CHAPTER THIRTY-EIGHT

12.1K 402 25
                                    

Armel's POV

            Pinabayaan kong makapagpahinga magdamag si Sallie. Hindi nga rin naman ako masyadong nakatulog din dahil sa excitement. Napangiti pa nga ako nang makita ko sa daliri niya ang singsing na ibinigay ko. Bagay na bagay. I can't wait to call her Mrs. Rosalia Fernandez.

            Kating-kati na akong tawagan si daddy at ipaalam sa kanya ang nangyari. Pero I wanted to surprise him. Gusto ko kapag nagkita kami ni dad magkasama kami ni Sallie at sasabihin ko sa kanya na mamanhikan na kami. Ngayon pa lang ay natatawa na ako sa magiging reaksyon ni daddy.

            Nag-shower na muna ako at nagbihis bago tumuloy sa kusina. I'll prepare a good breakfast for Sallie. I know she would be hungry and sore when she wakes up. Napangiti ako habang nagluluto. Hindi talaga ako nagkamali sa kanya. I know the first time I laid my eyes on her, she would be the perfect woman for me.

            Tumunog ang telepono ko na malapit sa akin. Nakita ko na si Bianca ang tumatawag. Ang aga naman ng tawag niya. Pasado ala-siyete pa lang. What could be the problem?

            "Bianca," bati ko. Iniipit ko sa tenga at balikat ko ang telepono para makapagpatuloy sa pagluluto.

            "Armel, would you know about these employees na nag-a-apply sa international agency? Three of your housekeepers resigned today. May mga offers sila pa-Australia and Canada to work in an international hotel," Bianca sounded worried.

            "Naririnig ko na iyan pero wala naman tayong magagawa sa mga ganyang pagkakataon. Those people deserve to grow. Baka doon nila nakikita ang future nila."

            "But these are your senior employees. Okay lang ba sa iyo na basta-basta na lang sila aalis? Mahirap mag-hire at mag-train uli ng mga tao."

            "Bianca, that's the cycle. You know that. People may come and go in our hotel. Kung may umalis, maghanap tayo ng kapalit." Isinalin ko ang niluluto ko sa plato. "Are you sure you're going to stay here?"

            Natawa siya sa sinabi ko. "Bakit ayaw mo ba? Don't worry, kakaibiganin ko ang girlfriend mo. Hindi ako katulad ni Estelle."

            "Fiancée," pagtatama ko.

            Malakas na tumili si Bianca. "Oh my god! For real?" Halatang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.

            "I proposed last night and she accepted it." Hindi mawala ang ngiti sa labi ko.

            "When I am going to meet her? I am so excited and so happy for you," damang-dama ko na totoo naman ang sinasabi niya.

            "Soon. But, could you keep it a secret for now? I wanted to surprise my dad about this."

            "Oh sure. I'll keep my mouth shut. I am really happy for you. At last you found your happiness."

            "Thanks, Bianx. Kita tayo diyan later. I'll tell you every detail."

            Napapailing ako at napatawa habang iniaayos sa tray ang pagkain na dadalhin ko para kay Sallie. I am sure she'll going to love this. Nilagyan ko pa ng fresh cut mango ang baso ng mango juice niya. Kahit araw-araw ko itong gawin sa kanya kapag mag-asawa na kami ay hindi ako magsasawa.

-----------------

Sallie's POV

            Maliwanag na kinabukasan nang magising ako. Wala na si Armel sa tabi ko at napakunot ang noon ang makita ang mga nakakalat na damit sa sahig. Parang nakaramdam ako ng hiya nang maalala ko ang nangyari kagabi. Bumigay nga pala ako kay Armel. Napatingin ako sa daliri ko at nakita ko doon ang diamond ring na bigay niya. Namuo na naman ang luha ko sa mata.

Maid for you (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon