Sallie's POV
Wala akong sagot na masabi. Pakiramdam ko ay nalulon ko ang dila ko sa narinig kong tanong ni Armel. Nabigla ako nang todo. Ako? Gusto niyang pakalasan? Joke ba ito? Siya si Carmelo Fernandez. Pilit kong isinasaksak sa utak ko na bbaka nahihibang lang ako sa dami ng iniisip kaya iyon ang narinig kong sinabi niya sa akin. Ang maging boyfriend nga siya ay isang malaking ka-imposiblehan na. Pero ang alukin pa siya ng kasal? Baka talagang kapag nalaman pa ito ng mga tao, talagang sasabihin na luka-luka na ako.
"I asked you a question," siguro ay napansin ni Armel na hindi na ako gumagalaw sa harap niya.
"H – ha?" Ano ba ang isasagot ko? Hindi ko alam.
"I asked you question, Sallie. So dapat sagutin mo iyon," napaka-seryoso ng mukha ni Armel. Nakakatakot na mukhang sisigaw na lang kung hindi maririnig ng tama ang sagot na gusto niyang marinig.
Napalunok ako at ngumiti ng alanganin para mapagtakpan ang kaba ko.
"Sigurado ka ba?" Iyon na lang ang nasabi ko.
Kumunot ang noo niya sa akin tapos ay natawa.
"You are really impossible. Sa dami nang humahabol sa akin, hindi ko pa sila tinatanong, oo na ang sagot ng mga iyon. But you? You are asking me if I am sure about this? I have never been so sure in my life until this moment." Hinawakan ni Armel ang mukha ko. "Sallie, I want to marry you. I want to be with you forever. I want you to be the mother of my kids. I want to hold your hand when we grow old together," parang kumikinang ang mata ni Armel habang sinasabi iyon.
Tuluyan na akong napaiyak at napahagulgol. Gustong-gusto kong tanggapin ang alok ni Armel. Mahal na mahal ko siya. Pero may isang bahagi pa rin ng isip ko ang tumututol doon. Napakaraming senaryo na puwedeng mangyari. Makakaya ko ba ang pangungutya ng mga tao?
Pero naisip ko, kung isang fairy tale ito nangyayari sa akin, tatanggapin ko kahit ngayong gabi lang. Kahit ngayon lang, mabubuhay ako sa isang pangarap na dadalhin ko habambuhay. Dahil hindi ko alam kung anong mangyayari kapag nalaman ni Armel ang plano kong pag-alis.
"Sallie, please. Will you marry me?" Bakas ang kaba sa mukha ni Armel.
Tumango ako ng sunod-sunod habang umiiyak. Naiiyak ako sa sobrang tuwa at naiiyak ako dahil nagsinungaling na naman ako sa kanya.
Malakas na nag-yes si Armel tapos ay niyakap ako ng mahigpit at hinalikan sa labi.
"I love you. I love you so much. My Rosey. My Sallie," sa pagitan ng paghalik ay sinasabi niya tapos ay isinuot ang singsing sa daliri ko.
Lalo akong naiyak nang makita ko iyong nakasuot sa daliri ko. Ang ganda. Hindi ko alam kung deserve ko bang magsuot ng ganito kaganda at mamahaling singsing. Pero nanamnamin ko na lang ito kahit ngayon gabi lang. Nanamnamin ko kung paano ma-engage sa isang Carmelo Fernandez. Dahil bukas, haharapin ko na ang totoong buhay ko.
Hindi ako kumontra nang halikan ako ni Armel. Hindi ako kumontra nang dalhin niya ako sa kuwarto niya. Hindi ako kumontra nang halikan niya ako uli at lumalim ang halik na iyon. Hindi halik na katulad nang ginagawa niya noon. Ang halik ngayon ni Armel ay malalim at nang-aangkin at alam kong sa pagkakataong ito, higit pa sa halik ang mangyayari sa amin.
Pero handa ako. Ngayong gabi, handa akong ibigay ang lahat para sa kanya. Ngayong gabi, wala akong ititira para sa sarili ko. Dahil si Armel ang buhay ko na alam kong sasaktan ko ng sobra bukas.
BINABASA MO ANG
Maid for you (COMPLETE)
RomanceDahil sa pag-ako ng responsibilidad, naging single mother si Sallie sa murang edad. Ang mundo niya ay umiikot lang sa kanyang anak - anakan at kung paano pa magiging maayos ang kanyang trabaho. Pero sa isang hindi inaasahang pagkakataon, nagtagpo...