This is it! This is really iz it iz it na talaga!!

4.3K 35 2
                                    

<Hindi ko mapigilan ang pagtatype kasi kanina ininterview ako tapos pagpasok na pagpasok ko sa office. Kung pwede lang magmura mapapamura ako ng wala sa oras. hahaha Hindi ko muna pinansin ang nakasabit kaya lang hindi ko talaga mapigilan na tumingin sa kanya kaya habang iniinterview ako nakatingin ako sa COOKIE MONSTER NA NAKASABIT SA MAY BINTANA NG OFFICE NYA!! SYET!! AKIN KA NA  LANG!!>

<Peppy’s P.O.V>

Sumabay ako kina Cookie Bear at KUYA Jiggs after ng kasal kasalan ni Bakulaw at ni Dorottie. Hindi ko alam kung maniniwala ako sa bakulaw na yun about sa mga pinagsasabi nya dun sa kasal. Play lang ata yun para hindi matuloy yun kasal nya. Abnormal talaga yun?! Hindi manlang ako sinabihan na may ganung plano pala sya!

Ang KUYA Jiggs ko naman at sina Cookie Bear kung makangiti lampas gilagid! Kitang kita lahat ng ngipin!

After nya sabihin na ‘DALDAKINA I LOVE YOU!!’ parang gusto ko maniwala sa mga pinagsasabi nya kahit nabibingi ako nung mga panahon na yun.

“Tita aalis na po ako” nagpaalam na ko sa Tita ko na nasa CR

“Okay sige wag ka na pating babalik!”

“Oho! Hindi na ho ako babalik mamaya na lang ulit gabi!!”

Lumabas na ko sa bahay at naghintay na sa jeep na sobrang tagal kung dumating.

Nagsisink in pa din sa utak ko yung mga sinabi nya. Ano ba yan hindi matanggal tanggal? Alam ko naman na jafake lang yun at imposibleng mangyari sakin yun. Hello?!! This is a real life situation?! hindi to novel na mangyayari ang gusto ng author! Syet naman! sana totoo na lang!

BEEEPPP!!! BEEEEEPPP!!!

 "Tae naman ng kalabaw oh! Bwisit na kotse to ah! Na nanaginip ng gising ang tao tapos bubusinahan mo! Ahhhhh!!"

<Kean’s P.O.V>

Kanina pa ko sa labas ng bahay nila at hindi pa din sya lumalabas ng bahay! Ang tagal naman nun! Kanina pa ko dito baka malate nay un sa 1st subject nya. Ako kasi okay lang na na hindi ako pumasok tinatamad ako sa subject nay un history. Boring! Kanina pa kong 6am dito sa side ng bahay nila pero hindi pa din sya lumalabas kahit magkuquarter to 8 na! Pasukin ko na kaya yun sa bahay nila? Baka hindi pa yun nagigising or baka naman may sakit na naman yung babaeng yun? Yung babaeng yun wala ng ginawa kung hindi pag-alalahanin ako!

8am na at sa wakas na kita ko na din syang lumabas ng lungga niya. Hindi sya napapatingin sa side ko. Wala manlang pakealam sa kagwapuhan ko ngayong araw na to! Nakatingin lasng sya sa langit at parang may iniisip.

BEEEPPP!!! BEEEEEPPP!!!

 "Tae naman ng kalabaw oh! Bwisit na kotse to ah! Na nanaginip ng gising ang tao tapos bubusinahan mo! Ahhhhh!!" gulat na gulat sya sa pagkakabusina ko sa kanya. Hahaha expression na nya talaga ang Tae ng kalabaw? Haha probinsyana! Nakatalikod lang sya sakin na nakasandal sa tabi ng kotse ko. Hindi ko mapigilan na tumawa sa expression nya. Abnormal talaga tong Daldakina na to! Magmuni –muni ba habang naghihintay ng sasakyan.

“Ano naman ang minumuni – muni mo dyan?”

“Yung nangyari kaha---” napatigil sya sa kung ano mang sasabihin nya. Napatingin sya sakin at parang nakakita ng gwapong multo hihihi. Ako lang ang nag-iisang gwapong multo if ever na mamamatay ako. Pero isasama ko sya. Walang iwanan pagpartners in crime ^____________^ “Ba--- BAKULAW???!!! Anong ginagawa mo dito?!”tinuturo nya ang aking kagwapuhan at may urong effect pa sya na nalalaman. Hahaha

“Sinusundo kita.... tara na!” nakayuko lang ako sa kinatatayuan ko at kitang kita ko ang lobing lobing ng mga grasshopper. Pati ba naman insects may lovelife!!

Please find my own Cookie MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon