"GUYSSS!!! NANDITO SI PENNY!!" namamalikmata ba ko? si Kean ba yung nakikita ko na nauuna pumunta dito? tumingin ako kay Penny para sabihin na malapit na sila. Pero
"PENNY!!!" sigaw ko
lumapit na sakin sina Kean "Si Penny nasa bangin!" hindi ko na alam ang gagawin ko. nagmimix emotion na gusto ko na umiyak kasi ako yung kasama nya na gusto ko tumulong sa kanila sa pagkuha kay Penny na nakahang.
"Tom tutulong ako" tinanggal ko na ang jacket na binili ni Kean at ready na ko para bumaba.
"Hindi Leah hindi ka bababa pahiram na lang ng jacket mo."
Ibibigay ko na sana ang jacket ko kaya lang ibinalik sakin ni Kean "oh ito suotin mo yan. malamig ngayon."at hinubad ang jacket nya "ito na lang ang gamitin natin. Hoy Penny magpalaglag ka naman!"
"Babe shut up! I'm intense na! do something productive na mapapadali akong matanggal dito!" sigaw ni Penny
"Mas okay ata Peppy na sa campsite na muna tayo. Para hindi tayo makasikip sa kanila." hinawakan ni Cookie Bear ang kamay ko na nanginginig na sa sobrang kaba. Pumunta na kami sa campsite at nagstay sa tent namin. "Magiging okay din si Penny. Ano bang nangyari?" kinuwento ko sa kanya ang lahat ng nangyari samin ni Penny sa likod ng pinto. "baka naman yan yung surprise ni Penny kay Kean ang magpakahulog sa bangin hahah"
"hindi naman siguro. baliw ka talaga."
"hahah I'm just making this problem lighter"
Gumawa na si Cooke Bear ng apoy. gamit yung mga dalang patpat ng mga lalake. Laking bundok to eh. Lahat alam. nagluto na din kami ng noodles kasi yun lang naman yung nakita namin sa dala ni Cookie Bear. yun lang pala hindi sya marunong magluto kaya standby naman ako for her.
"YOU LEAH!!" pasugod si Penny samin ni Cookie Bear. Sinipa nya ang niluluto kong noodles para saming lahat.
Hinarangan sya ni Cookie Bear "hey you! ano bang problema mo?"
"My problem is your friend!! get out of way!!" sumisigaw si Penny at nakatingin lang sya sakin ng masama.
"okay I'll get out with my bestfriend. Tara Leah lumayo muna tayo sa safaring babaeng to!" hinawakan ako ni Cookie Bear sa balikat ko at naglakad palayo kay Penny. Ano bang problema ni Penny kanina lang close na close kami. Pero bakit ganyan na sya ulit?
Hinila nya ang buhok ko "you SLUT!! BAT MO KO TINULAK?!!" napahiga ako sa pagkakasabunot nya sa buhook ko. Inaawat na sya ng mga lalake at ni CB pero hindi pa din sya maawat awat. hindi ako makagalaw sa pagkakasabunot nya sakin. sinasampal sampal nya ko hindi ako makalaban. isa na ata akong mannequin na nakatingin lang mga nangyayari. "KAPAL DIN NG MUKHA MO NA ITULAK AKO!! GINAWA MO BA YUN PARA AGAWIN ANG BOYFRIEND KO SAKIN!! KAPAL MO!!" sinasampal pa din nya ko. Bakit ganun manhid na ba ko at hindi ko na nararamdaman ang mga sampal nya sakin.
"Penny!! STOP IT !!" sigaw ata yun ni Kean pati ang pandinig ko lumalabo na. "Hindi ka ba titigil ha!!" isang higitan lang nya si Penny na nakapatong sa ibabaw ko. "kanina ka pang umaga! hindi ka ba titigil kay Leah!! HA!!" hawak hawak nya ang kaliwang kamay ni Penny. nakahiga lang ako sa damuhan, pinipilit kong tumayo pero hindi ko magawa. isang truck ata ng bigas ang nakapatong sakin.
"Inaagaw ka sakin ng SLUT na yan!!" nagsisigawan pa din sila.
"SLUT?! sino ngayon ang slut sa mga pinaggagawa mo? Ano bang nangyari ha?! kinakausap ka namin nina Tom hindi ka naman sumasagot" at sinugod mo na lang sina Leah na nagluluto!
"I'm just preparing a surprise for your birthday!! I asked her a favor na kung pwede tulungan nya ko. But she regret it. I beg to her pero tumawa lang sya at TINULAK NYA KO SA BANGIN!!" ha?! ano yung pinagsasabi nya? hindi totoo yan.

BINABASA MO ANG
Please find my own Cookie Monster
Teen FictionIto ay para lang sa mga hibang kay COOKIE MONSTER or mas kilala bilang Cross Sandford sa Diary ng Panget. Hindi ito Fanfiction ng love story nila. Ito ay based sa real life situation ng milyong milyong readers ng story na yun. Lahat ng Eyoss Fan ay...