Sallie's POV
Naipagpasalamat kong hindi na rin naman ako inistorbo ni Armel dahil walang tigil ito sa kakatawag sa telepono. Pagkatapos ng isang kausap, tutunog na naman ang telepono at may kadiskusyon na naman siya. Mukhang busy at parang maraming trabaho na inaasikaso. Tingin ko nga ay talagang pinagbigyan lang niya ang tatay niya na pumunta dito ayusin ang dapat na ayusin. Maige na rin naman iyon naisip ko. At least wala itong oras na inisin ako. Sa loob naman ng plane ay magkaiba ang upuan naming at nang tingnan ko siya, natulog lang siya sa buong biyahe namin.
Nang makalapag ang plane namin sa Caticlan airport ay may naghihintay na agad na sasakyan para makarating kami sa pantalan. Pagdating doon ay may speedboat na naghihintay sa amin. Hindi pa rin ako iniistorbo ni Armel. Hindi nga siya masyadong dumidikit sa akin kasi tulad kanina, busy pa rin siya sa pakikipag-usap sa telepono. Okay naman iyon. Mas na-enjoy ko ang travel. First time kong pumunta dito sa Boracay at napakaganda talaga ng lugar. Totoo nga pala talaga ang sinasabi ng marami na parang Paraiso ang lugar na ito.
Nang makarating kami sa island ay dumiretso na kami sa hotel. May mga staff agad na sumalubong sa amin at inabutan kami ng isang baso ng juice na may payong at ikinuwintas sa amin flower lei. Diretso kami ako sa reservation area pero inunahan ako ni Armel. Tumabi na lang ako at pinauna ko na siya. Ayoko na rin namang magtalo pa kami.
"Reservation for Carmelo Fernandez," sabi nito at tinapunan ako ng tingin. Inirapan ko lang siya. Arte-arte. May pa-suplado effect pa ngayon.
"Sir, Carmelo Fernandez? I am sorry, but there is no room reservation under that name." Sagot ng receptionist habang nagtitingin sa kaharap na computer.
Kita ko ang biglang pag-iba ng mukha ni Armel. Sumeryoso ito. Napalunok ako. Ito ang itsura ng mukha niya noong malaman niya na niloloko ko lang siya. Nakakatakot kaya bahagya akong umatras palayo sa kanya.
"What do you mean I don't have a reservation? My secretary called me to confirm that. Check it again," dama ko ang iritasyon sa boses niya.
Alam kong kinakabahan na ang receptionist sa harap niya.
"Yes, Sir. But there has been a mixed up. We are fully booked for today because of the convention under Boulevard Suites hotel. There are also seminars for other companies. Marami po talagang na-bump off na guests na ipinadala na lang namin sa ibang hotel. Hindi namin inaasahan na mas marami ang delegates na darating," nanginginig ang boses ng receptionist habang nagpapaliwanag kay Armel.
Narinig kong mahina siyang napamura at dinukot ang telepono sa bulsa. Napangiwi ako nang marinig kong mataas na ang boses ni Armel sa kausap. Parang sekretarya niya ang pinapagalitan.
Sinamantala kong busy sa pakikipag-diskusyon si Armel kaya lumapit na ako sa reception.
"Eh miss, paki – check nga. Rosalia Ricarte. Under RCF Corporation," sabi ko.
Nag-check ang babae at malungkot na umiling sa akin.
"I am sorry, ma'am. But there is no reservation for that name too."
Napabuga ako ng hangin. Paano ba ito? Kinuha ko ang telepono ko at tatawagan ko si Rufus para ipaalam ang nangyayari ng biglang tumabi sa akin si Armel at muling hinarap ang receptionist. Tiningnan ko siya at bahagya na siyang kalmado.
"Just give me any available room. Ayoko ng uminit ang ulo ko," sabi niya sa receptionist.
"S – sir, all we have left is the Romantic Getaway package at the Premiere Seaview Room. It's for the newly wed na kinasal last night. They need to fly back to Manila because of an emergency. For now, 'yan na lang po ang available room namin." Sabi ng receptionist.
![](https://img.wattpad.com/cover/119622663-288-k126015.jpg)
BINABASA MO ANG
Maid for you (COMPLETE)
RomanceDahil sa pag-ako ng responsibilidad, naging single mother si Sallie sa murang edad. Ang mundo niya ay umiikot lang sa kanyang anak - anakan at kung paano pa magiging maayos ang kanyang trabaho. Pero sa isang hindi inaasahang pagkakataon, nagtagpo...