Armel's POV
Pakiramdam ko ay huminto ang lahat at tanging si Rosey lang ang nakikita ko. She was like glowing while walking towards me. She was so elegant wearing a nude strapless long gown. He long black hair was free flowing, and it gave her the most seductive look. Her face was so clear with just a light make up, but she still looks so perfectly natural. It was like the first time that I saw her. So mysterious yet so godly beautiful.
Pero mabilis ding nagbago ang mood ko nang makita ko mula sa likuran ni Rosey ang Patrick na iyon. Gusto kong bitbitin sa kuwelyo at itapon palabas ng ballroom.
"I am so sorry, sir. Medyo traffic po kasi," iyon agad ang sabi ni Rosey nang makalapit sa lugar namin. Ngumiti siya kay daddy at hindi man lang ako tinatapunan ng tingin. Talaga si daddy lang? "Ito na po 'yung file na pinapakuha 'nyo," sabi pa nito at iniabot ang folder sa tatay niya.
"Thank you, iha." Sagot ni dad. Kung hindi ko lang tatay 'to talagang bibitbitin ko din 'to palabas. "How about the accounts that you are working on? Naayos 'nyo ba ni Patrick?"
"It's all taken care of, Mr. Fernandez. I can pick up Sallie tomorrow para sabay na kaming pupunta sa bank," sabat ng lalaking kasama niya.
"There's no need to pick her up. I can take her there." Sabat ko.
Shit. What did I say?
Huli na para mabawi ko pa ang nasabi ko. Ano ba naman ako? Bakit ko ba nasabi iyon? Nabubuwisit kasi ako sa daddy ko at nabubuwisit ako dahil dikit ng dikit ang Patrick na iyon kay Rosey. Hindi ko na pinansin ang pagtataka ng mga taong nasa harap ko. Nanlalaki din ang mata ni Rosey na nakatingin sa akin pero hindi naman nagsasalita.
"Are you sure, Armel?" Nangingiting paniniguro ni daddy.
Pero bago pa ako makapagsalita ay agad na akong inunahan ni dad.
"That is good to hear, iho. It's good that you can bring Sallie at bank tomorrow." Ang ganda ng ngiti ni dad at bumaling kay Suzanne. "See you around, son." Sabi pa niya at umalils na doon.
Walang imik naman na sumunod si Rosey at Patrick sa daddy ko. Naiwan kami doon ni Rex. Mabilis akong kumuha ng brandy sa dumaang waiter at inisang lagukan ko ang laman ng baso. Hindi ko iniaalis ang tingin ko sa lugar nila Rosey.
"What was that? Do you know her? Uncle's new personal assistant?" naguguluhang tanong ni Rext at sinundan ang tinitingnan ko.
"Fucking long story. Hindi mo din naman maiintindihan," tanging sagot ko.
"Hello, boys!"
Napabuga ako ng hangin nang makilala kong si Estelle ang lumapit sa amin. Ito na nga ang iniiwasan ko kaya ayaw kong pumunta sa event na ito. Sigurado kasi akong nandito rin ang babaeng ito. Sobrang kulit niya. Akala yata niya ay magkakaroon siya ng pag-asa dahil lang sa pinagbigyan ko siyang lumabas kami.
Agad na kumapit sa braso ko si Estelle at humalik sa pisngi ko.
"Estelle, huwag ka masyadong magdidikit kay Armel. Mainit ulo niyan," natatawang sabi ni Rex.
Nagtatakang tumingin sa akin si Estelle pero alam ko naman nagpapa-cute lang siya.
"Why baby? Are you tired? Kayang – kaya kong alisin ang init ng ulo mo." Lalo pa siyang dumikit sa akin.
BINABASA MO ANG
Maid for you (COMPLETE)
RomanceDahil sa pag-ako ng responsibilidad, naging single mother si Sallie sa murang edad. Ang mundo niya ay umiikot lang sa kanyang anak - anakan at kung paano pa magiging maayos ang kanyang trabaho. Pero sa isang hindi inaasahang pagkakataon, nagtagpo...