CHAPTER THREE

45.6K 1K 45
                                    

Armel's POV

Kahit maraming magagandang babae, kahit yata pilitin kong makipaglandian sa kanila, hindi ko maintindihan kung bakit wala talaga akong gana. I tried to mingle with the models pero nabababawan ako sa pinag-uusapan namin. Alam na alam kong scripted lang ang mga sinasabi nila sa akin na turo ng handler nila para bumilib ang mga katulad naming businessmen na beauty and brains sila but I knew if they were telling the truth or not kaya umalis din ako sa lugar nila at nagpunta sa isang sulok.

Gusto ko na rin talagang umalis na lang at umuwi. Birthday lang talaga ni daddy at siguradong kapag nawala ako, hahanapin niya ako. Wala talaga akng ganang makipag-plastikan sa mga bisita ni dad. Taon-taon ko din naman silang nakikita sa mga events na ganito.

"Akala ko hindi ka na darating," napangiti ako nang makilala ko ang boses na iyon mula sa likuran kaya hinarap ko siya. Nakipag-cheers ako sa hawak na boteng beer ni Rex at tinapik ko siya sa balikat.

"'Di pinatay ako ng daddy ko 'pag hindi ako pumunta," sagot ko at tumungga sa hawak na beer.

"Estelle has been dying to see you. Kanina pa ako kinukulit kung dumating ka na. Nagkita na ba kayo?" Inginuso niya sa akin ang isang magandang babae hindi kalayuan sa lugar namin at nakikipag-usap sa ibang mga bisita.

Napailing na lang ako at napangiti ng makita ko ang babae. I have known her since college days. And since then, I knew how she likes me very badly. She was very vocal enough to tell me and she was not embarrassed to tell everyone about it. Nothing was wrong with Estelle. She got a pretty face, curves at the right places. Katunayan nga nangingibabaw ang ganda niya sa karamihan ng mga babaeng bisita. Seksing-seksi siya sa suot na bloody red dress na lalong nagpatingkad sa kaputian niya. Marami na rin naman akong mga kaibigan na alam kong may gusto sa kanya at ang iba nga ay naging ka-relasyon pa. Well, we dated once, we had an intimate moment together pero para sa akin, hanggang doon lang 'yun. It was a one-night affair na hindi na nasundan. Ayaw ko ng commitment dahil ayoko ng destruction sa trabaho ko.

Parang gusto ko yatang kumaripas ng takbo ng makita kong napatingin sa lugar namin si Estelle. Ang lapad ng ngiti niya ng makita ako at mabilis na nagpaalam sa mga kausap at nagmamadali ang mga hakbang na lumapit sa lugar namin ni Rex.

"I think I need to go elsewhere. Sigurado naman akong paalisin din ako niyan para masolo ka. Matindi talaga ang karisma mo sa mga chicks and I envy you for that," natatawang sambit ni Rex at iiling – iling na iniwan ako.

Wala naman akong choice kundi ang pakiharapan ng maayos si Estelle. Ayoko naman siya mabastos kahit ayoko siyang kausap ngayon.

"Armel darling, kanina pa kita hinihintay dito. I thought you are not coming anymore," may pagtatampo pa sa tono ng pananalita niya.

Ayokong mapahiya si Estelle kaya hindi ko na sinaway ang ginawa niyang pagkawit ng braso niya sa braso ko.

"It's my dad's birthday so I need to be here," maikling sagot ko at lumagok sa hawak na bote ng beer.

"I missed you. You haven't returning my calls," lumabi pa si Estelle habang lalong idinidikit ang katawan sa akin.

"I'm busy," maiksing sagot ko. Hindi ko na talaga kayang makipag-plastikan pa sa kanya.

"You always say that," sabi niya at marahang nilaro ang buhok ko sa bandang tenga.

Napailing ako at napabuga ng hangin. Kailangan kong makawala sa babaeng ito. Tingin ko ay hindi ko na kakayanin kahit isang minuto na kasama si Estelle.

Maid for you (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon