CHAPTER TWENTY

32.9K 971 42
                                    

Armel's POV

"Come on, dad.  Pick up the god damn phone!"

            Inis kong ibinato sa dashboard ang telepono ko. Ang dami ko nang missed calls sa daddy ko pero kahit isa ay hindi man lang nito sinagot. Kahit ang mga text messages ko ay wala din siyang reply. Ano ba ang napaka-importanteng ginagawa niya at kahit ang nag-iisa niyang anak ay hindi man lang niya masagot?

            "Damn it!" malakas akong napasigaw at lalo ko pang binilisan ang pagpapatakbo ng kotse ko pauwi sa bahay ng daddy ko.

            What the hell he was thinking? Getting that woman as his personal assistant? Ano ba ang pumasok sa utak ng daddy ko? Alam naman niya kung gaano ang galit ko sa babaeng iyon dahil sa panlolokong ginawa sa akin. And why in the world he needs a personal assistant? Kasama na niya si Suzanne. Ang lakas-lakas naman niya. Si Suzanne ang lahat ng gumagawa ng mga kailangan niya. And of all people, bakit si Rosey pa?

             Malakas akong bumusina ng mapatapat ako sa bahay. Maya-maya lang ay bumukas na ang automatic gate at tuloy-tuloy kong ipinasok ang kotse kahit hindi pa nga iyon tuluyang bumubukas. Pabalagbag ang ginawa kong pagparada ng sasakyan sa garahe at mabilis na bumaba.

            "Dad!" umalingawngaw sa buong bahay ang lakas ng boses ko habang papasok sa loob ng bahay.  "Daddy!"

            "Armel?"

            Nakita ko ang pagtataka sa mukha ni Suzanne nang makita ako doon. Lumapit siya sa akin at humalik sa pisngi ko.

            "What brings you here?" pati ang tono ng boses niya ay takang-taka.

            "Where is my dad?" walang kangiti-ngiti sa mukha ko.

            "He is in his office.  He has an on – going meeting right now with some bank officer. Is there something wrong?"

            "Is it true that he hired a personal assistant?" Gusto kong makasiguro na hindi ako ginu-goodtime ni Rex.

            Nakita kong nagliwanag ang mukha ni Suzanne.

            "Si Sallie?  Oh, yes.  She is so nice and so competent.  She is really a fast learner and she really helps me a lot," proud pa si Suzanne ng sabihin iyon sa akin.

            I gritted my teeth. So, totoo nga. Kahit nagsasalita pa si Suzanne ay tinalikuran ko na siya at dire-diretso akong pumunta sa office ni daddy.

            "Armel, he is in a meeting right now. Ayaw magpa-istorbo ng daddy mo," awat ni Suzanne sa akin pero hindi niya ako mapipigil. Hindi ko pinakinggan ang sinasabi niya at diretso akong pumasok sa office ni dad.

            Pare-parehong nagulat ang mga taong nasa loob ng office ni dad. Kumunot pa nga ang noo ng daddy at parang hindi makapaniwalang makita ako doon. Naroon din ang isang lalaki na nakatingin din sa akin. Ito siguro ang bank officer na sinasabi ni Suzanne.

            And there she is.  Hindi ko maintindihan kung bakit biglang kumabog ang dibdib ko nang makita ko doon si Rosey na nakatingin lang sa akin. She was just sitting across the guy. It was like they were talking something important na naistorbo ko lang. Mahina akong napamura. I haven't seen her for almost two weeks and yet she's here with a total make over.

            Ang babaeng nasa harap ko ngayon ay hindi ang Rosey na nakilala ko. Nasaan na ang dating Rosey? Nasaan ang babaeng lagi lang nakasuot ng maong pants at shirt? Nasaan ang babaeng laging nauutal at natataranta kapag nakakaharap ako? Kasi ang babaeng narito ay ibang-iba. Mukhang smart, full of confidence. The woman in-front of me was god damn beautiful.

Maid for you (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon