Sallie's POV
Maaga pa lang ay nakaayos na ako. Nang ihatid ako ni Patrick kagabi ay nagsabi na siyang susunduin ako ng alas-nuebe para sabay na daw kaming magpunta sa bangko. Siniguro kong maaga pa lang ay tapos na lahat ang trabaho ko para kay Mr. Fernandez para hindi ako nagka-cram. Napairap ako nang maalala ko ang sinabi ng mayabang na Armel na iyon. Siya daw ang maghahatid sa akin. As if naman na papaya akong sumama sa kanya. Saka anong ihahatid pinagsasasabi niya? Kahit anino nga niya hindi naman nakikita dito.
Dire-diretso ako sa sala para kuhanin ang broadsheets na araw-araw ay iniaakyat ko sa opisina ni Mr. Fernandez. Napakunot ang noo ko nang makita kong may isang malaking maleta ang naroon sa gilid ng sala. Tamang-tama naman na nakita ko si Miss Suzanne na pababa ng hagdan. Mukhang papunta sa kusina para mag-breakfast.
"Miss Suzanne, aalis po ba si Mr. Fernandez?" Kinakabahan ako. Baka kasi may out of town event ang boss ko o may ibang lakas na nakalimutan ko.
"Hindi naman siya aalis. Bakit?" taka din niya.
"Kaninong maleta ito?" tanong ko sabay turo sa maleta.
"That's mine."
Pareho kaming napatingin sa nagsalita at nakita kong papalapit sa amin si Armel na hawak na puswelo ng kape. Fresh na fresh ang itsura. Ibang-iba sa mukhang mangangain ng tao kagabi. Ang linis-linis ng itsura niya sa suot na light blue polo shirt at maong pants. Umaalingasaw din ang pabangong gamit niya. Ang ganda-ganda ng aura niya. Mukhang good mood.
"Armel, why did you bring your suitcase here?" kita ko ang pinipigil na ngiti ni Suzanne.
"I'll stay here for now. Nakakabagot sa bahay ko. Wala akong kasama. Saka parang na – miss ko si daddy. Matagal na kaming hindi nagkakasama," nakangiting sagot niya pero hindi ako tinatapunan ng tingin.
Tama ba ang narinig ko. Mag-i-stay siya dito?
Teka, kaya ako pumayag na dito mag – stay kasi alam kong hindi dito nakatira ang lalaking ito.
Gustong – gusto kong sabihin iyon.
"Really? Hanggang kailan ka dito?" tanong pa ni Suzanne.
"I don't know. Two days. Two weeks. Two months. Forever," this time ay tumingin siya sa gawi ko.
"Naku, for sure matutuwa ang daddy mo. Wait, I'll tell him that you are here," nagmamadaling iniwan na kami ni Suzanne.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayong dalawa na lang kami ni Armel dito. Parang wala naman siyang pakialam sa akin. Busy lang siya sa pag-inom ng kape. Napailing na lang ako at akmang aalis na doon nang marinig kong magsalita si Armel.
"We'll leave at nine AM," narinig kong sabi niya.
Kunot-noong tumingin ako sa kanya. "Bakit? May lakas ka?"
"You have an appointment at the bank 'di ba?" paniniguro niya.
"May magsusundo na sa akin," sagot ko.
Lumukot ang mukha ni Armel. "Cancel it. We'll leave at nine."
Bago pa ako makasagot ay iniwan na ako doon ni Armel. Pasipol-sipol pa ito habang papunta sa kusina.
Bago pa siya makapag – protesta ay iniwan na siya doon ni Armel.
Ano bai to? Dito mag-stay si Armel? Magkakasama kaming dalawa? Hindi puwede. Siguradong aawayin lang ako ng lalaking iyon. Alam ko naman na hanggang ngayon galitpa pa rin siya sa akin. Nakakainis siya. Bakit hindi siya maka-get over sa nangyari?
BINABASA MO ANG
Maid for you (COMPLETE)
RomanceDahil sa pag-ako ng responsibilidad, naging single mother si Sallie sa murang edad. Ang mundo niya ay umiikot lang sa kanyang anak - anakan at kung paano pa magiging maayos ang kanyang trabaho. Pero sa isang hindi inaasahang pagkakataon, nagtagpo...