Sallie's POV
Pakiramdam ko ay namatanda ako at hindi makapagsalita nang makilala kung sino ang boss na sinasabi ng driver at ng babaeng nakasalubong ko kanina. Nasa harap ko kasi Mr. Fernandez. Si Mr. Rufus Fernandez. Tumayo siya sa kinauupuan niya nang makita ako masaya akong sinalubong.
"Iha? How's your trip? Tinakot ka ba ng driver ko?" Nakangiti pang sabi niya.
Wala naman akong masabi. Hindi ko kasi alam kung anong sasabihin ko.
"Come here. Sit down," sabi pa niya at inaalalayan akong maupo sa silyang nasa harap ng mesa niya.
"What do you want? Coffee? How about food? Did you eat already?" Sunod-sunod na tanong niya. Nakita kong nagsalin siya ng kape sa dalawang puswelo.
"Huwag na po kayong mag-abala. Busog po ako at hindi po ako nagkakape," tanging sagot ko.
Nagtataka siyang tumingin sa akin at inihinto ang pagsasalin ng kape sa isa pang puswelo. Nagkibit na lang siya ng balikat at kinuha ang mug niyang may kape at naupo na sa harap ng mesa.
"You don't drink coffee? Why? This is the best. This came from Batangas. Gift ng isang business partner," sabi pa niya at humigop sa hawak na coffee mug.
"Sumasakit po ang tiyan ko kapag umiinom ako ng kape." Napakamot ako ng ulo at tumingin sa paligid tapos ay ibinalik ko ang tingin sa matanda. "Sir, ano po ba ito? Ipapakulong 'nyo po ba ako? Tanggal na po ako doon. Hindi na po ako nagta-trabaho sa hotel 'nyo." Pakiramdam ko ay ang lapot-lapot ng pawis na lumalabas sa katawan ko. "Huwag 'nyo naman po akong ipakulong, Sir. Kawawa naman po ang anak ko."
Natawa siya sa narinig na sinabi ko. Ibinaba niya ang hawak na puswelo.
"You mean your nephew?" Pagtatama niya sa sinabi ko.
Gulat akong napatingin sa kanya. Paano niya nalaman na pamangkin ko lang si Enzo?
"S-Sir, p-paano 'nyo pong-"
Kumumpas sa hangin si Mr. Fernandez para huminto ako sa pagsasalita.
"I know everything about you, Sallie. And who said I am going to send you to jail? You are here because I want to offer you a job," sagot niya sa akin at muling humigop sa kaharap niyang kape. Kaswal na kaswal lang siya. Parang tipong business deal na usapan tulad ng mga nakikita kong mga businessman sa hotel na nagmi-meeting.
"Job? Sir may kaso nga po ako sa hotel 'nyo. Nanloko po kami at si Armel pa ang nabiktima ko. Blacklisted po ako sa hotel 'nyo." Paalala ko sa kanya.
"You're not going to work in my hotel, Sallie. You're going to work directly to me."
"Sir, hindi po ako naka – graduate ng college. Hindi po ako qualified sa mga office work kasi second year college lang ang natapos ko. Wala po akong diploma. Hindi po ako-"
Nakita kong napailing si Mr. Fernandez sa sobrang dami kong katwiran. Kasi nga naman, talagang imposibleng kunin pa niya akong magtrabaho sa kanya. Una may kaso ako tapos hindi naman ako qualified maging office worker.
"Do you know how to work with computers? Just the basics. Word, excel, powerpoint?" tanong niya.
Alanganin akong tumango. Alam ko naman ang mga basic na iyon. Marunong din akong mag turn on at turn off ng computer. Basic din naman iyon alam ko.
"Then you are qualified. Iyon lang naman ang kailangan ko sa personal assistant ko. I already have my own executive secretary. You met her already si Suzanne. She's been with me for almost ten years. But I want to have my own personal assistant that can take care of some of my personal affairs. Suzanne cannot work for that anymore. Napakarami na niyang load sa trabaho saka para matulungan mo din siya," paliwanag niya.
BINABASA MO ANG
Maid for you (COMPLETE)
RomanceDahil sa pag-ako ng responsibilidad, naging single mother si Sallie sa murang edad. Ang mundo niya ay umiikot lang sa kanyang anak - anakan at kung paano pa magiging maayos ang kanyang trabaho. Pero sa isang hindi inaasahang pagkakataon, nagtagpo...