<Peppy’s P.O.V>
Inuwi na ko ni Tom sa bahay namin ng basa – basa. Iuuwi nya dapat ako sa bahay nila kaya lang hindi ako pumayag. Buong gabi kaming magkasama ni Tom na walang imik. Hindi ako maingay ng gabing yun ang sama ng loob ko. Nasa huli talaga ang pagsisis sa pag – attend sa party nay un. Kung alam mong masasaktan ka wag ka ng pumunta lalo ka lang masasaktan pagnakita mo syang may kasamang iba.
“Leah… Ang init mo” hinipo ng tita ko ang ulo “Ang taas ng lagnat mo. Dadalhin na kita sa hospital”
“Wag na tita okay lang ako” nanghihinang sabi ko sa Tita ko
“Hindi dadalhin ka na namin sa hospital! Wag ka ng mapilit”
“Iinum na lang ako ng gamot okay lang naman ako eh. Promise”
“Hindi Leah 40 degrees ka na! Tara na” tumayo na agad ako at nagagalit na sya. Ayaw ko sa hospital takot ako sa turok! Kaya dito na lang ako sa bahay okay lang naman ako eh.
Nahihilo ako habang pababa ng hagdan. Gugunaw na ata ang mundo. At dinadamayan ako sa nararamdaman ko.
BOOOOOOOOOGGGGGSSSSSSHH!!
“Leah!! Leah!! Leah!!” pahina na ng pahina ang boses ng Tita ko. Hanggang sa wala na kong marinig.
Naramdaman kong tinutulak ako ng mapakabilis yung tipong nakikipagracing.
“Leah gumising ka na…” naririnig kong umiiyak na ang tita ko. Babangon sana ako para sabihin sa kanya na okay langa naman ako as always kaya lang may humawak sa kamay ko na nagpamulat ng mga mata ko. At nakita ko ang isang babaeng may hawak na injection at ready na itusok sa kamay ko.
“Tita!!” sigaw ko habang umiiyak.
“Leah” lumapit sya sakin.
“Tita ayan na naman oh!!” tinuro ko ang injection na hawak hawak nung nurse ata yun. Nakita ko ang mga tao na natatawa sa reaksyon ko.
“Okay lang yan” niyakap nya ko “kagat lang yan ng langgam okay? Tingnan mo na lang yung cute na batang yun. Ang brave brave nya tapos si Leah na mas matanda umiiyak dahil sa injection”
“Eh kasi Tita ang lake nung injection.. AAhhhhhhhhh” tinusok na nung nurse ang injection! Langhiya talaga tong babaeng to walang sabi sabi! Umupo na ko sa wheelchair kasama ang dextrose. Nanghihina akong humiga sa hospital bed.
“Leah uuwi muna ako. Walang kasama ang pinsan mo sa bahay. Babantayan ka naman ng mga nurse dito. Babalik din ako bukas” tumango na lang ako kay tita.
<Kean’s P.O.V>
This is my first day with my love black eye!! Love it! Kaya naman nakashades na naman akong pumasok sa school
“Wow dude daing mo pa ang anak ng Presidente sa dami ng body guards mo ah hahaha” Asar ni Ian habang papasok ako ng school
Hindi umiimik si Tom
“Uupakan kita dyan!” Inis na sabi ko sa kanya
“Hi honey…” may humawak na lang sa braso ko. Honey honey! Paksyet ka!!
“Woow now I know kung bakit may madaming body guards”
“Bitawan mo nga ako!!” tinanggal ko ang pagkakahawak nya sa braso ko “Allergy ako sa’yo kaya wag lalalapit!! Makakaron ako ng ruches dahil sayo eh” Iniwan ko na lang sya kasama ang barkada ko. Nauna na kong pumasok sa room.
Humiga na lang ako sa cabinet malapit sa bintana. Thanks you na din at hindi ko classmate ang Stalker kong yun!
“Dude talagang nakabuntot sayo yung mga yan no?” bulong ni Ian

BINABASA MO ANG
Please find my own Cookie Monster
Teen FictionIto ay para lang sa mga hibang kay COOKIE MONSTER or mas kilala bilang Cross Sandford sa Diary ng Panget. Hindi ito Fanfiction ng love story nila. Ito ay based sa real life situation ng milyong milyong readers ng story na yun. Lahat ng Eyoss Fan ay...