CHAPTER THIRTY-SIX

12.2K 409 13
                                    

Sallie's POV

            Maghapon akong hindi tinatawagan ni Armel.

            Kahit i-text ngayong araw wala akong na-receive. Nagpaalam ako sa kanya na may lalakarin ngayon pero simpleng 'K' lang ang sagot niya sa akin. Iniisip ko na lang na busy siya sa trabaho. Sa mga meetings. Iniisip kong nagkaproblema sa hotel na itinatayo sa Boracay at Cebu. O baka busy siya sa pakikipag-usap kay Bianca dahil sila naman ang laging magkasama sa hotel.

            Gusto ko nang batukan ang sarili ko. Kahit kasi pigilin ko ang sarili kong isipin si Bianca, kahit paulit-ulit na sinasabi ni Armel na ako ang mahal niya, bakit hindi pa rin mawala sa sarili ko ang kaba?

            Tama si Miss Suzanne. Tama si Yas. Ako talaga ang may problema. Ako ang nag-iisip ng problema kahit wala naman. Ako ang gumagawa ng sarili kong multo. Pero masisisi ba nila ako na hindi makaramdam ng ganito? Si Sallie lang ako na dating katulong. Kahit ako nga hindi ko alam kung bakit ako nagustuhan ni Armel.

            Kinuha ko lang ang plane ticket ko sa agency. Pabalik na ako sa bahay ni Sir Rufus para kunin ang ibang mga gamit ko nang tumunog ang telepono ko. Parang tumalon ang puso ko nang makita kong si Armel ang tumatawag sa akin.

            "Love," ang lambing ng boses niya. Pakiramdam ko ay maiiyak na ako marinig ko pa alng ang boses niya. Ang sarap pakinggan. Love.

            "Busy ka yata buong maghapon. Pabalik na ako sa bahay 'nyo," pinilit kong maging normal ang boses ko kahit na nga nanginginig na iyon sa pagpipigil maiyak.

            "I already talked to Efren. Sabi ko sunduin ka diyan at dalhin dito sa bahay ko."

            Napakunot ang noo ko. "Bakit? May problema ba?" First time niya akong papupuntahin sa bahay.

            "Problema ba agad? Hindi ko ba puwedeng i-invite ang girlfriend ko sa bahay ko?"

            "Pero kasi-"

            "Huwag ka nang magtanong. Just come here because I missed you already. Can't wait to see you, babe." Bago pa ako makapagsalita ay pinatayan na ako ng telepono ni Armel.

            Napahinga na lang ako nang malalim at nailing na isinilid sa bag ang telepono ko. Nakita kong hinihintay na ako ni Mang Efren nang makarating ako sa bahay ng mga Fernandez. Parang alam na alam na niya ang gagawin. Pagkakita sa akin ay binuksan ang pinto ng kotse at pinasakay ako.

            "Anong meron, Mang Efren?" Tanong ko sa kanya.

            "Hindi ko rin alam. Basta sinabihan lang ako ni Armel na ihatid ka doon. Alam mo naman ang batang iyon masyadong malihim. Kahit ang tatay niya hindi masyadong alam ang mga plano niya," sagot ng driver sa akin.

            Nagkibit balikat na lang ako at binuksan ang bag ko. Nakita ko doon ang plane ticket. Napangiwi ako nang maisip na naman na dalawang araw na lang ay aalis na ako pero hindi ko pa nasasabi ito kay Armel. Sa isip ko ay napakaraming senaryo na puwedeng mangyari. Puwede siyang magalit. Puwede naman na maintindihan niya ang plano ko at suportahan niya. Naisip kong kung talagang mahal niya ako, maiintindihan niya kung bakit kailangan ko iyong gawin.

            "Nandito na tayo." Anunsyo ni Mang Efren.

            Sumilip ako mula sa labas ng kotse at nakita ko isang modern designed na bahay. Ang ganda. Ang laki. Parang puwede na dito tumira ang isang pamilya.

            "Bahay ito ni Armel?" Paniniguro ko.

            "Oo. Baba ka na. Kanina ka pa niya hinihintay." Ini-unlock ni Mang Efren ang kotse.

Maid for you (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon