Life can only be understood backwards. But it must be lived forward. - Unknown
------------------------
Sallie's POV
Napangiwi ako ng tumingin ako sa relo at makita ko ang oras. Fifteen minutes na lang bago mag – ala sais pero narito pa ako sa gitna ng Roxas Boulevard. Gusto ko ng murahin ang driver at kundoktor na panay ang tawag na pasahero para makasakay sa bus nila.
"Manong, paandarin 'nyo na itong bus. Wala na yatang sasakay." Sabi ng isang pasahero na halatang iritado na.
Naipagpasalamat kong hindi lang pala ako ang nagmamadaling sakay sa bus na ito. Marami na rin ang nagrereklamo kaya napilitan na ang driver na paandarin ang bus.
Parang nakikinita – kinita ko na ang itsura ng Supervisor kong masungit. Siguradong kapag nakita ako ng lalaking iyon na late, siguradong sisimangutan na naman ako, sesermunan at kung mamalas – malasin pa, may memo pa ng suspension.
Napabuga na lang ako ng hangin. Maaga naman akong umalis ng bahay pero kinailangan ko pang dumaan sa eskuwelahan ni Enzo para kuhanin ang report card niya. Wala naman na kasi akong ibang maasahan na gumawa noon. Si nanay, hindi naman basta – basta nakakalabas ng bahay dahil mahina ang katawan, madaling hingalin at mapagod kahit konting galaw lang.
Wala naman akong magagawa kung mali–late na naman ako. Pero parang talagang malas ako ngayong araw na ito. Ang traffic pa! Kinuha ko na lang ang report card ni Enzo at muli iyong tiningnan. Kahit paano nakakagaan ng pakiramdam na makita ang matataas na marka ng pamangkin ko. Sabi pa sa akin ng teacher niya, kasama daw sa honor list si Enzo ngayong grading period at kung makakasama pa siya sa fourth quarter, siguradong kasama siyang aakyat sa stage sa Recognition day.
Hindi talaga ako nagsisisi na ipinasok ko sa magandang eskuwelahan ang pamangkin ko. Sulit na sulit naman kasi ang pagpapaaral ko sa kanya. Kahit na nga tipid na tipid ang paggastos ko para sa sarili ko, okay lang. Basta kailangan na may pambayad ng tuition si Enzo at may pambaon.
Kinuha ko ang wallet ko at binuksan iyon. Tiningnan ko ang nakaipit na picture namin ng ate ko at napangiti ako.
Ate. Tingnan mo si Enzo, o? Ang galing – galing niya. Ang tali – talino niya. Ang sipag niyang mag – aral katulad mo. Sana, nakikita mo siya. Siguradong magiging proud ka sa kanya.
Pinigil ko ang mapaiyak at lahat ng nangyari ay bumabalik sa isip ko kaya itinago ko na ang picture namin ni Ate. Naalala ko pa noon ng umuwing umiiyak si Ate Sarah. Graduating na siya noon sa college at ako naman ay second year na sa course kong Business Finance. Iyak ng iyak si ate. Noon namin nalaman ni nanay na buntis pala siya ng tatlong buwan at ang professor niya ang ama ng dinadala niya. Nalaman din namin na hindi siya maaaring panagutan ng nakabuntis sa kanya dahil may – asawa ang professor niya at may tatlong anak.
Doon ko nakita kung paano gumuho ang lahat ng pangarap ni nanay. Alam ko naman na sa aming dalawa ng ate ko, mas paborito ni nanay si ate. Kasi si ate ang mabait. Si ate ang maganda. Si ate ang masunurin. Laging sinasabi sa akin ni nanay na si ate ang mag – aahon sa amin sa kahirapan kapag nakapagtapos na si ate sa pag – aaral. Tapos ako naman ang pag – aaralin ni ate para makatapos din ako. Pero dahil sa nangyari, naglaho sa isang iglap ang lahat ng pangarap ni nanay.
Napilitan akog huminto sa pag – aaral. Ako ang nagsakripisyo para makatapos si ate. Ipinagpatuloy pa rin ang pag – aaral niya at ako ay naghanap ng trabaho para lang makatulong ng gastusin sa pamilya at sa pag-aaral niya. Pero dalawang buwan na lang bago mag – graduation, napilitang huminto sa pag – aaral si ate. Naging maselan ang pagbubuntis niya at kailangang lagi na lang siyang nasa bahay at nakahiga. Konting galaw lang ay dinudugo na siya. Ang professor niyang nakabuntis sa kanya ay biglang nawalang parang bula.
BINABASA MO ANG
Maid for you (COMPLETE)
Roman d'amourDahil sa pag-ako ng responsibilidad, naging single mother si Sallie sa murang edad. Ang mundo niya ay umiikot lang sa kanyang anak - anakan at kung paano pa magiging maayos ang kanyang trabaho. Pero sa isang hindi inaasahang pagkakataon, nagtagpo...