CHAPTER NINE

32.9K 893 17
                                    

Armel's POV

            Maaga pa lang ay tinatawagan na ako ni daddy.  Gusto niyang sumabay ako sa breakfast nila ni Estelle at ni Suzanne.  Lahat na ng klaseng pag-iwas ay ginawa ko na para hindi lang kami magkita.  I pretended to be asleep kahit na nga naka-prepare na akong umalis at umuwi sa bahay ko.  Sinabi ko na lang na may early meeting ako sa isang supplier para hindi na ako kulitin ni daddy.  Ang kotse ko ay ipina-diretso ko sa service door sa likod ng hotel para walang makakita sa akin.  Gusto ko na talagang mainis kay dad.  Sinabi ko na nga talaga sa kanya na ayoko kay Estelle pero talagang ang kulit niya.  Mukhang takot mamatay ng walang apo ang daddy ko.

            Kung hindi naman ako mapili sa babae, talagang good catch na si Estelle.  Puwede ko siyang iparada sa harap ng kahit na sino na hindi ako mapapahiya dahil she got good looks, good body and kahit paano ay may pangalan na rin sa commercial modeling.  But, tama ng natikman ko siya ng isang beses.  I don't want her to be in my life forever.

            Napabuga ako ng hangin ng marinig kong tumutunog na naman ang telepono ko.  It's dad again.  Ayaw na talaga niyang tumigil.  Ayoko na sanang sagutin pero alam ko naman na sasama ang loob niya kapag hindi ko siya sinagot.

            "Dad?" Pinilit kong maging masaya ang boses ko.

            "Armel, Estelle is really disappointed here.  Kagabi ka pa niya hinihintay pero hindi mo man lang hinaharap," mahinahong sabi ni daddy.

            Napatawa ako at napakamot ng ulo.  "I told you I have an early meeting today kaya hindi ako makakasabay sa breakfast 'nyo."

            "Kahit fifteen minutes?  Look, son.  Stop treating Estelle like this.  Nakakahiya naman-"

            "Dad, please stop playing cupid.  I know what you're trying to do.  I don't like it.  If you are worried that I am not going to get married, darating ako doon.  Wala pa lang ang babaeng gusto ko.  I haven't found her yet," putol ko sa sinasabi niya.

            "Paano kung hindi mo na matagpuan?  You're going to be single the rest of your life?  Kailangan mo ng successor, Armel.  Sayang ang mga negosyong ipinundar natin."

            "What are you worrying about?  Dad, I can manage our businesses kahit wala akong babae sa buhay.  I will be fine." Natatawang sagot ko sa kanya.

            Napahinga ng malalim si daddy.

            "Armel, don't be like that.  Mahirap ang nag-iisa.  Huwag mo akong gayahin.  I am just thankful that Suzanne never left my side kaya nagagawa kong magaan ang lahat."

            "Why don't you marry Suzanne?  Don't you like her dad?"

            Matagal bago sumagot si daddy.  Parang napaubo pa nga siya kaya natatawa na talaga ako.

            "I'll see you at home if you have time to visit me.  Date Estelle okay?"

            Tatawa-tawa kong pinatay ang call niya.  Si daddy talaga.  Kunwari pa.  Sigurado naman ako na mayroong something sa kanila ni Suzanne and it's totally fine with.  Sa totoo lang, mas gusto ko iyon at least I knew someone was taking care of my pop.

            Nakita kong nakaparada na sa tapat ng service door ang kotse ko.  Pasakay na ako doon ng may pamilyar na bulto akong nakikita na naglalakad.  Was that Rosey?  Yeah.  Si Rosey nga.  Just like what I saw her the last time, she was wearing a simple maong pants, blouse and flats.  Naka-sukbit sa likuran ang isang backpack.  Kung titingnan talaga mukha siyang hindi nanay and there was nothing grand about her kaya parang hindi ako maniwala that she can afford to stay in our hotel.  Oh, well baka ganito lang talaga siya.  Simple lang talaga siyang pumorma pero she was still well off.  Marami akong kaibigang ganoon.

Maid for you (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon