CHAPTER THIRTY-ONE

44.7K 946 203
                                    

Sallie's POV

            Gaga ka. Gaga ka kasi. Sinabihan ka lang ng I love at hinalikan ka, bumigay ka na agad. Hindi mo pa nga alam kung ano talaga ang motibo ng lalaking iyon sa iyo.

            Napapagat-labi ako habang nakasakay kami sa elevator ni Yas pababa sa event. Hanggang ngayon ay parang naririnig ko pa ang pag-uusap ng dalawang babae.

            "Huwag mo na lang intindihin ang mga narinig mo.  Kausapin mo na lang siya kung ano ang totoo," alam kong apektado din si Yas sa narinig niya. "Baka oa lang 'yung mga tsismisan ng mga 'yun." Sabi pa niya.

            Hindi na ako sumagot. Dumiretso na lang kami kung saan naka-set up ang dinner sa white sand. Naroon na ang karamihan sa mga managers at supervisors at nagsisimula na ring mag-dinner. Para akong nanliliit na makita sila. Una kong hinanap si Armel pero wala pa siya doon. Ang nakita ko ay Rex at si Estelle kaya nagtago na lang din ako. Ayokong makita ng babaeng iyon at baka ipahiya na naman ako. Nahihiya naman akong magtanong sa mga taong narito kung nasaan si Armel kaya kami na lang ni Yas ang naghanap ng mesa para sa amin.

            At mula sa kung saan, nakita kong paparating si Armel. Kakawayan ko sana siya pero bigla ang bundol ng kaba sa dibdib ko nang makita kong may kasama siyang babae. Hindi lang basta babae. Maganda talaga siya. Wala sa loob na tiningnan ko ang sarili ko. Maganda rin naman ako pero kahit katiting yata ay wala akong laban sa babaeng kasama ni Armel. Parang nakakahiyang tumabi. Napakagat-labi pa ako dahil nakikita kong masayang-masaya si Armel na kausap ang babae.

            "Lapitan mo kaya. Ikaw ang girlfriend tapos kung sino – sino ang kausap niya," parang naiinis na sabi ni Yas sa akin.

            Umiling ako.  "Ayoko.  Ano na lang ang sasabihin ng mga tao?"

            "Anong sasabihin?  Eh, 'di wala.  Boyfriend mo 'yun 'no! Karapatan mong dumikit sa kanya at malaman ng lahat na ikaw ang girlfriend niya."

            "Ayoko.  Bayaan mo na sila," parang gusto ko yatang umiyak nang makita kong hinawakan ng babae ang kamay ni Armel. Hindi man lang niya iyon binawi? Ang sweet-sweet nila.

            "Sa tingin mo 'yan kaya ang ex ni Armel?" Parang sa sarili ko lang naitanong iyon. Nanatili pa rin akong nakatingin sa kanilang dalawa. Tawanan sila nang tawanan na dalawa. Kitang-kita ko kung paano tumingin ang babae kay Armel. Ganoon din siya. Masayang-masaya siya sa kausap niya.

            "Gaga. Lapitan mo nga. Magpakilala ka 'no." Bahagya pa akong itinulak ni Yas.

            Pero hindi ko kayang gawin. Wala sa loob na dumampot ako ng juice sa nagdaang waiter. Pakiramdam ko ay nanunuyot ang lalamunan ko kaya dire-diretso kong ininom iyon pero pakiramdam ko ay sinunog ang lalamunan ko dahil ang init nang gumuhit sa lalamunan ko. Buti na nga lang at hindi ko iyon naibuga.

            "Ano ba 'to?" inis na tanong ko sa waiter at ibinalik ang baso sa tray na dala niya.

            "Sex on the beach, mam."

            "Anong sex on the beach?  Akala ko pomelo juice ano ba 'yan?  Nakakalasing ba 'to?" Tanong ko pa. Mapakla sa una pero ngayon tumagal parang masarap na sa after taste ko.

            "Hindi naman po masyado, mam."  Sagot nito tapos ay may iniabot na baso sa akin.  "Ito na lang, mam.  Mild lang po ito.  Tequila Sunrise," sabi ng waiter.

            "Sallie, huwag mo nang inumin 'yan.  Hindi ka naman sanay na uminom," saway ni Yasmin sa akin.

            "Juice lang naman 'to.  Saka masarap naman.  Matamis.  Tikman mo kaya," sagot ko at dire-diretso uling ininom iyon. Tama naman ang waiter. Mas hindi matapang ito. Masarap din. Konti lang ang kagat ng alak. Inubos ko ulit at muling humingi ng isang pa.

Maid for you (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon