<Peppy's P.O.V>
Matatapos na naman ang Friday at wala pa din akong natatapos na Korean drama. Tinatamad ako gumalaw hindi pa nga ako naliligo eh hahaha. Sabi nila Tita if hindi daw nagpapalit ng underwear tatayo daw yung mag-isa. Pero hindi ako naniniwala sa mga ganun hindi ako maliligo kahit abutin pa ko ng 2 or 3 days! hahaha Inaatake na naman kasi ako ng KATAMS eh.
Nakaupo lang ako sa sala at nanunuod ng Dream High. Syet! Kelangan ko ng tawagan si Cookie Bear. Nasan ba yung phone ko di bale na nga lang yung landline na lang ang gagamitin ko ito na yung malapit eh.
Ring! RIng! Ring!
"Hello"
"Hello Cookie Bear?"
"Peppy! Alam mo ba?"
"huhuhuhuh!!! Cookie Bear!" umiyak na ko sa phone
"oh bat ka umiiyak?"
"Si Sam Dong slash Marco dito satin he has a loss of Hearing Waaaahhhh!! huhuhu"
"Nasan ka ba?"
"Nasa bahay huhuhuhu"
"Tahan na Peppy okay lang yan wag mong iyakan si Marco"
"huhuuh!! Cookie Bear alam mo ba ang gandy nung line nya 'kung sasagutin ba nya ko makikinig ko ba?' huhuhuh Syet lang Cookie Bear"
"Tahan na okay lang yan. Anyway si Kean kausap ko galit ata"
"Eh ano naman ngayon? Lage naman yang galit at menopause!"
"Hindi kanina ka pa daw nya tinatawagan hindi ka daw nasagot wait mausap kayong dalawa" huwow napakaresourceful talaga ng bestfriend ko magaling magconnect connect ng kung anek anek "patay pinatayan na ko ng phone" napakawalang galang talaga ng lokong yun!
"Sige na Cookie Bear bye na manunuod na ulit ako."
"Sige bye wag masyado kadibdibin may likod ka pa hahaha"
"Yeah I know" binaba ko na agad ang phone
Alam kong TAECZY fan ako (Taecyeon and Suzy) pero tulo uhog ko sa episode na to! Langhiya ka Sam Dong bat nabingi ka pa kasi eh! Kasalanan to lahat ni Angeline!! Hmmmm!! Hmmmm..!!!
Nakabaliktad akong nanunuod ng T.V
"Ahuhuhuhu... Chhhuuuuu" suminga ako sa tissue na nasa harap ko lang habang nakabaliktad "Ahuhuhuh Sam Dong ikaw na talaga! Wag ka na magalit kay Hye Mi huhuhu" Todo emote pa din ako sa panunuod ko ng dream high.
ng biglang
May naramdaman akong malamig na hangin.
Baka dumating na sina Tita galing sa province at binuksan ang aircon. Deadma lang continue sa panunuod ng Dream High.
Teka wala kaming aurcon ah! Bakit ang lamig?!
May naramdaman akong umupo sa tabi ko
Nuod pa din ako ng Dream High! WAPAKELS!! A-anuhin ka ba naman ng multo? Wala naman silang gagawing masama except lang kung hihingi sila ng tulong sayo. Bahala sila hintayin nila kong matapos tong pinapanuod ko! Busy ako! Busy! Later ko na lang sila ieentertain pagtapos ko na to! malapit na kaya ako sa ending. Wait na lang
Subukan lang nila akong guluhin sa panunuod ko ihahagis ko sa kanila to sofa na inuupuan ko!
(¬‿¬)
Back to business K-pop Drama
ulitin ko nga yung favorite part ko
"Kung sasagutin ba nya ko makikinig ko ba sya?" ang ganda talaga ng line na to super love it! and also you Kim Soo Hyun ans especially you Taecyeon but wala ng tatalo pa sa sakin ay este sa ating labidabbie na si CROSS SANDFORD the Cookie Monster.
![](https://img.wattpad.com/cover/1260060-288-k433828.jpg)
BINABASA MO ANG
Please find my own Cookie Monster
Teen FictionIto ay para lang sa mga hibang kay COOKIE MONSTER or mas kilala bilang Cross Sandford sa Diary ng Panget. Hindi ito Fanfiction ng love story nila. Ito ay based sa real life situation ng milyong milyong readers ng story na yun. Lahat ng Eyoss Fan ay...