Sallie's POV
"Sallie, Yas, tawag kayo ni Mr. Mercado sa office niya."
Pareho kaming napatingin ni Yas kay Janice na tumawag sa amin. Naglalakad kami noon ni Yas papunta sa housekeeping room para kumuha ng extra bed sheets. Marami pa kaming kuwarto na lilinisin ngayon.
"Bakit daw? Marami pa kaming tatapusin," si Yas na ang sumagot.
"Nako, huwag ka nang magtanong. Hindi ko rin naman alam. At nako, ingat kayong dalawa. Mainit ang ulo ni kalbo. Ayokong madamay 'no?" sagot niya sa amin. "Nga pala, 'yung resume 'nyo kunin ko na sa locker 'nyo, ha? Sisimple kasi mamaya 'yung recruiter. Para sabay-sabay nang nakapasok ang mga papel natin." Sabi pa nito at tinalikuran na kami.
Nagkatinginan kami ni Yas. Bakit kaya kami ipinapatawag?
"Yas, may trouble na naman ba tayo kay Mr. Mercado? Parang wala na akong maalala na ginawa kong palso," kinakabahang sabi ko.
"Ano ka ba? Huwag ka ngang masyadong nega. Hindi tayo mahuhuli noon. Naka-two weeks na kaya. Limot na 'yun. Ikaw na nga ang nagsabi na kalimuta na 'di ba?" Halika na," naramdaman kong hinatak ako sa kamay ni Yas papunta sa opisina ng boss namin.
Sabay pa kaming huminga ng malalim ni Yas nang tumapat kami sa pinto ng opisina ni Mr. Mercado. Kumatok muna si Yas bago binuksan ang pinto at sabay kaming pumasok.
Pero parang gusto kong tumakbo palabas nang makita kong hindi nag-iisa doon si Mr. Mercado.
Nakaupo sa couch na naroon si Mr. Rufus Fernandez at sa tabi nito ay si Armel na seryosong nakatingin sa akin.
Literal na parang mamamatay yata ako dahil sa nangyayari. Hindi ako makahinga. Hindi nagsasalita si Armel pero nakatitig lang siya sa akin. Walang kangiti-ngiti sa labi. Walang kaemo-emosyon ang mukha.
"Look at this," pinalapit kami ni Mr. Mercado sa table niya. Iniharap sa amin ang laptop at ipinakita ang isang cctv footage. Napapikit ako ng mariin ng makita ko na kuha iyon ng gabing magkakilala kami ni Armel. Kitang-kita mula doon kung paanong pumasok si Yas bitbit ang mga damit, kung paano dumating si Armel, kung paano kami sabay na lumabas ng penthouse at ako ay suot ang damit ng isang guest.
"S – sir, magpapaliwanag po kami," si Yas ang naglakas loob na magsalita. Nangingig ang boses niya.
Gusto ko nang umiyak lalo na nga at hindi ko kayang tumingin man lang kay Armel. Hindi ko kayang tingnan ang nanunumbat niyang tingin sa akin. Grabe ang panlolokong ginawa ko sa kanya.
"I want her to explain everything," si Armel ang narinig kong nagsalita. Nang tapunan ko siya ng tingin ay matiim lang siyang nakatingin sa akin. Kinikilatis ang buo kong pagkatao. Sigurado akong nandidiri na siya sa akin. Isinusuka ako dahil nalaman na niyang isa lang akong katulong sa hotel nila.
Mabilis kong pinahiran ang mga luhang nag-uunahang naglandas sa mga pisngi ko. "Kasalanan ko lahat. Ako lang. Walang kasalanan si Yasmin. Kung may tatanggalin kayo dahil sa nangyari, ako lang ho. Huwag 'nyo ho siyang idamay," lakas – loob na sabi ko. Ganoon din naman iyon. Kahit anong explain ang gawin ko, tatanggalin din naman ako sa trabaho. Akon na lang ang magsa-sacrifice. Huwag na lang nilang idamay si Yasmin.
"Sallie," saway ni Yas.
"That's it? You think you can get away with this just like that?" damang – dama ko ang galit ni Armel.
"I'm sorry," Napayuko na ako. Tuluyan na akong napaiyak talaga. Sobra ang kahihiyan na nararamdaman ko.
"Shit!" Galit na sigaw ni Armel. "Fine. If that's what you want," sabi niya at bumaling kay Mr. Mercado. "I don't want to see her face again," pakiramdam ko ay sumaksak sa pagkatao ko ang mga sinasabi niya. Ramdam ko ang pagkasuklam. Ang pandidiri sa bawag salita niya. Tapos ay bumaling siya kay Yas. "Lucky you. Your friend saved your ass. You still have your salary raise and you will become a supervisor. I am true to my word. You find her, you got the promotion." Punong-puno ng sarkasmo ang tinig ni Armel. Pagkasabi noon ay tuloy-tuloy na itong lumabas.
BINABASA MO ANG
Maid for you (COMPLETE)
RomanceDahil sa pag-ako ng responsibilidad, naging single mother si Sallie sa murang edad. Ang mundo niya ay umiikot lang sa kanyang anak - anakan at kung paano pa magiging maayos ang kanyang trabaho. Pero sa isang hindi inaasahang pagkakataon, nagtagpo...