Armel's POV
Walang masakit sa akin.
Normal na normal ako.
Ang masakit, 'yung makita ko si Rosey na excited maka-date ang ex-boyfriend niya. Doon ako nasasaktan.
Ako ang na-disappoint nang bigla na lang niyang yayain umuwi si Enzo. Halata namang nag-i-enjoy ang bata kasama siya sa pamamasyal. Halatang miss na miss siya tapos isang tawag lang ng lalaking iyon, kaya niyang ihinto lahat nang kasiyahan ng anak-anakan niya? Akala ko ba importante sa kanya si Enzo? Bakit parang hindi iyon ang nakita ko kanina?
Kaya naman kung may award ng best actor, siguradong ako na ang makakasungkit ngayon. Marunong pala akong umarte. Gusto kong tumawa nang malakas dahil talagang nag-aalala ang itsura ni Rosey habang inaalalayan ako. Talaga kasing sinasadya kong ipakita sa kanya na sumasakit ang tagiliran ko. Sisirain ko ang date nilang dalawa. Hindi ako papayag na sumama siya sa lalaking iyon. Kahit magpa-confine ako sa ospital ngayong gabi nang walang dahilan, gagawin ko.
"May kailangan ka ba? Tatawag na ako ng doctor," ramdam ko ang pag-aalala sa boses ni Sallie.
Ngumiwi pa ang mukha ko kunwari at umiling.
"H – hindi na. Magpapahinga lang ako. Padala na lang ako ng tubig," Kunwari ay bumuga pa ako ng hangin dahil sa tindi ng sakit na nararamdaman ko.
Kahit nag-aalala nakita ko naman ang frustration sa mukha ni Sallie. Kinuha niya ang telepono sa bulsa at nag-dial. Kunwari ay nakapikit ako pero ang isang mata ko ay nakatingin sa kanya.
"Patrick, I am sorry. I need to cancel. May emergency lang dito."
Napangiti ako. Effective ang drama ko. Nakita kong tinapunan ako ng tingin ni Sallie kaya mabilis akong pumikit at muling ngumiwi. Kunwari ay namamaluktot pa ako sa sobrang sakit na nararamdaman. Nagpaka-normal na lang ako nang lumabas na siya sa kuwarto.
-------------------
Sallie's POV
Maaga akong pinatawag ni Sir Rufus sa opisina niya. Naabutan ko siyang doon na kumakain ng almusal habang napakaraming papeles sa harap niya. Tingin ko ay dito na nakatulog at dito na nagpahatid ng pagkain. Ang alam ko ay gabi na sila dumating ni Miss Suzanne. Sasabihin ko sana sa kanila ang kalagayan ni Armel pero parang nahiya naman akong istorbohin sila. Ang sweet kasi nilang nag-uusap kagabi. Tingin ko may something sa dalawang iyon. In a relationship kaya sila pero secret lang? Iba kasi ang tinginan nila. Iba ang mga body language kapag nagdidikit. Pero si Miss Suzanne, sobrang professional niya sa harap ni Sir Rufus. Doon ako hanga sa kanya.
Nagpasya na lang ako huwag na lang sabihin ang nangyayari kay Armel. Nang balikan ko kasi ang lalaking iyon sa kuwarto niya para sa hiningi niyang tubig ay normal na ang itsura niya. Natutulog na lang. Sa totoo lang, nag-alala din ako kagabi. Biglang-bigla ang pananakit ng tiyan niya. Na-impatso kaya? Hindi kaya sanay kumain ng fastfood na pagkain ang pang-mayaman na tiyan? Mcdonald's naman ang kinain naming kahapon at alam ko, kahit ang pinakamayamang tao sa mundo ay kumakain naman doon. Isa pa, okay naman kami ni Enzo.
"Good morning, Sallie. Did you have your breakfast?" bati agad sa akin ni Sir Rufus ng makapasok ako sa office niya.
"Mamaya na lang, Sir. Nag – juice na rin po ako. Ginabi po yata kayo kagabi," agad kong inimis ang mga nakakalat na papel doon at isinalansan sa mesa niya.
Huminto sa pagkain ang matanda at marahang hinilot-hilot ang ulo ko.
"Those new buildings are giving me a hardtime. Ang dami – daming problema sa contractor," naiiling na sagot niya at humigop ng kape tapos ay tumingin akin. "Kumusta pala si Armel? Magkasama pala kayo kahapon?"
BINABASA MO ANG
Maid for you (COMPLETE)
RomanceDahil sa pag-ako ng responsibilidad, naging single mother si Sallie sa murang edad. Ang mundo niya ay umiikot lang sa kanyang anak - anakan at kung paano pa magiging maayos ang kanyang trabaho. Pero sa isang hindi inaasahang pagkakataon, nagtagpo...