CHAPTER TWENTY-ONE

35.5K 1K 53
                                    

Sallie's POV

"Anak ni Mr. Fernandez 'yung dumating?"

            Wala ang atensyon ko sa mga sinasabi ni Patrick. Ang atensyon ko ay nasa labas ng kuwarto. Dumating si Armel at galit siya sa akin. Alam kong darating ang sitwasyon na ito pero sabi nga ni Mr. Fernandez, huwag ko daw intindihin ang anak niya. Si Mr. Fernandez daw ang nagpapasuweldo sa akin kaya walang karapatan si Armel na paalisin ako.           

            Hindi ko alam kung ano ang plano ng matandang Fernandez. Nagugulat talaga ako sa mga ginagawa niya sa akin. Binigyan niya ako ng trabaho. Ini-enroll niya ako sa isang personality development program kaya napakalaki na rin ng ipinagbago ko kahit dadalawang linggo pa lang akong naririto. Ipinamili ako ng maayos na damit. Dinala ako sa salon para mapaayos ang buhok at maturuan akong mag-ayos ng sarili. Ipina-schedule ako sa derma for facial, body scrub, nail and foot spa. Nakakagulat. Ipinakilala ako sa mga kakilala sa negosyo. Mga guests sa hotel noon na nakikita ko lang sa malayo. Lagi akong kasama sa mga meetings. Kaming dalawa ni Miss Suzanne. Isa din siya sa tumutulong sa akin. Ang totoo nga, tingin ko hindi naman ako kailangan dito kasi nagagawa naman lahat ni Suzanne ng mga trabaho para sa matanda.  Ang tangi kong ginagawa ay i-prepare ang mga maintenance medicines, ayusin ang schedules, gumawa ng mga madadaling reports.

            Tapos ngayon, nagulat pa ako ng biglang narito si Patrick na ex-boyfriend ko. Ito daw ang ka-meeting ko para ayusin ang bank problems ni Mr. Fernandez. Nakakalula ang mga perang naka-deposito sa bangko ng matanda. Ang daming numero.

            "Sallie."

            Gulat na napatingin ako kay Patrick. Two weeks ago lang kami nagkita uli nito matapos naming maghiwalay last year. Nagkasalubong lang kami sa isang mall. Hindi naman kami matagal mag-steady nito. Six months lang. Ako na ang pumutol sa relasyon namin dahil alam kong hindi naman niya matatanggap ang anak-anakan ko.

            "H–ha?" May sinasabi ba siya?

            Ngumiti siya sa akin. 'Yung ngiting halatang nagpapa-cute.

            "Sabi ko, kung iyon ba ang anak ni Mr. Fernandez," ulit niya sa sinabi kanina.

            Tumango lang ako at itinuon ko ang pansin sa binabasa kong dokumento. 

            "Mukhang mainit ang ulo," komento pa ni Patrick.

            "Tapusin na lang natin ito.  Marami pa kasi akong gagawin." Ayoko nang pag-usapan pa si Armel. Kaya ako nandito ay para magtrabaho.

            "Have you thought about it?  'Yung sinabi ko sa iyo kanina?"

            Taka akong tumingin sa kanya. "Anong sinabi mo?"

            "I am asking you out.  Kung busy ka tonight, kahit sa ibang araw.  You know, for old time sake," ngumiti pa siya ng matamis sa akin. Ewan ko ba. Dati natutuwa ako kapag ngumingiti ng ganito sa akin ang lalaking ito. Pero ngayon, naiirita ako. Parang feeling niya gustong-gusto ko na kaharap siya.

            Pilit akong ngumiti sa kanya.

            "Patrick, kung anuman ang nangyari sa atin noon, hindi na iyon mauuulit.  Saka, alam mo ang priorities ko.  Si Enzo lang at ang nanay ko." Inilatag ko pa ang ilang mga papeles sa harap niya para mahalata niyang gusto ko nang matapos ito.

            "You changed a lot.  The way you talk, the way you look.  Bobo lang ako at pinakawalan pa kita noon," nailing na natatawang sabi nito.

            "Ganoon talaga.  Ikaw din naman.  Hindi ko nga akalain na ikaw pala ang ka–meeting ko ngayon.  Manager ka pa ng bangko."

            Hindi sumagot si Patrick dahil bumukas ang pinto ng opisina. Si Mr. Fernandez ang pumasok. Kumakabog ang dibdib ko kasi baka kasunod din ng matanda ang anak nito pero nakahinga ako ng maluwag ng isara nito ang pinto.

Maid for you (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon