Leslie's point of view :)

4.6K 32 1
                                    

<Leslie’s  P.O.V>

After ng camping namin nay un. Kahit dumadaan pa si Penny sa harapan namin. Hindi ko pwedeng hindi sya sisihin sa mga ginawa nya sa Peppy ko. Si Leslie na tulad ko ay hindi papayag na inaapi ang bestfriend ko na kulang na lang nyang patayin. Pasalamat nga sya mabait ang bestfriend ko. Ang camping na din yun ang start ng pagiging close namin ni Ian. Sabay kaming pumapasok at naglalunch. Hindi ko na nga nakikita ang Hinayupak na Jiggs na yun.

“Leslie..”

“hello Ian”

“tara lunch tayo”

“Sige” tumitingin ako sa paligid pero hindi ko makita ang hinayupak na panget na yun.

Nasa canteen na kami at tinitinngnan ko pa din ang bawat students dito sa canteen pero wala talaga sya. SASAPUKIN KO TALAGA SYA!!

“Okay ka lang ba?”

“yes I’m fine” I smiled at him

“are you sure?”

“yes.”

“Sige bibili muna ako ng lunch natin.” Tuumayo na sya at pumila.

Pinaglalaruan ko na lang ang phone ko. Ang haba pa naman ng pila. May umupo sa tabi ko. Hindi ko na lang pinansin baka si Ian lang yan na naglagay ng pagkain namin. Hinawakan ng katabi ko ang kayak o at hinila ako.

“Hoy! Bitawan mo nga ako!  Sino ka ba?!” binitawan nya ko at hindi ko napansin na nakarating na pala kami sa gitna ng field. 

"Okay sige eh di bitawan." nakatalikod pa din sya sakin

"HOOOOYYY!!!! ANONG GINAGAWA MO?!!" binuhat nya ko at sa wakas nakita ko na ang mukha nya

"Sabi mo bitawan kita eh di binitawan ko kamay mo! Aallis tayo sa ibang lugar tayo maglalunch!" binuhat nya ko na parang kikidnapin! Natatakot na ko sa kanya! May lahing kidnapper ata yung CM ko.  Yung CM naman ni Peppy may lahing Bakulaw wala na bang perpectong CM katulad ni Cross Sandford.

"San mo ba ko dadalhin ha?! wag kang titingin sakin! makikita mo short ko! pwede bang ibaba mo ko! sasama naman ako ng tahimik sayo eh! Wag lang ganito mabobosohan mo ko!" Sigaw ko sa kanya. Pagkasi tiningnan nya ko makikita nya ang short ko kasi nakapasan ako sa balikat nya! Bat kasi nauso pa ang ganitong buhat! Ang ikli pa naman ng skirts namin.

"Wala akong balak tingnan yan no! Badtrip ako ngayon kaya pwede wag kang maingay!" sigaw nya sakin! Bat galit a galit to?!

Pinasok nya ko sa kotse at nagsimula na syang magdrive

"Jiggs san ba tayo pupunta?!" nasa likod na ko at hindi na ko mapakali.

"Basta! sa malayong lugar!" kanina pa to malayong lugar ng malayong lugar baka sa langit na kami makapunta nito.

Hindi na ko umimik at nakarating kami sa isang lake malapit sa isang bridge papunta atang proviince. 

"BABA!!" binuksan nya ang pinto at sumisigaw sya sakin. Hindi ako sanay na ganyan sya sakin. Sanay lang ako na nagsisigawan kami kaya lang hindi ganito kaintense. Nakakatakot sya. "SINABING BABA EH!!" oo na bababa na . Natatakot na ko sa klanya kaya bumaba kami. 

Ay hindi ko pa sa inyo nakwekwento yung sinakyan namin si SEPHTY sya yung kotse na nagsasalita. Kaya nung hindi pa si Jiggs marunong magdrive si Sephty ang nagdadrive sa kanya at isa syang talking car. Mayaman sina jiggs kaya may ganyan syang kamahal na sasakyan. 

Nasa tapat na kami ng lake. Nakapikit na ko at nireready ko na ang sarili ko na itapon nya ko sa lake. Okay lang na itapon mo ko natapos na naman ang misyon ko sa mundong ito dahil nahanap na kita at ikaw ang Cookie Monster ko kahit kidnapper ka. Umalis sya at pumunta sa kotse may kinukuha ata. Naku po... Kung sako yan okay lang. sana lang malinis yung sako na paglalagyan nya sakin. Ayaw kong mamatay na madumi huhuhuh

"Leslie..." hala ayan na ata itatali nya na ata ako. nakapikit pa din ako at binibigay ko na ang kamay ko para talian na nya. "Ano bang ginagawa mo?"

"Nagpapatali sayo. Di ba itatamon mo na ko sa lake na to?" nakapikit pa din ako at tumutulo na ang luha ko sa sobrang takot.

"hahah tama na nga yan" pinunasan nya ng panyo ang luha ko "ikaw naman kasi sama ka ng sama sa pinsan ko kaya ayan nahahawa ka na sa kabaliwan nya at kalawakan ng imagination. hahaha bagay nga talaga kayong bestfriends hahah" tinatawanan pa ko ng kidnapper na ko. natakot kaya ako kanina.

Dinilat ko ang mata ko at nakita ko syang namimilipit kakatawa na may hawak na pink lilies na nasa likod nya.

"Bat ka tumatawa?! Natakot kaya ako sayo!"

"Sorry na. I'm sorry!"

"bat mo ba ko hinatak kanina sa canteen?!"

"wala yayayain sana kita magluch."

"eh di sana dun nalang tayo nagluch naiwan tuloy dun si Ian"

"kayo na ba?"

"ni Ian? Sino pa ba?"

"hahah hindi no? magkaibigan lang kami nun."

"buti naman" tumalikod sya sakin at nakita ko ang malake nyang ngiti. ^__________________________________^

"Bakit? selos ka"

"Oo matagal na! tinitiss ko lang pero nung nakita ko kayo sa canteen hindi ko na matiis kaya hinigit na lang kita palayo sa kanya." nagulat ako sa mga sinabi nya. napangiti ako kasi akala ko nun wala lang syang pakealam sakin at okay lang na may kasama akong iba. Pero ngayon minahal ko sya lalo. dahil sa mga sinabi nya.  Niyakap ko sya ng mahigpit na mahigpit at pareho na kaming umiiyak sa harap ng isa't isa

Ako dahil sa takot

Sya dahil sa selos

Walang tapatan na naganap sa lake. Asa naman tayo kay Jiggs na magtatapat yan sakin. or magsasabi yan ng I love you. He never do that. Pero mas imposible atang gawin ng lalake ang sabihin na nagseselos ako sa harap ng babaeng nagugustuhan nya. 

I know coz I can feel his love and I know he feels the same way too. 

Sumakay na ulit kami ni Jiggs kay Sephty at kumain sa isang resto.

////

<Ian's P.O.V>

Umupo ako sa table namin ni Leslie pero wala sya at naiwan lang ang bag nya. Baka nagCR lang. Hindi ako kakain hangga't wala si Leslie. Kelangan sabay kami kakain dahil ganun ang love. Willing maghintay kahit gutom na gutom ka na hihintayin mo pa din sya. 

After a million year natapos na ang lunch break wala pa din sya. Hindi na ko kumain. nag-aalala ako kay Leslie. Uwian na at nandyan na ang driver ko. maspinili kong maglakad baka makasalubong ko si Leslie eh di sabay kaming uuwi. 

Pinagdidiskitahan ko ang bato sa harap ko kaya naman ang kawawang bato sinipa sipa ko. Baka sya lang only way para makita ko si Leslie my labs!

SIPA

SIPA

SIPA

SIPA

SIPA

BOOOOOOOOOOOGGGGGSSSSSSSHHHHHH!!!!!!!!!!!!!

Please find my own Cookie MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon