Sallie's POV
"You're silent."
Napatingin ako kay Armel nang marinig ko ang sinabi niya. Nakasakay na kami noon sa eroplano at pabalik na ng Maynila. Nag-aya na siyang bumalik sa dahil may meeting pa daw itong pupuntahan. Maige naman iyon dahil mapupuntahan ko din ang agency na kumukuha sa akin. Titingnan ko kung totoo nga ang mga text messages na ipinadala nila. Nang magkita kami ng umagang iyon ay ibinigay ko sa kanya ang mga folders na ibinigay ni Bianca. Napansin kong parang biglang naging un-easy si Armel at mabilis na pinuntahan ang babae. Nahihiya naman akong magtanong kung anong pinag-usapan nila kaya nanahimik na lang ako.
"Ano 'yon?" kunwa ay hindi ko narinig ang sinabi niya.
"I said you're silent. Is there something wrong?"
Pinilit kong ngumiti. "Wala naman. Mukha bang may problema?" balik-tanong ko.
Napahinga ng malalim si Armel tapos ay hinawakan ang kamay ko.
"I know you're upset. Why? Because Bianca thought you're my secretary?"
Umiling ako. "Okay lang iyon." Iyon ang sinabi ko kahit sa sarili ko ay hindi naman talaga okay.
"It's not okay for me. Why you didn't correct her? Why you didn't tell her that you are my girlfriend?"
"Bakit? 'Nung nag – usap kayo, itinama mo sa kanya na ako ang girlfriend mo?" balik – tanong ko sa kanya.
Natigilan si Armel sa narinig na sagot ko.
"Hindi rin 'di ba? Wala namang problema doon. Okay lang. Gusto ko naman talagang hindi malaman ng mga tao ang tungkol sa atin."
Mahinang nagmura si Armel at inis na binitiwan ang kamay ko tapos ay napapailing na tumingin sa bintana.
"Ito na naman ba tayo? Ano ba ang mahirap, Sallie? Sabihin mo nga? Mahirap bang maging boyfriend ang katulad ko? Ako nga ang nagri – reach out sa iyo. Ano ba ang problema kung malaman ng mga tao na ikaw ang girlfriend ko?" tingin ko ay pikon na siya sa pinag-uusapan naming.
"Pagtatawanan ka nila," pinigil ko ang sarili kong mapaiyak ng sabihin iyon.
Pagtatawanan nila ako. Sasabihin nilang ilusyunada ako. Sasabihin nilang ang taas ng pangarap ko at ikaw pa ang nagustuhan ko.
Gustong – gusto kong idugtong iyon.
"Damn it. I don't know with you. Wala naman tayong problema pero ginagawa mong kumplikado ang sitwasyon nating dalawa," halos padaing ang pagkakasabi noon ni Armel.
"Hindi naman kasi –"
"Problema ko pa ba kung hindi mo ma – handle ang insecurity mo?" Putol niya sa sasabihin ko.
Daig ko pa ang sinampal sa sinabing iyon ni Armel. Pinigil ko ang sarili kong mapaiyak kahit namasa ang mga mata ko. Masakit pala kung mismong sa kanya manggaling ang mga salitang iyon.
"Pasensiya ka na kung insecure ako. Hindi ko naman siguro maiiwasan na maramdaman iyon kasi mayaman ka, mahirap lang ako. Damitan man ako ng maayos ng tatay mo, ako pa rin kasi ito. Ako pa rin si Sallie na dating maid. At sa mata ng mga taong ka – level mo, ganoon pa rin ako. Excuse me," sabi ko at dire – diretsong tumayo para pumunta sa cr ng eroplano. Hindi ko na kayang pigilin ang pag-iyak ko.
BINABASA MO ANG
Maid for you (COMPLETE)
Storie d'amoreDahil sa pag-ako ng responsibilidad, naging single mother si Sallie sa murang edad. Ang mundo niya ay umiikot lang sa kanyang anak - anakan at kung paano pa magiging maayos ang kanyang trabaho. Pero sa isang hindi inaasahang pagkakataon, nagtagpo...