The next day lumabas na din ako sa hospital. Dahil daw sa nagbabantay sakin every night lalo daw ako gumagaling. Pero paggumigising naman ako wala ng tao at may Yakult with straw na sa desk.
Wow may secret admirer ba ko? Magpakilala ka na? hihihi Kung pwede lang manggamit ng tao para pagselosin ang Bakulaw na yun. Ang malaking tanong magselos ba naman kaya? Haaaaaaaaaaaaayyy!!
Tapos na ang class namin. Naisipan ko munang pumunta sa park na malapit sa school naman. Remember nung nanuod kami ni Tom ng fireworks dun kaya lang konti ang tao ngayon wala naman kasing event dito ngayon. Umupo muna ako sa bench sa ilalim ng malaking puno na may orange ang dahon sabi kasi nila caballero daw ang tawag sa punong to.
Dahil solong solo ko ang bench tinaas ko na ang paa ko. Wala naman masyadong tao kaya okay lang yan. Wala din namang magtatangkang manilip sakin tadyakan ko lang mga mukha nila pagginawa nila yun.
Nakatingin lang ako sa langit ang ganda nagiging orange ang kulay ng langit dahil maggagabi na. Papagabi na lang muna ako tinatamad pa ko umuwi eh.
“Leah?” ako ba yun? Madami naman atang Leah dito sa mundo baka hindi ako yun. Hindi na lang ako lumingon at patuloy lang ako sa pagtingin sa langit.
“Leah!!” naku naman! Ang tanga naman ng tinatawag nun hindi lumilingod. Kung ako yun lumingon na ko kanina pa.
“Hey you LEAH!!” malapit na yung boses at kilala ko yun ah! Pero imposible yun?! Pupunta dito sa park? ASA!! Baka sa mall pa yun pumunta kesa dito.
Nilapit nya ang mukha nya sa mukha ko.
“AAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHH!!! BRUHAAAAAAAAAAA!!!” lumayo ako sa kanya at nagsisisigaw
“Are you stupid or what? I need to talk to you come here.” Umupo sya sa bench with poise na inuupuan ko kanina. I need to talk to you?? Weh?? Asa!! Baka patayin mo na ko paglumapit pa ko sa’yo
“he he he Penny itxt mo na lang dito na lang ako” ayaw ko na lumapit sa kanya na dala na ko. Baka pag – upo na pag –upo ko dun bigla na lang tumapon sa ibang lugar ayaw ko na.
“hahaha Leah natatakot ka sakin. I promise I won’t do that again. I promise” ayaw ko na… umiling na lang ako sa kanya. Palapit na sya ng palapit sakin at palayo naman ako ng palayo sa kanya. “Leah tama na napapagod na ko sa paghahabulan natin eh.. I need you okay” umupo kami sa bench pareho na kaming pagod na pagod.
“bakit naman? Ako pa kaya mo na yan.”
“No.. I really need your help. We need to collaborate.” Ano tayo Jamich at Marcelo Santos III? Magkocollaborate ng video? NOOOO!!
“Bakit?”
“Kelangan mo akong tulungan makuha si Kean sa babaeng yun”
“Ayaw ko nga! Penny fiancé na kasi nya yun wala na tayong magagawa… I mean wala ka na palang magagawa” Hindi ko na nga pinagpipilitan sarili ko tutulungan pa kita! Baka iset up mo na naman ako ayaw ko na talaga.
“Promise ako ang bahala sayo. Nagselos lang naman ako kayak o nagawa yun Sorry.” Nakayuko lang sya. Nakakaawa naman si Penny
“okay lang yun. Wag mo ng uulitin ha. Muntik na kaming mamatay ni Tom” hinawakan nya ang dalawang kamay ko at napatayo ako sa sobrang excited nya nagtatatalon kami sa gitna ng park na to.
“So tutulungan mo na ko. Please Leah hindi ko kaya to mag –isa pati kasi mga body guards ko ayaw ako tulungan. Please..” ang cute ni Penny hihih natotomboy ako sayo hahah
“Sige na nga. Pero siguraduhin mong hindi tayo mapapahamak sa plano mong yan ha”
“Yeah!! I promise!!” tinaas nya ang kanang kamay nya na tuwang tuwa. “tara pag –usapan natin to sa bahay”
“he he he wag na dito na lang” wala akong kawala sa bahay nila pag dun pa namin pinag –usapan ang plano kung dito naman makakatakbo ako sa pulis kung papataayin ako nito.
“Leah wala ka pa din bang tiwala sakin” WAAAAALLLAAAA eh!! “paano malalaman kung sincere ako kung hindi ka sasama sakin tara na” hinala nya ko papasok ng kotse nila.
Dinala nya ko sa isang napakalaking bodega, kinulong nya ko sa isang malaking dram at pinagsasaksak. Binuhusan pa nya to ng simento at tinapon sa Manila bay.
Joke lang!!! hahaha
Pumunta kami sa malaking bahay. Pumasok kami sa isang malaking kwarto na color pink ang wallpaper. Halatang halatang girl na girl ang may ari ng kwarto. Un among makikita ang sala at isang malaking tv pagtumingin ka naman sa kanan mo makikita mo ang kama at tv na naman na sa tabi nun may dalawang malaking cabinet.
Umupo kami sa sala ng kwarto. Letche patingin tingin lang ako sa kwarto nya habang kumukuha sya ng maiinum?!! MAIINUM?!!! Hala baka may lason yun?!! Or baka naman napapraning na naman ako?!!
“Leah…” dala –dala nya ang isang tray na may dalawang orange juice. Inilagay nya ang isang orange juice sa tapat ko. Letche!! Ano ba kakainin ko ba ang cookies na nasa tapat ko? Iinimun ko ba ang juice na nasa tapat ko? Nagugutom pa naman ako. “let’s eat..”
Hindi na lang ako tumitingin sa pagkain para hindi nya ko mabiktima. “Ahmmm Penny anong plano mo?”
“Ahmmm wala pa eh hehehe Ikaw ano ba naiisip mo?” Ako pa tinanong nito. Wala nga akong alam eh
“hahah wala eh.. ikaw na magaling ka naman sa mga ganyang bagay”
“Ahhh alam ko na” siguraduhin mo lang na matino yan. “sabi kasi nina Papa at Mama na magdedate daw si Kean at yung hayop na babaeng yun sa isang resort bukas kaya pupunta tayo.” Walanjo naman kung makapag –isip to si Penny ang bilis. HA?!! Pupunta kami?!! Kakapasok ko pa lang! hindi ako pwede!
“Ahhh Penny kakapasok ko lang kasi kanina kaya hindi na ko pwede umabsent ulit.”
“Ahhh ganun ba? Akong bahala kumain ka na hindi ko yan nilagyan ng lason wag kang mag-alala.” Ngumiti sya sakin. Alam na alam na ni Penny ang iniisip ko ah! Galing! Talino nga!!

BINABASA MO ANG
Please find my own Cookie Monster
Teen FictionIto ay para lang sa mga hibang kay COOKIE MONSTER or mas kilala bilang Cross Sandford sa Diary ng Panget. Hindi ito Fanfiction ng love story nila. Ito ay based sa real life situation ng milyong milyong readers ng story na yun. Lahat ng Eyoss Fan ay...