SPELL DATE ----- S- A- B-A-W

4.3K 31 2
                                    

"Leah date tayo. Kahit san? san mo ba gusto? gusto mo ba sa factory na lang tayo ng yakult pumunta? oo nga pala flowers para sayo sana favorite mo tong nabili ko. AAAAAAAAAAAHHHHH!!!! mali mali eh!! Hindi kasi dapat ganyan!" nasa tapat ako ng salamin nagsasalitang mag-isa sa CR "Okay ulit!" huminga ako ng malalim "Leah can I ask you out? Let's have a date. last day is a mess I really like you actually no I love you na nga eh. Please say yes. PERPECT!!!"

"PERFECT TALAGA!!!" sino yun?

Lumabas ako ng CR at nakita sina Mommy, Fiona at ang gurang kong tatay na nakiking sa pinto. PUTAENA!!!!

"he he he Hello Kuya"

"LAYAAAAASSS!!!" bwisit na mga yun! tumakbo sila palabas ng pinto ng kwarto ko. Langhiya naman oh! nahuli na nila yung script ko mamaya! TSK!!

i-text ko kaya yun para hindi ko na ko magsasabi ng kung ano ano sa kanya.

tama!! tama yun!

text message for Daldalita

"Hoy Daldakina magkita tayo mamaya after class okay!! wag kang malelate uupakan kita!! sa labas coffee shop. Bye!"

wala manlang reply!! After 30 minutes wala pang reply!! wala ba syang load! Grrrr!! Hindi ko alam kung pupunta sya or hindi! Magtext nga sya!!

Punyemas hindi na ko makatiis tatawagan ko na nga!

Ring!

Ring!

Ring!

Ring!

tagal naman sumagot nito! May pasok ba? napatingin ako sa phone ko. Syemay!! friday pala ngayon! May pasok! We'll okay lang yan tinatamad ako

Ring!

Ring!

Tagal!!

Ring!

"Hello"

"Bat ang tagal mong sumagot?!"

"Bakit ba?! nasa byahe na ko papasok bakit ba?"

"Alis tayo bukas!"

"Kelangan sumigaw! bakit?"

"basta!! Kelangan may reason para lumabas!"

"Di ako pwede may quiz pa kong kelangan habulin. Ang dami ko ng absent baka hindi na ko makagraduate nyan"

"Sige na nga!! Bukas ha! magreply ka kasi!"

"oo na!! bye!! wag kang tatawag"

"bakit?! may kasama kang iba no?"

"syempre"

"Sino!! gagu ka ah!!"

"kung makamura wagas! nasa jeep ako malamang may kasama ako! sige na babye masnatch pa yung phone ko!"

"hindi yan masnatch kakarag karag na yan!"

"kapal mo! Bye!" pinatayan na nya ko ng phone. Napahiga na lang ako sa kama ko. Ano na ang gagawin ko?

<Peppy's P.O.V>

Ang daming alam nung Palitong Bakulaw na yun. Malamang may kasama ako nasa byahe nga di ba? ay Bobo! 

*flashback

"Eh kasi son meron pa. Hindi din totoong stalker si Dorottie" tinuro nya si Dorottie na nakatabi ni Fiona. Ngumiti sya samin "We asked her parents permission na kung pwede magpakasal kayo if hindi ka pa nagcoconfess kay Leah na mahal mo sya mag-iinvest tayo sa company nila ng 50%. So nagconfess ka naman the day ng wedding walang investment na mangyayari. She's here to clear everything and of course she also had a boyfriend na. To make the story short lahat ng nangyari this past few day is just a drama at hinihintay ka lang talaga namin na magsabi ng i love you Leah  and sinabi mo nga" kinikilig na sabi ng Mommy nya. Natameme ako nung narinig ko yun hindi ako makagalaw na ewan.

Please find my own Cookie MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon