<Peppy's P.O.V>
Nagbabike ako ngayon may inuutos kasi si Tita na bilhin sa palengke. Ang layo pa naman ng palengke dito samin. Buti na lang ang ganda ng buhok ko ngayon kulot na kulot pati bangs kulot. Napagtripan kasi ako ng tita ko kagabi ibebraid daw nya ang buhok ko yung malalake daw na braid para daw kamukha ko na si rapunzel. Kaya ayan pakagising ko tinanggal ko na agad ang braid na to kaya waaaalllaaa!! ang ganda ng kulot. At dahil dyan hindi ako naligo para maintain ang kulot kong buhok. Matagal ko na kasing pinangarap na kumulot ang buhok ko eh hihihi. Kaya naman ang damit ko kung ano pa yung pinasuot sakin ng Palitong Bakulaw yun pa din ang suot ko buti na lang walang pasok hindi ko makikita ang pagmumukha nya. Let me explain kung bakit walang pasok. Kasi daw may irerenovate na building sa school kaya walang pasok kaya maligaya na naman ang buhay ko. Pati malapit lang ang school namin ng Bakulaw kaya hindi imposible na magkita kami nun.
-------------------------------------------------------->> ang braid kong buhok at ang buhok ko ngayon! DANDA NO?!!!
Malapit na ko sa palengke kaya naman dumaan na ko sa isang eskinita na konti lang ang dumadaan para diretso na ko sa suki ni tita. Bawal kasi dito ang bike at kung ano pa mang sasakyan. Walang tamad kasi dito sa lugar na to. Ako lang naman ang nag - iisang tamad dito. Ang lake lake kasi ng palengke na to kaya nakakatamad maglakad pati ang sakit pa kaya ng ulo napadami ata ang inum namin ni Tom sa bar na yun ah.
"Manang pabili nga ho ng CUCUMBER<KUKUMBER> "
"Hindi ako manang no? Miss pa ko!" Sorry naman mukha ka kasing matanda sa kapal ng make-up mo sa mukha!
"Pabili ng KUKUMBER." binigay ko sa kanya ang cucumber na gusto ko
Habang nilalagay nya sa paper bag ang cucumber na binili ko tinatawanan ako ng LINTIK na manang na to
"Anong nakakatawa?!"
"KUKUMBER!! Cucumber hahah"ang arte ng pagkakapronounce ang arte ikaw na!
"eh di cucumber. Masaya ka na?! akin na nga yan! at dahil napasaya kita tawad na! 50% discount hahah" binigay ko sa kanya ang kalahati ng bayad ko ng hindi pa sya nakakasagot
Sumakay na ulit ako sa bike. Paksyet! malay ko ba kung ano tamang pagkakapronounce nun! Ahhh nakakainis ang Bobo!
Dumaan ulit ako sa eskinita na dinaanan ko para hindi ako mahuli ng Bantay patrol ng palengke. Napaurong ako sa nakita ko. Nakita ko si Palitong Bakulaw na naninigarilyo katabi ang madaming sirang box. Nakared syang polo shirt at pants. Putek! Alam kong baliw to pero hindi ko akalain na maninigarilyo sya! ahhhh!! Nilapitan ko sya at kinuha ko agad ang sigarilyo na hithit -hithit nya.
"Hey!" napatingin sya sakin at gulat na gulat ang mga mata nya.
O__________O
"Problema mo bakulaw ka---!"
"Problema mo din daldakina! bat mo kinuha sigarilyo ko?!"
PAAAAAAKK!!
Binatukan ko sya ng malakas hangga't kaya ko.
"TORPE KA PALA EHH!!!!! NASA PALENGKE KA NAKIKITA MO BA YUNG SIGN BAGO KA PUMASOK DITO NO SMOKING!! AT BAT KA BA BIGLANG NANIGARLYO HA?!"
"WALA KANG PAKEALAM!!"
"wjcbfwkdbciwegkjh!!"
PRRRRRRRRTTTTTTTTTTTTTTT!!!
Hala patay! Hindi na ko lumingon kasi alam ko ng Bantay Patrol yung pumipito samin ng Bakulaw na to!!
"Sakay bilis!!"

BINABASA MO ANG
Please find my own Cookie Monster
Teen FictionIto ay para lang sa mga hibang kay COOKIE MONSTER or mas kilala bilang Cross Sandford sa Diary ng Panget. Hindi ito Fanfiction ng love story nila. Ito ay based sa real life situation ng milyong milyong readers ng story na yun. Lahat ng Eyoss Fan ay...