Ngumiti ako sa babaeng lumapit sa akin. Nagkita na naman kami ni Bianca. Of all places, talagang dito pa kami magkikita uli ng ex-girlfriend ko. We've been together for a year then we decided to break up when she decided to go to America to continue her Master's degree.

            "Parang ayaw mo naman na makita ako ulit. Kanina parang diring-diri ka pang kausapin ako," natatawang sabi niya.

            "Hindi naman. Nagmamadali lang talaga ako kanina. I was going to meet someone."

            "And who was that? Is it a she?" Natawa si Bianca at umiling-iling. "Magtataka pa ba ako? Hindi ka naman nga pala nawawalan ng babae."

            "Sobra ka naman. Hindi kita niloko, ha? We decided to part ways. I didn't cheat on you." Paalala ko sa kanya.

            "Wala naman akong sinabi na niloko mo, ah? I just said, hindi ka nawawalan ng babae which is true. Ide-deny mo pa ba? I heard Estelle is head over heels for you." Kumindat pa siya sa akin.

            "She is just a friend. What are you doing here again?" Nakalimutan ko na nga kung bakit narito si Bianca.

            Parang nagulat pa siya sa tanong ko.  "You didn't know?  I am the new Operations Manager of your hotel."

            "Really?" Bakit hindi ko alam iyon? Hindi man lang nabanggit ni daddy sa akin? O dahil masyado akong busy sa kakasunod kay Sallie.

            "So how are you?  Are you married?  Do you have kids?" dama ko ang excitement sa boses ni Bianca.

            "No.  Not married," umiiling na sagot ko.

            "Wala nga pala kasi sa plano mo ang mag-asawa," natatawa pa ring sabi niya.

            "I might change my mind. I met someone." Nakangiting sabi ko.

            "Oh." Tumaas ang kilay niya. "You've met someone. Mukhang iba ang ibig sabihin niyan. Mukhang seryoso." Nanunukso ang tono niya.

            "I guess. She's different. You should meet her soon."

            "Alright. I can't wait to meet her. Iba nga ang spark ng mga mata mo. You look happy, Armel and I am happy that you are happy." Dama ko ang totoong kasiyahan sa boses ni Bianca.

            "There you are old lovers," Umakbay pa sa akin si Rex at kasunod niya si Estelle. Tinaasan lang ng kilay ni Estelle si Bianca pero nginitian din. Magkakilala naman kasi silang dalawa.

            Kontingn kuwentuhan at kumustahan ay iniwan ko na rin sila. Pinaalis na kasi ako ni Bianca dahil halatang-halata daw sa akin na gusto ko nang umalis doon. Natawa nga ako. Ganoon ba ako ka-excited na makita si Sallie? Kataka-taka kasing wala talaga akong excitement nang makita ko si Bianca. Mas gusto kong makita agad si Sallie at mayakap siya at mahalikan. Gusto kong sabihin at iparamdam sa kanya kung gaano ako ka-seryoso sa kanya.

            Pero nalibot ko na ang buong lugar ay hindi ko man lang makita kahit anino niya. Para akong nabuhayan ng loob ng makita ko si Yasmin na nakaupo sa isang sulok. Tahimik lang itong nagpipindot sa cellphone niya. Napakunot ang noo ko nang makita kong wala doon si Sallie.

Maid for you (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon