#Plano for Cool-off GF

5.3K 43 1
                                    

Sa hangout place namin.

"Ano ba kasi yun?" supladang sagot ng babaeng madaldal

"Di ba may utang ka sakin?"

"HEP!! sabi mo burado na yun"

"Sinabi ko yun?" yeah! I know sinabi ko yun. gusto ko lang magpaingay. hahah

"Oo kaya! gusto mo ilagay kita sa loob ng TV para maflashback natin" pilosopong sumagot tong babaeng to sarap tadyakan!! sana pala hindi ko na dineny!

"Aba loko kang babae ka!!! Kala mo hindi kita papatulan! Uupakan kita!" hinahawakan na ko ni Ian at talagang uupakan ko tong babaeng to!

"Eh di upakan mo! hindi mo naman kaya!!" nakaupo lang sya at nang-aasar pa!

"Hey! tama na nga yan di ba may pag-uusapan kayong proposal pag-usapan nyo na para matapos na" out of no where nagsalita na lang si Tom. Bihira lang naming naririnig na magsalita yan. Malamang sa malamang naiirita na yan sa bangayan naming ng Miss shotgun na to.

Umupo ako sa may bar counter. "Okay this is my proposal, kung hindi mo din naman ako mababayaran ngayon. Magiging date kita sa ball bukas."

"Huh?! Anong sabi mo?! DATE! As in D-A-T- E!" lumakad sya papunta sa harap at sumisigaw.

"Hoy! Babaeng para vulcanizing ang bibig! Wag kang assuming! Pwede??!! Sit down first! Before I explain to you why." Sumunod naman sya sakin yun nga lang with matching nguso pa. "I'm just using you okay? At dahil may utang ka sakin ikaw ang gagamitin ko para magselos ang ex-girlfriend ko. Actually hindi pa naman kami break cool-off lang. If hindi ka papaya bayaran mo na ko ngayon na."

"OO NA! SIGE NA! Kelan ba?!"

"hindi nakikinig sinabing bukas na nga eh!"

"Bukas?!! Eh may play kami bukas!"

"Ikaw kasali ka sa play? I'm sure yang hitsura mong yan hindi ka bida sa play at isa ka lang propswoman hahahaha" Pang-aasar ko sa kanya.

"Hindi nga. May ESP ka no? parehas kayo ng bestfriend kong si Cookie Bear."

"Cookie Bear boyfriend mo? Akalain mo yun may boyfriend ka pala " asar ko na naman sa kanya.

"Wala akong boyfriend no. I'm searching for my Cookie Monster."

"Ah! kaya pati Cookie Monster ko balak mong bilhin at sirain. ganun? kung bumibili ka na lang kaya sa Divi madami dun!"

"hindi naman kasi stuff toy. Tao ang hanap kong Cookie Monster. Basahin mo kaya yung Diary ng Panget ni haveyouseenthisgirl. Maganda yun. Baka makarelate ka pa? Ay wag na pala walang puso nga pala ang mga Bakulaw na Palito" lumapit ang mukha nya sakin "NA TULAD MO!!!!" biglang talikod! Naku magtitimpi na lang ako at pagnatapos na to. . ipapalibig ko yan ng buhay sa sa gitna ng SAFARI!

"Eh Sino si Cookie Bear?" bigla namang nacurious ang kabigan kong si Ian. Buti na lang talaga si Tom walang pakealam nakaheadset at nakikinig lang ng music sa ipod nya.

"Si Leslie Coros yung bestfriend ko."

O.O<-------- AKO!

O___________________O <----- Ian!

"Talaga? bestfriend mo sya." inakbayan sya ni Ian palayo sakin. I'm sure magpapatulong or magtatanong yan ng info about kay Leslie. Ang pag-iibig nga naman nagdudulot ng baliw sa bawat tao sa mundo.

Lumingon sakin si Shotgun

"Anong oras ang ball mo?"

"7pm pumunta ka sa bahay ha! ay hindi na pala sa bahay" nandun si Daddy ngayon hindi pwede "papasundo na lang kita sa driver"

Please find my own Cookie MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon