Point of View ng Gurang na TATAY ng BAKULAW!

4.3K 38 10
                                    

Kung sa tingin ako ang bad guy dito.

Pwes! Nagkakamali kayo! Dahil isa lang akong loko – lokong tatay at maasunuring asawa sa mahal ko.

*flashback

Pumasok ang kinahihibangan kong asawa sa kwarto na tawa ng tawa.

“Oh… Bakit ka tawa ng tawa? Nakakatawa na ba ngayon PES ng 25 years mong asawa?” tumabi sya sakin at niyakap nya ko habang nakatapat sakin ang laptop.

“No Hon gwapo ka pa din simula nung kinasal tayo at hindi pa din nagbabago ang hitsura mo at kahit ano mang tumubo syan sa mukha mo kahit wrinkles pa yan ok lang gwapo ka pa din.”

“Sus binola mo pa ko. Eh bakit nga?”

“Tantanan mo muna ang business at may business tayong kelangan pag –usapan about sa anak natin.” Inilagay ko muna sa tabi ko ang laptop.

“Oh ano yun? About na naman yank ay Kean no? Nabalitaan ko na naglasing yang batang yan.”

“Yes Hon naglasing sya but in a good reason” kelan pa nagkaron ng good reason ang paglalasing. Ang asawa ko talaga oh.

“Oh bakit?”

“I really need your strict mood doing this plan.” Eto na naman po kami eh. A-acting na naman kami ng wala sa oras alam naman nyang madali akong mabuko sa mga ganyan.

“Hon naman eh… Pwede pass muna ako dyan.” Nagpeplease na ko sa kanya.

“nako hon. Kung hindi mo ko tutulungan dito. Hindi kita tatabihan for this whole year.” Naku naman!

“Hon naman!”

“Pumayag ka na kasi.”

“Eh ayaw ko nga!”

“bahala ka!” tumayo na sya at kinuha ang unan nya. Wag nyang sabihin na seseryosohin nya yun. Dyosme naman!

“Hon naman eh” pinipigilan ko syang lumabas ng kwarto.

“Oh papayag ka na?”

“Oo na.. Pasalamat ka hindi kita matiis. Nakakainis talaga to” niyakap nya ko ng mahigpit.

“Thank you Hon.” Humiga na ulit kami sa kama.

“Ano ba kasi yun?”

“May babae kasi sa room ng anak natin”

“Ha! Babae?!! Anong ginagawa ng babae sa kwarto ni Kean?!”

“Relax Hon… Chill” sinong hindi magchichill sa mga sinabi nya. May babae sa kwarto ng anak ko baka kung ano – ano na ang ginagawa nun.Putris susugudin ko yung batang yun! “Hon Relax okay? Hinatid lang nya si Kean kasi lasing na lasing tapos umulan pa kaya pinatulog ko muna sya dun.”

“Sa kwarto ng anak mo?!” ngumiti lang sya sakin. “nako naman! Rose! Ikaw naman pala ang salarin. May guest room tayo bat hindi mo sya dun pinagstay?!”

“Artemio RELAX OKAY?!! Mukha naman syang matino. Let’s see na lang bukas ng maaga” natulog na sya. Pero hindi talaga ako makatiis baka kung ano anon a ang ginagawa nung mga batang yun.

Dahil hindi nga ako makatiis dahan dahan akong bumaba ng kama nung narinig ko nang humihilik ang asawa ko. Yes maganda sya kaya lang pagtulog na matuturn off ka na hahah. But for me that sound is a music.

Dahan – dahan akong naglakad papunta sa kwarto ni Kean. Binuksan ko ang pinto at nakita ang babaeng nakasuot lang ng malaking shirt na papalapit sa anak kong nakahiga sa kama nya. Aba umupo sa tabi! Teka nga! Papasok sana ako sa loob kaya lang

Please find my own Cookie MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon