CHAPTER THIRTY-THREE

13.5K 399 6
                                    

Sallie's POV

            Pakiramdam ko ay pinupukpok ang ulo ko nang magising. Ang sakit. Ang bigat. Dahan-dahan akong bumangon habang sapo ang ulo. Ano nga ba ang nangyari kagabi? Nag-blackout na ako. Basta ang alam ko, uminom ako kagabi nang maraming juice na bigay 'nung waiter tapos nakita ko si Armel na kasama ang girlfriend niya.

            Napasimangot ako nang maalala iyon. Gusto ko na namang maiyak. Nakaramdam na naman ako ng insecurity nang maalala ko kung gaano kaganda ang babaeng iyon.

            Tumingin ako sa paligid. Wala din si Armel. Lalo nang nagkukot ang kalooban ko sa inis. Wala siya dito siguro, naroon siya sa syota niya. Talagang kapag nagkita kami, makikipag-break na talaga ko sa kanya.

            Inis akong tumayo at napatingin ako sa sarili ko. Hindi pa pala ako nakapagbihis. Hinubad ko na nang tuluyan ang suot kong maxi dress kasi ang baho. Amoy suka. Naka two-piece bikini naman ako nang pumasok sa cr. Pero laking gulat ko nang biglang lumabas mula sa shower si Armel na walang damit dahil katatapos lang maligo.

            Pareho kaming parang estatwang natitigilan at nagkatitigan na parang hindi alam kung anong gagawin. Ako ang unang naka-recover at sa sobrang shock ko ay napasigaw ako.

            "Ay!  Ano ba?!" Ang lakas ng sigaw ko at nakatakip ang mga kamay sa mata tapos ay nagtatakbo palabas.

            "Hey!  Hey!" Hindi ko na pinakinggan ang pagtawag ni Armel sa akin.

            "Magdamit ka!  Magdamit ka!" hindi ko pa rin inaalis ang pagkakatakip ng kamay sa mata ko.

            "I am decent ano ka ba?  Bakit kasi bigla ka na lang papasok ng banyo?" Parang ako pa ang sinisi niya sa nangyari.

            Tinanggal ko ang kamay sa mata pero isang mata muna ang idinilat ko. Baka kung ano ang bumulaga sa akin. Nakatapi na ng tuwalya si Armel kaya tuluyan na akong dumilat.

            "Alam mo naman na hindi ka nag – iisa sa kuwartong ito.  Bakit hindi ka nagla – lock ng pinto?" inis na sabi ko sa kanya.

            Napapailing si Armel na parang hindi mapaniwalaan ang sinasabi ko.

            "What is wrong?  We are both adults here.  Girlfriend kita.  I don't see anything wrong."

            "Wrong, wrong ka diyan.  Padaan nga!" Tumayo ako at tinabig ko siya pero pinigilan niya ang kamay ko.

            "You need to seat.  We need to talk," seryosong sabi niya. Mukhang wala naman akong magagawa kaya naupo na lang ako sa kama.

            "What the hell were you thinking last night, Sallie?  You were drunk.  You even went out with someone you don't even know.  What if he did something bad to you?" kitang – kita ang paglalabasan ng mga ugat sa leeg ni Armel.  Halatang galit na galit siya.

            Sinimangutan ko lang siya.

            Kapal ng mukha.  Siya pa ang may ganang magalit samantalang siya ang nakikipaglandian sa girlfriend niya.

            "Teka, bakit ako?  Wala naman akong ginawang masama.  Nakipagkaibigan lang 'yung tao," Ano nga ang pangalan ng lalaking nakilala ko kagabi? Jess? John?

            "Nakalimutan mo yata. May boyfriend ka na at ako yata 'yun."

            Inirapan ko siya. "Boyfriend. Boyfriend kita? Samantalang kitang-kita kita na nakikipaglandian sa girlfriend mong sosyal. May pahawak-hawak pa kayo ng kamay. Kalat na kalat kaya sa mga tao dito na dumating ang girlfriend mo." Napalunok kasi pinipigil ko ang mapaiyak dahil naalala o na naman ang nakita ko kagabi. "Nakita ko kayo. Ang sweet-sweet 'nyong dalawa."

Maid for you (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon